Dahil nga nahihilig ako sa pagbabasa sa page na ito, I just want to share my own experience, charot. Pero ito na seryoso, maliit ako, 4'11 lang ako sa edad ko na 16, I don't mind it anyway. Baby face pa ako kaya pinagkakamalan akong elementary kahit na senior high na ako. Everything for me is still now weird. Di pa rin din ako makapaniwala sa nangyari sa akin last July? Yes, last July.
Nung baby pa daw ako kwento nila mama ay may kalaro na akong mga mysterious, yung ako lang daw ang nakakakita. Madalas kasi kaming umuwi sa Bolinao, sa province ni mama. Dun sa bahay nila na yun ay dating two-storey at dahil sa malilit at sobrang liliit na footprints na nakikita nila sa hagdan noon, napagpasyahan nila lola ko na ipa-bungalow na lang iyon. So ito na nga, sa kwarto namin sa bahay nila lola ko, sa likod nun ay may malaking puno ng sampaloc. Dun daw nila ako madalas makita na may kalaro at may kausap nung baby pa ako so they consulted an albularyo at ayun nga, sinabi na dwende raw yung mga kalaro ko that time. Yung mga dwende na nasa 2nd floor ng bahay na lumipat sa sampaloc. Alam nila mama na ganun nga kaya nag-alay na lang daw sila noon nang matahimik na daw iyong mga dwende.
Years, months and days rolled by. Nagdadalaga na ako at sobrang weird na yung nangyayari at nararamdaman ko. Sometimes I ignore it and sometimes pinapansin ko, yun lang talaga ay di ko man lang maramdaman na worried sila mama sa akin kaya ipinagwalang bahala ko na lang, siguro part na rin yun ng insomnia ko since anemic naman ako. Ayun nga, hirap akong matulog noon, sobrang hirap yung tipong feeling ko palaging may nakatanaw na lang sa akin. Liters of water ang nauubos ko para lang makatulog ako noon pero wala pa rin. Tas usually around 3 am ay bigla na lang akong magigising tas may maririnig akong banda, yung banda sa parada ganun. Gigisingin ko sila mama at ipapasilip kung may nagpaparada sa dis oras ng gabi at sisilipin din nila ngunit wala naman silang nakikita o naririnig, ako lang talaga ang nakakarinig.
""Matulog ka na, may pasok ka pa bukas."" Yan ang palaging linya ni mama sa akin. Kaso ang bagsak, bangag na bangag na ako sa school dahil nga sa wala akong tulog. Yung pressure talaga ramdam na ramdam ko. Maliban na nga sa puyat, may mga pasa pa ako so my mom immediately rushed me into the nearest hospital para ipacheck ako, yes, anemic ako. Sobrang baba palagi yung rbc count ko kaya ipinagsasawalang bahala namin yung sinasabi ni lola ko na baka yung dwende ang pumupuntirya sa akin.
Hanggang sa lumipat kami ng bahay, sa bahay na yun, kumportable na ako, nakakatulog na ako ng maayos at maayos na ang lahat. Pero dumating yung time na kinulam yung pinsan ko. Halos mamatay na siya that time pero nakahanap si papa ng magaling na albularyo, ginamot niya yung pinsan ko and luckily, gumaling naman siya. Ako naman ngayon ang napansin nung albularyo, sabi niya kay mama na ingatan daw ako dahil may mga masasamang elemento ang nakabantay sa akin. Sinunod naman nila mama yun, pinablessing pa nga nila yung bahay. Galit na galit ako dun sa albularyong iyon, simula nung nablessing niya yung bahay, andami ko ng kag*g*h*ng ginawa.
Pinunit ko yung tatlong pantalon na kabibili lang at ayokong tumitingin noon sa altar namin sa bahay. Sinasabihan ko pa nga sila mama noon na wag maniwala sa albularyong iyon dahil demonyo siya. Yun ang madalas na litanya ko. Habang tumatagal ay mas gusto ko ng nagkukulong sa madilim kong kwarto. Before, I find my room so beautiful. Tapos may napapanaginipan din akong lalaki pero wala siyang mukha sa isang lugar na napakaganda, akala ko nga prince charming ko na HAHAHA. It's really weird tho hanggang sa nakilala ko yung sister ng best friend ko. She's ate Ei, nababasa niya ako, sobrang nababasa, pinagpantay niya pa nga yung hinliliit ko noon at di pantay, ang sabi niya sa akin, kasama ko daw yung bantay ko. Habang mas tumataggal ay mas naweiweirduhan ako sa mga nangyayari sa akin yung tipong tatawa ako kahit malungkot yung nangyayari at mahilig din daw akong ngumisi ngisi. Weird.
Napagpasyahan ni Ate Ei na gamutin ako, through the blood of Christ, she's a Christian, a believer of God so ayun. Sinuka ko lahat ng mahika at gayumang nilagay sa akin nung tarantadong dwende na yun. Iba't ibang spell. Akalain niyo bang 2 palangganang puno ng tubig ang isinuka ko at ni hindi man lang sumakit ang tiyan at lalamunan ko? Believe me, lahat daw ng magic na nilagay sa akin nung t^r*nt$d%ng dwendeng iyon. Di lang siya isa, kasama pa daw niya ang mga kapatid niya, actually 7 sila. Mala-snow white ang peg ko hahahaha. Pero I'm so thankful sa babaeng tumulong sa akin, my guardian angel, her name is Isabella. Patay na siya at di pa nakakatungtong sa langit dahil ang sanhi ng pagkamatay niya ay ang pagsuko niya sa mga dwende. Kaya naman tinutulungan niya ako para di ako magaya sa kanya, it's really weird at ang hirap paniwalaan. Pero nakausap daw nila Ate Ei yun through me nung deliberation ko. Thankful sila mama na nagamot ako bago ako tumuntong noon ng 16. Kasi kung hindi daw ako nagamot noon ay baka patay na ako ngayon at kinuha na ako ng mga dwende. Napansin din kasi ni mama na halos magbagong anyo na ako dahil yung tenga ko ay nanunulis na din daw noon. Thank you ate Ei mwaaaa! You introduced to me God, again.
Hanggang diyan na lang po. Thank you sa matiyaga niyong pagbabasa. May mga isusunod pa akong isesend tungkol naman sa kababalaghan na nangyari sa family namin. Hanggang dito na lang muna. Mwa!
ALWAYS KEEP YOUR FAITH. PROCLAIM THAT YOU'RE A CHILD OF GOD.
PS. Yung faith ko daw po kasi ay mahina noon kaya napapasok ako nung mga walangyang dwende na yun.
Snow White
