Tunay kami

703 6 2
                                        


Una sa lahat gusto ko lang ihayag na hindi supernatural, paranormal, o kathang isip lamang ang ilalahad kong 'confession' gaya ng mga nauuso dito. Sa mga admin, sana ho'y maihayag ninyo 'to sa page ninyo upang malaman kung ano ba talaga ang dapat katakutan at dahil proud din ako.

Malamang iisipin ninyo, adik ako, baliw o may kakulangan sa pag-iisip. Mali. Kahit kailan hindi ko pa nasubukan magdroga. Mataas ang pinag-aralan ko, maraming kaibigan, pala-simba, at alam ko ang totoo at ang ilusyon.

Noong bata pa lang ako, mahilig na akong manakit ng hayop. Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko silang nasasaktan at kinikilig naman ako sa tuwing nararamdaman kong lumilisan ang buhay mula sa kanilang mga katawan. Pero napakalaki at lawak ng pinagkaiba kung sa kapwa mong tao gagawin ang sinasabi ko.

Tao lang ako. Gaya ninyong lahat pero apat na tao na ang napapatay ko. Stranger to stranger ang nangyayaring engkwentro kaya imposibleng matunton pabalik sa akin ang mga 'masterpiece' ko. Sigurado ako na kanina mo pa tinatanong sa isip mo ""Bakit ka pumapatay?"" Simple lang ang sagot ko dyan. Gusto ko lang. Tama ang nabasa mo. Gusto ko lang dahil may nararamdaman akong kakaibang rush o 'high' sa tuwing gumagawa ako ng 'obra'.

Sining o obra ang tingin ko sa mga paraan ng ginawa kong pagpatay sa mga naging biktima ko dahil may incorporation ng patterns sa bawat eksenang ginagawa ko sa kanila. Ang mga 'art' na ginagawa ko ay siya naman talagang nagpapasaya at nagpupuno ng kakulangan sa mundo ko kung kaya't masasabi kong... proud ako. I was always proud pero ngayon ko lang naikwento dahil hindi katanggap-tanggap 'to sa mga pangkaraniwang tao. Ang sarap pala sa pakiramdam.

Kakapasa ko lang ng board exam ngayong taon bilang doktor. Ibig sabihin nito, mas magiging maganda ang maskara ko sa mata ng mga tao dahil isa na akong high-functioning member of society. Mapagkakatiwalaan na nila ako dahil mayroon akong 'qualifications'.

Natuklasan ko rin na hindi lang pala ako nag-iisa sa mundong 'to. Marami kami pero hindi ninyo kami matutukoy. Hindi ninyo madaling malalaman kung sino kami dahil hindi kami nakakulong. Nasa paligid lang kami. Kami ang mga asawa ninyo, mga anak niyo, kaibigan, o di kaya'y doktor ninyo at marami pa sa inyo ang magiging parte ng mga obra maestro namin.

Dr. Who

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon