Witchcraft

1.6K 24 1
                                        


I'm Nessa, not my real name. So it happened when I was 2nd year college nung july 2014 sa Capiz. I really don't believe in witchcraft or mangkukulam o aswang. Para sakin it's just a bunch of stories just to scare children and go to bed early. Pero one day everything changed on what do I believe. Paalala po, medyo mahaba.

Monday 1:30am. Hindi ako makatulog kasi una ako lang mag-isa sa bahay kasi sila papa at mama ay pumunta sa roxas sa pinsan namin. Kasal kasi at kasama nila yung dalawa kong kapatid. So ayun na nga. Ako lang mag-isa. I just can't sleep. Feeling ko may nakasilip kasi sa bintana. Pero pag tinitignan ko lang eh mga puno lang na hinahangin ang mga dahon. Browse na din ako browse sa fb at wattpad para lang malibang at baka sakaling antukin.

Tinignan ko relos sa cp ko 2:24 am na. Hindi pa talaga ako inaantok! Napatigil ako sa pagkalikot sa cp ko nung umalulong yung mga aso. Alam niyo naman yun? Yung awooo. Eh iniisip ko baka may tao kaya dahan dahan ako sa paglakad at sumilip sa window. Pagsilip ko SH*T may matandang babae na nakatingin din sakin at ang lapit pa sa mukha ko! Natakot ako kasi ang gulo ng buhok niya at yung ngipin niya may bulok na itim. Pero sinantabi ko muna takot ko at tinanong siya.

Ako: Ah eh nay bat ho kayo nandito eh madaling araw pa lang po? Wala po si nanay at tatay dito..

Hindi siya sumasagot. Instead pumikit siya at nagdasal. Tapos may hawak siyang maliit na manika ata, tinawag ko ulit siya pero di siya natingin. Maya maya tumawa siya ng mahina at umalulong ulit ang mga aso. Promise.. takot na takot ako. Gusto ko humingi ng tulong kaso napakalayo ng mga kapitbahay namin. Kaya kinuha ko cp ko at nagdial sa number nila tatay kaso off cp nila. Sinubukan ko yung kay nanay. Nagriring pero maya maya namamatay. Tumingin ulit ako sa labas kaso wala na ang matanda pero nasa lamesa ko yung maliit na hawak niyang manika. Sinara ko ng maigi yung bintana at tumakbo ako papunta sa kama at pinilit na makatulog.

Kinabukasan mga 9am nagising ako sa ingay sa labas. Dumating na pala sila nanay. Paglabas ko ng kwarto nagulat ako may dugo sa hapagkainan. Tinanong ko sila ano yun, ang sagot yun daw ang dapat tatanungin nila sa akin kasi ako naman daw tao sa bahay. Hindi ko naman maipaliwanag kasi never pa ako pumatay ng hayop. Insekto lang. Paglabas ko naman nakita ko na nakahandusay ang alaga naming aso pati na rin mga sisiw na inaalagaan ni tatay ay patay na at nilalangaw na. Kaya nilibing namin agad yun.

Kinagabihan, nasa kwarto na ako gumagawa ng report ko. Natapos ako bandang 11 pm kasi apat yung report ko sabay sabay pa. Matutulog na sana ako ng may nag pst sa akin. Dumungaw ako ng konti sa bintana at nakakita ng paa. Iniisip ko baka sa tatay lang yun kaya sinara ko na yung bintana at humiga na.

1am. Nagising ako sa lakas ng kalabog sa bahay. Sa sobrang gulat lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kwarto nila nanay. Tinanong nila ako bat daw ako naiyak, sabi ko may kumakalampag sa kwarto kaya bumangon agad si tatay at tinignan ang kwarto ko pero wala naman daw. Tumabi na lang ako kay nanay matulog.

Kinaumagahan hindi ko alam pero ang sama ng pakiramdam ko. Sobrang nahihilo ako at hindi ako makabangon. Dinala ako ni mama sa hospital para ipacheck up. Tapos suka ako ng suka. Tapos pag naiidlip ako naaalala ko yung mukha ng matandang babae at nagdadasal kaya napapagising ako at susuka ulit. Lumabas sa lab test ko na wala naman daw akong sakit pero inaway ni nanay yung nurse kasi kung walang findings bat daw ako nagkakaganito.

Umuwi kami nun kasi inawat ni tita joy (kapatid ni mama) si mama sa pakikipag away. Sabi ni tita bat daw hindi nila itry sa albularyo kay manong asun. Naisip isip ko kung magaling ako baka tumawa na ako kasi di naman totoo yun pero dahil nakawheel chair ako eh agad akong dinala sa albularyo.

Ang dami nyang ginawa na hindi ko maintindihan. May mga manok na ginamit at mga dahon dahon tapos kandila. Tinanong niya kami kung may kagalit ba kami. Sagot ko wala naman. Pero sabi ng albularyo may nagalit daw kay tatay at ako ang pinuntirya niya. Matandang babae daw na mangkukulam at ayon sa albularyo malakas daw ang kapangyarihan ng mangkukulam. Kaya kailangan may mahanap na bagay na ibinigay niya sa amin at yun ang gagamitin niya para maialis ang sakit ko.

Naikwento ko din kila nanay nung nagpakita ang matanda at may hawak na manika na maliit. Pinagalitan ako, bat ko daw ngayon lang sinabi pero agad din namin hinanap yun. Nawala sa mesa ko yun na pinagtataka ko pero nahanap ng kapatid kong 8 yrs old sa tabi ng libingan ng aso namin. Tinakbo nila yun sa albularyo. Matapos ang isang araw bumuti na ulit ang pakiramdam ko. Tapos dumating si tita joy sa bahay at binisita ako. Dinalhan ako ng saging. Sabi niya pa namatay na daw si aling linda sa kabilang barangay, yung dati naming pinagkukuhaan ng isda. Nawala daw siya sabi at nahanap na wala ng buhay sa may tabi ng ilog hawak ang manika at mga dahon dahon. Iniisip ko, siya kaya yung nangkulam sakin?

Hindi ko pa din lubos na maisip na totoo pala ang ganun. Kaya simula nun nagdadasal na ako at nagsisimba kada sunday.

nesaa

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon