LIGAW

947 16 1
                                        


Taong 1986 buwan ng hulyo kung saan isa pa lang akong estudyante ng kinder, masalimuot ang mga panahong yun, kung saan laganap ang batas militar.

Maraming tindahan sa amin ang sarado, maging paaralan ay ganun din. Magulo ang panahon ng "martial law". Pinasok ng mga bandido (NPA) ang aming munisipyo at pinaulanan ng bala. May inosenteng tao ang nagbuwis ng buhay. Dahil sa gulo ng sitwasyon noon, napilitan ang aking mga magulang na lisanin ang aming munting tahanan, ito'y somewhere in Quezon Province.

Tumira kami pansamantala sa bahay ng lola ko. Along San Pablo City. Madawag at magubat ang paligid ng bahay. Nakasanayan ko na ang bumili sa tindahan kahet may kalayuan ito sa bahay ng lola ko. Ang mga bahay ay layu layo kung kaya nakakapanglaw ang manirahan duon, pagsapit ng alas singko nasa bahay na ang mga tao. Dumating ang araw ng kinatatakutan ko, totoo nga at hindi haka-haka lang ang mailigaw ka ng nilalang na ito. Masaya pa siya pag umiiyak na at nahihirapan kang makita ang landas pauwi.

Inutusan ako ng lola na bumili ng betsin sa tindahan kung saan dadaanan ko ay gubat at may dalawang malaking puno ng mangga. Dahil sa bata pa ako, di ko alam ang hiwagang nababalot sa mundong ginagalawan ko. Pauwi na ako noon galing sa tindahan dala ang betsin, ngunit sa malas di ko makita ang daan pauwi sa bahay ni lola. Makailang ikot lakad at takbo ang ginawa ko, pero sa tuwing titigil ako, yung dalawang puno ng mangga ang bubungad sa paningin ko.

Nakikita kong nagtatakip silim na. Sa isip ko lagot ako kay lola, tiyak bugbog ang abot ko nito. Masungit pa naman ang ina ng tatay ko (Sori lola love you po RIP). Di na kinaya ng batang isip ko bakit di ako makaalis sa lugar na yun. Mukhang naliligaw na ako pero talagang impossible kasi nasanay na ako sa rutang yun, pero bakit di ko matukoy ang daang pabalik.

Bumuhos sa loob ko ang awa at takot na gabihin na ako. Umupo ako at sumubsob sa palad ko at umiyak ng parang wala ng bukas. Biglang narinig ko ang pagbulyaw ng lola ko. Ano ba daw ang ginagawa ko sa harap ng bahay, bakit di man lang ako pumasok.

Hilam man sa luha pero galak at pagtataka ang naiwan sa isip ko. Anong hiwaga yun, pagmulat ng mata ko harapan ng bahay nakita ko. At anu]o yung narinig kong tawa ng tao tapos kabayo.

Mga katanungan na paano na ako kung di ako nakita ni lola? Saan bang dimension ako naparoon at anong uri ng nilalang yun?

Talagang ang mundo ay nababalot ng hiwaga at misteryo.......

DIWATARA

Note: Hilam means blurred :) Pakiiwasan haluan ng politics ang comment. Focus lang tayo sa story para walang away :)

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon