Ako po yung sender ng akin ka lang na napost Noong NOVEMBER 23, 2015. Gusto kong ikwento ulit yung nangyari. Nang mismong araw na napost yung Akin ka lang (Nov 23, 2015). Birthday yun ng pinsan ko at sa amin ginanap. Dahil antok na antok na ako napag desisyunan ko ng matulog kahit na nagp-party party pa sila.
Tiningnan ko muna kung napost na ba yung sinend ko. Nung nakita kong napost na binasa ko kaagad at yung mga comments, maraming nagcomment na baka about yun sa past life ko pero hindi ko naman pinansin. Pagkatapos kong basahin natulog na ako. Doon nagsimula ulit ang lahat, mas malala pa sa mga naging panaginip ko. Sa panaginip ko tumatakbo ulit ako habang nakasuot ng makalumang damit. Hinahabol niya ulit ako, pero kung dati ay hindi niya ako naaabutan sa panaginip kong 'yon ay naabutan niya ako. Sobra ang takot na naramdaman ko nun. Paulit-ulit iyang sinasabi yung " AKIN KA LANG" at iyak lang ako ng iyak nun. Mas Nadagdagan yung takot ko ng sabihin niya na " BAKIT MO SINABI SA IBA?! " hindi ko na naalaala yung iba dahil pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nagising na ako. Habol hininga ako ng magising ako. Naguguluhan sa sinabi niya. nung una hindi ko maaintindihan kung bakit sinabi niya 'yon pero unti-unti ay nakuha ko rin ang ibig niyang sabihin. Sa tingin ko Nagalit siya na pinaalam ko saa iba yung tungkol sa kanya, sa mga panaginip at nangyari sa akin, yung tungkol sa kanya. Nagalit siya sa akin.
This September, napanaginipan ko ulit siya. Hawak hawak niya ako sa braso, kinakaladkad niya ako. Itinulak niya ako sa sahig. Natakot ako sa sumunod na nangyari, Binali niya yung Paa ko at paulit-ulit niyang sinasabi na " AKIN KA LANG!". Gusto kong gumisign pero hindi ko magawa. May sinabi pa siya pero yung " HINDI KA NA MAKAKATAKAS" lang yung naaalala ko. Nagising lang ako ng tapikin ako ng kuya ko sa mukha. Nag-aalala yung kuya ko, sabi binabangungot daw ako. PERO MAS MATINDI PA SA BANGUNGOT ANG NARANASAN KO.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin sinasabi sa magulang ko yung about sa lalaki sa panaginip ko. Nasa sainyo na kung maniniwala kayo o hindi. Pero lahat ng ito ay totoo.
Unknown
None
