Hi Spookify! I just want to share my 3rd story (Last send ko is 2015 pa). I don't know kung tumatanggap pa din kayo via fb messages perp try ko na din.
This is just a dream pero every time na naalala ko o nakkwento ko sa mga friends ko, paran bumibigat yung pakiramdam ko. Alam mo yung feeling na nagsisisi ka isang bagay na ginawa mo? Parang ganun. So here's my dream.
Second year college ako noon nang mapanaginipan ko ito. Sa panaginip ko, tumatakbo daw kami ng mga kaibigan kong sina Kiana, Burn, Pau (hindi tunay na pangalan) at ilang mukhang hindi familiar sa akin. Hinahabol daw kami ng masasamang elemento like tikbalang at demons. Ang bilis bilis daw ng takbo namin pero hindi kami makalayo. Hanggang sa makarating kami sa bahay ng lola ko sa tuhod. Dalawang palapag iyon at gawa sa kahoy, ang bintana niya ay capiz na sliding. Umakyat daw kami doon at lumabas sa bintana at tumuntong sa bubong ng 1st floor. Pagtapak sa daw sa bubong ay nag iba ang paligid. Naging maaliwalas ang panahon at puro berde ang natatanaw ko. Sa dulo ng bubong ay nandun yung isang schoolmate namin na si Kuya Hummer (di tunay na pangalan). Nakaputi siya na damit, may halo at may pakpak na parang isang anghel. Sabi niya tapos na daw yung misyon namin dito sa lupa at tinatawag na daw kami ng Ama pabalik sa langit.
Tuwang tuwa daw ang mga kaibigan ko at mga kasama namin. Isa isa silang naglakad papunta sa dulo ng bubong pagkatapos ay nagpatihulog sila pababa. Nagulat ako kasi kahit mababa lang naman yung bubong ay may chance na pwede silang masaktan pero bago pa daw ako makalapit ay nakita kong nakalutang na ang kaibigan ko, nakadamit na din ng puti at may pakpak. Nagpaalam siya sa amin at lumipad na papunta sa langit. Sunod sunod ding tumalon ang mga kasama ko hanggang ako na lang yung natira. Dahan dahan akong lumapit, pagtingin ko sa baba ay nandun ang pamilya ko at mga kaibigan ko. Nakatingala sila sakin at parang naiiyak. Tinanong ko si Kuya Hummer kung maaalala pa ba nila ako pag umalis na ako. Malungkot siyang umiling at sinabing mabubura ang lahat ng bakas at alaala ko dito sa mundong ibabaw. Tinanong ko kung pwede ba akong hindi sumama, hindi siya sumagot at lumipad na din siya papunta sa langit kaya nagdesisyon akong magpatihulog na lang din. Pero hindi daw ako tinubuan ng pakpak kaya lumagapak ako sa lupa. Doon na ako nagising.
Eiko-san
