KULTO?

973 13 0
                                        


Hi sa mga readers ng Spookify lalong lalo na din sa admin. Gusto ko lang sana ishare tong sobrang nakakatakot na experience ng buhay ko at sana mapost to 😊

So yun uumpisahan ko na. Gabi ng March 11 this year lang, biyernes yata yun. Apat kami sa pamilya namin, 3 kaming magkakakapatid at si mama, yung papa ko wala na sya kaya apat lang kami. So here it goes, that time wala yung kuya ko (Pangalawa ako sa magkakapatid) kaya kaming tatlo lang, mga pasado 11 pm naghanda na kami para matulog. Pero bago yung sinecure ko muna yung mga bintana and pintuan namin kung nakalock ba bago ako matulog. And nagbabasa pa ko dito sa spookify ng few stories pampapaantok lang. So eto na habang natutulog ako, bigla akong nagulat sa pagkakahimbing ko kasi may kumakatok sa pintuan. Ang pinagtataka ko pa ang lakas lakas ng katok na akala mo galit na galit at nagmamadaling ipabukas yung pinto. Syempre tumayo ako na nakasimangot kasi makakatok wagas, pero tinignan ko muna yung oras, 2:49am yun. Tinignan ko din yung kapatid ko at si mama at tulog na tulog sila. Yun tumayo ako at pumunta sa direksyon ng pinto namin habang nagsasalita ng ""SANDALI LANG!""

Pagkabukas ko ng pintuan, nagulat ako na walang taong bumungad sakin, so tingin sa kaliwa sa kanan pero wala talaga. Ang akala ko talaga si kuya yun pero 5 pa ng umaga ang uwi non kaya hindi sya yung kumakatok. Sa isip isip ko mga kapitbahay ko lang yun na malakas ang trip kaya nilock ko ulit yung pinto sabay balik sa higaan. After ng ilang minuto may kumatok ulit ng paulit ulit at malakas ulit ito, so nagising ulit ako (Ako kasi yung pinakamabilis gumising sa pamilya namin kapag may kumakatok, kalabog o ingay na nagaganap sa paligid). Tumingin muna ako sa oras, pagtingin ko sa phone ko 2:59, dun pa lang kinabahan na ko. Dahilan na rin siguro sa mga nalalaman kong 3:00 am thingy demon hour daw so tumayo ako sa higaan. Pero di ako dumiretso sa pintuan namin, dumiretso ako sa bintana namin yung jalousy type na bintana (Sorry kung mali spelling ko tsaka yung bintana medyo malayo sya sa pintuan namin. Since bintana naman ng kwarto namin ang ginamit ko pero tanaw mo pa din kung sino ang nasa labas).

Hinay hinay lang yung pagbukas ko ng bintana namin and hindi yung bukang buka, onting awang lang binukas ko. Pagkatingin na pagkatingin ko nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, di ko inaasahang makakakita ako ng mga taong nasa sampu mahigit ang nasa harap ng pintuan namin. At ang kinatakutan ko is yung nakasuot sila ng black na may hood, mahaba na hanggang paa. Yung parang suot ni kamatayan at ang mukha nila hindi mo maaaninag, tanging bibig lang ang makikita mo. Alam nyo ba yung pwesto nila sa harap ng bahay ay yung parang nakaayos talaga. Kumbaga may formation at lahat sila may sinasabi, nalaman ko sa buka ng bibig nila pero di ko marinig kung ano yung sinasabi nila. Halos 1 minuto ako non hindi huminga at hindi kumukurap sa sobrang takot sa nakita ko. Agad kong ginising yung mama ko pero pinagtataka ko ayaw magising ni mama na kahit anong yugyog ko ayaw magising. Ganun din yung kapatid ko, ayaw nila magising. Sobrang takot na takot na ko nun that time and iniisip ko is may nangyayareng hindi ko maipaliwanag.

Nanginginig na ko nun sa takot at sinubukan ko ulit tumingin sa bintana namin at lalo akong nagulantang sa nakita ko. Yung ibang tao na nasa harap ng bahay namin nandon na sa harap ng bintana namin. Tumalon ako patalikod non and that time naririnig ko na ang sinasabi nila, hindi ko maintindihan kung ano sinasabi nila pero paulit ulit yung mga words. Sinasabi nila yun ng sabay sabay at sobrang nakakatakot yung boses nila. Natataranta ako kung ano bang gagawin ko pero isa lang yung pumasok sa isip ko that time. Kinuha ko yung rosaryo sa altar namin at kutsilyo sa lamesa namin at nag umpisang magdasal. Pagkatapos ko magdasal non tinignan ko yung oras nasa 3:06 am, sinubukan kong pakiramdaman ang paligid. Nung wala na kong marinig, tinignan ko ulit sa bintana at wala na sila, laking pasasalamat ko nun kay Lord. Pagkatapos nun nakatulala lang ako hanggang mag umaga. Pagkagising nila kinwento ko ang nangyare at nagulat ako sa sinabi nya na naranasan nya din daw ito nung pinagbubuntis nya daw ako 17 years ago and march din daw yun nangyare. That time sya lang at si kuya (Baby pa si kuya non) ang kasama nya nun sa bahay (32 years na kami sa bahay na tinitirhan namin) at pang gabi ang duty ni papa sa trabaho.

Mula noon naging misteryo na sakin yung pangyayareng yun, dala dala ko pa din hanggang ngayon. Habang tinatype ko to parang nagrerefresh lahat ng nangyare nung araw na yun. I hope nagustuhan nyo and sorry kung pangit ang pagkakakwento ko.

PS. Totoo po tong kwento ko. Nasa sa inyo pa rin yan kung maniniwala kayo, ang sakin lang di ako magsasayang ng oras sa pagtatype kung di naman katotohanan ang sasabihin ko. GOD BLESS.

PUPQCian

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon