Uri ng Albularyo

787 5 0
                                        


Hello po sa mga admin at readers dito, bale halos wala pa akong isang buwan na nagbabasa dito pero nakakatuwa dahil may mga kwento dito na natugma sa experiences ko lalo’t galing ako sa pamilya ng mga albularyo at gaya ng iba gusto ko lang magshare ng kaalaman ko tungkol sa mga unknowns na worth reading rin naman kahit papano kaya sana mapost to admin ha (pakyot hahaha)
Ako si Violet (syempre di tunay na pangalan) bale ang kaalaman ko basically is sa types ng albularyo na nashare sakin ni tatay. Sabi nya kasi hindi lahat ng albularyo ay magkakaparehas kaya may iba na nagspespecialize sa something at iba na halos nanggagamot lang talaga or nagpipinpoint lng ng pinagmulan o pinanggalingan ng sakit o anumang nangyayari sa may sakit.
Ganito raw kasi yun may mga albularyo na may abilidad talaga, yun bang may gift, yung tipong nakakakita or nakakasense ng mga unknowns o kahit pangyayari na talagang bihasa na sa ginagawa nila kasi may connection na talaga sila sa mga unknowns sa paligid na nashesharehan na sila ng knowledge at oraorasyon directly from the unknowns, sila yung magagaling talaga mga 99% effective kung hihingan mo ng tulong (99% lang kasi depende pa rin sa case). Tapos meron namang albularyo na may kaibigan o inaalagaan na kalimitan ay duwende, peymus ang mga gento sa mga barrio barrio sa rural areas, sobra silang effective kung lamang lupa o lamang gubat ang nanggagalaw sayo. May mga albularyo naman na descendant na ng mga nauna kong nasabi yung tipong napagpasahan ng kaalaman ng mga nauna kong nabanggit, napamanahan ng lupa at ng mga gamit kasi sure ako na yung mga albularyo na yun ay may mga something like for example ay medalyon yun bang parang bronze na may nakaukit, minsan tanso, yung nakita kong ganyon san benito ata yun yung may santo then foreign writings na kung ano ano pero iba iba yun at hindi ko pa alam yung gamit ng iba. At pinaka basic na siguro yung mga albularyong may alam, often times sa mga halamang gamot or paggawa ng langis langis na malimit kaalaman na nanggaling lang rin sa mga nauna ko pang binanggit.
Pero ingat kayo sa nilalapitan nyo kasi nowadays marami ng paraan talaga ng panggagamot at ways para magka’alam’ ka, yung iba hindi na albularyo ang tawag e depende sa kinakapitan nilang unknowns o mga orasyong inaaral nila na minsan ay delikado na o may hinihingi ng kapalit, let’s just give them the benefit of the doubt at ipagpasaDiyos na lang natin sila.
Kung tatanungin nyo ako kung san category dun ang sa pamilya ko may ability ang lolo ng tatay, open kasi ang 6th sense niya sabi nila nakikita at malakas pandama niya sa aura ng tao kaya malimit alam nya na pag may dadating at magpapatulong sa kanya, as in kaya lahat ng nalapit sa lolo ng tatay nung araw talagang naandun na siya lagi sa silong na expected nya na ang problemang ilalapit sa kanya. Meron rin siyang kaibigan, di lang sakin malinaw kung engkanto ba o dwende sa may malaking bato dito samin kahit bukas third-eye ko di ko naman nakikita. Mahaba rin naging life span niya sa tunay naabot ko pa siya nung elem ako, pumanaw siya sa edad na 91 at wag kayong judgemental hindi po siya galing sa lahi ni Mary Calypso na may subo at nagtatransform, may medamedalyon siya ditong naiwan pero walang itim na bato charr hahaha. Sa ngayon lola ko na ang nagtutuloy ng panggagamot, inay siya ng tatay tsaka open rin 6th sense nya halos lahat naman silang magkakapatid kahit ang tatay at mga tiya, ganun gawain nila, binubuksan talaga para sure na may magtutuloy pero na tigil na naman sa generation namin, yun nga lang open talaga ang sakin. Sa dami ng nagpapatulong samin nakikita ko rin minsan kung ano ang nakakapit sa may sakit pero sanayan naman yan kaya masasabi kong may alam ako sa mga unknowns I’ve seen a lot of cases na. Ang haba na hahaha next time na lang ako magshare ng experience ko sa unknowns, salamat sa pagtityagang magbasa mga bes hahaha.

Violet
Aplaya somehwere

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon