Teacher ako sa isang national highschool sa probinsya sa region 1. Kung saan din ako nag-aral ng highschool. May katabi itong state university, kilala sa buong probinsya ang campus na yun. Which is san din ako nag-aral ng college. First year ako nung maging professor ko si Maam T.
Matalino sya genius kumbaga yet creepy at the same time. Tanda ko nung orientation, may fourth year na nag approach samin, kaparehas namin ng course at president ng student council. Nung malaman nyang may subject kami kay Maam T. sinabihan na nya kami. ""Kung gusto nyong walang klase sakanya, dikitan nyo yung amba ng pinto ng room nyo."" We asked why? Basta gawin na lang raw namin. At pag may nangyaring kakaiba, puntahan namin sya sa office ng student council. Being fresh from high school, nag-usap kami na sige, we'll give it a try.
After lunch ang klase namin sakanya. First day, bigayan pa lang ng classcards and the 'introduce yourself' thingy. Talagang tumambay kami dun sa may pinto ng ilang minuto. Anim silang nandun, yung tatlo nasa labas, ako napagitnaan nung dalawa ko pang kaklase. Magbabarkada na kami since high school, bonus pa na parehas ang course na kaya ng bulsa ng mga magulang namin. Bago sya dumating, yung feeling leader na agad ng klase pinaupo na kami. Wala kaming idea kung anong itsura nya. Kaya nagulat kami dahil may matandang babae na nasa harap ng pinto, naka pikit at nakataas ang isang kamay. May mga tumatawa sa itsura nya, amputi kasi ng mukha. As in mukha lang, yung leeg hindi kasamang napulbuhan. Di namin alam kung sinadya ba o hindi. Umiling iling sya tapos sabay alis. Lahat kami natahimik. Ginawa namin, nagpunta kami sa office ng student council, hinanap namin yung president. Wala sya, pero nandun yung co officers nya. Sinabi namin yung nangyari.
""Bukas, wag na kayong tumambay dun"" Pero makukulit yung mga kaklase ko. Tumambay sila ng tumambay, inabot na ng biyernes di pa rin namin sya nami-meet. Napag kasunduan na namin na sa Lunes, wag na kaming tatambay sa may pinto. Ano nalang kasi ang magiging grade namin kung hindi sya papasok diba? Imagine yung gulat namin nung Monday walang tumambay sa pintuan, saka sya pumasok. Nagsulat sya sa blackboard, ang lalake sakop yung buong board. Weird si Maam. Pero katulad nga ng sabi ko, sobrang talino. Okay naman sya para samin kahit weird sya.
Hanggang sa nung aquaintance party may naka kwentuhan ang grupo namin na mga second year. May kwento kwento noon, parang urband legend. Mayron daw estudyanteng lalaki ang nakipag eye to eye sakanya. Nagwala daw nun si Maam, sinabi nyang pinagnanasaan daw sya nung estudyante nya. Syempre tanggi daw yung lalaki. After nun, pinalista daw ni maam yung pangalan nya pati ng mga magulang nya sa isang kapirasong papel. Tinanong ko yun sa tita kong naging professor din si Maam. Hindi naman daw totoo na namatay yung lalaki. Nagkasakit lang bigla. May mga weird pang ginagawa si Maam. Na witness ko rin yung mga yun.
1. Bago sya umupo sa upuan nya. Maglalabas sya ng alchohol at tissue. Uubusin nya yung isang lalagyan ng alchohol sa upuan, mesa at board. Gagamitin nyang pamunas yung isang box ng tissue. Ganun araw-araw.
2. Taga kabilang bayan sya. Uso pa nun yung jeep ang sasakyan hindi pa by toda ng tricycle. Maluwag pa yung jeep, si Maam lang ang naka upo dun sa isang hanay ng jeep. bibisita sana ako sa girlfriend ko nun eh, papasakay na ko nung pigilan ako ng barker. Nabayaran na daw ni maam yung buong upuan. Ganon daw sa araw-araw, nasanay na sila, ayaw nya ng may katabi.
3. Mahilig sya sa banana cue , pero dapat dun mo binili sa tindahan na gusto nya. Dapat din susunod ka dun sa lugar na sinabi nyang daanan mo papunta sa tindahan pati pabalik. Dapat naka plastic yung sukli nya pag barya. Pag sinabi mo yun dun sa tindero na kay Maam T. yung banana cue, alam na nya gagawin nya. Ibibigay nya sayong naka plastic na ng yelo yun. Oras na hindi ka sumunod, alam nya, tititigan ka nya tapos hindi na nya kukunin yung sukli nya, ipapakain na rin nya sayo yung banana cue. Tried and tested namin to. Merong sinadya kong hindi dumaan dun sa sinabi nya alam nya agad. Naka libre ako ng banana cue ng wala sa oras. Mayron din syang maliit na stick na parang ganon sa simbahan, dun mo ilalagay sukli nya. Pag papel? Hindi nya yan kukunin sayo, keep the change.
4. Wag mo syang tititigan pag lalaki ka. Kundi makakatikim ka ng malutong na tres o kaya pag kamalas malasan mo, singko ka sakanya. Hindi ko makakalimutan yung araw na nakipag eye to eye ako sakanya sa klase. Ang ganda kasi ng topic, nangingiti pa ko nun sa isip ko bagay sakanya yung topic, abnormal behavior. Dinuro duro nya ako. Hanggang ngayon diko makakalimutan yung sinabi nya sakin.'Bakit mo ko tinitignan Nikolas? Akala mo hindi ko napapansin? Pinagtatawanan mo ko. I can hear you every time! Kahit ngayon. You think I'm a lunatic, you don't know anything. But I can see, I can see in the near future, you'll meet a girl that will drive you crazy. Much crazier than me. But you can't be together, never will be and it will break your heart into tiny shreds'.
Napakamot lang ako ng ulo ng mga panahong yun. Little did I know na magkakatotoo yung mga sinabi ni Maam. Hindi lang sakin pero sa mga ka major ko rin na nahuli nyang nakatingin sakanya.
Sabi ng mga scientist, iilang percent lang ng brains natin ang gumagana. Na oras na gumana yung ibang parts, dun na papasok yung mga powers powers na yan. Example si Maam T. naipredict nya, sabi nya nakita nyang magiging broken hearted ako at mas magiging baliw sakanya na totoo naman. Time!
Kaway kaway sa mga taga Bayambang! yeeeeehaaaa! Sa mga graduate ng 2000-2008 alam kong kilala nyo si Maam.
Sir Nikolas
Pangasinan
