Panaginip lang ba?

520 5 0
                                        


Ngayong taon lang ito nangyari. Ito rin ang rason kung bakit ako hindi nagbasa ng stories Spookify for almost 2 weeks.

Nagising ako ng past 3am. Maya maya ay nakatulog rin ako muli. Bale ang position kong matulog ay patagilid. Sa aking paanan andoon ang electric fan, may ingay itong nililikha pero dahil pitch black ang paligid, hindi ako nagabala para tignan kung bakit iyon nagkakaganoon. Ipinikit ko ang aking mga mata, ngunit may nagsalita,  ""Kukunin kita"", nakakatakot na boses ng lalake na tila nagmula sa ilalim ng lupa. ""Kukunin kita"", ani ng kulay itim na lalake. Naninigas na ang katawan ko, hindi ako makagalaw, unti unti siyang lumalapit sa akin, ""Ayoko"" nasambit ng aking mga labi nang tuluyan nyang mahawakan ang dulo ng aking daliri. ""Sumama ka sa akin!"" Unti unti nyang hinihila ang aking kamay. ""AYOKO!"" At tuluyan akong nagising. Pawisan. Naninikip ang dibdib. Masakit ang katawan. Umaga na pala. Naiiyak ako. Sana andito sila Mama at Papa.

Bicolana
Bicol

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon