Nakunan o kinunan

1.1K 18 0
                                        


Silent reader po ako dito sa spookify at gusto ko lang sana ishare tong malungkot at di maexplain na nangyari sakin at sa baby ko..

Hindi ko alam kung pano ba ipapaliwanag lahat to o nagdedeliryo lang ako dahil sa epekto ng gamot..nangyari ito sakin june 2013..4 months preggy ako nun sa 2nd baby namin ng asawa ko...madaling araw nun ng sumakit bigla ang tiyan ko..kaya nagpasama ako sa asawa ko para mag cr dahil akala ko nadudumi lang ako pero iba na rin talaga ung sakit ng tiyan ko nun at balakang...kaya inalalayan nia ko...nasa cr na ko ng may naramdaman akong parang may naglalakad sa bubong...lumabas ang asawa ko para silipin dahil narinig din pala niya...ewan ko ba pero parang nakaidlip ako nung time na nasa cr ako...nung nawala ung sakit ng tiyan ko o nabawasan ung sakit,tumayo ako at palabas na sana ng cr ng maramdaman ko na parang may lumabas na akong umiihi..tumingin ako sa paanan ko at laking gulat ko na umaagos na ung dugo sa sahig galing sa binti ko..sobrang dami talaga na akala mo sinaksak ung mga hita ko...d pa natapos dun my parang malaking tipak pa ng dugo ang lumabas at sobrang pinanghinaan ako nun at nagdidilim ang paningin ko..tinatawag ko asawa ko kahit hinang hina na ko..buti na lang pumasok asawa ko at nakita na puro dugo na ung tiles...nakasandal lang ako sa hamba ng pintuan kaya hindi pa ko natutumba nun...agad niya kong nilapitan at humingi sya ng tulong..nagsisigaw na sya para tawagin ang mama ko...di nia malaman nun kung bubuhatin niya ko o ano..
NV:
Sya: momy anong nangyari?.wag kang matutulog.dadalhin kita sa ospital.
Kaya pilit kong minumulat ang mga mata ko..binuhat nila ko at talagang nahirapan sila that time..
Hinaga nila ko at tinawag naman ng mama ko yung kapitbahay namin na komadrona dahil di nila malaman gagawin...tinurukan niya ko sa hita para daw tumigil ang pagdurugo..at agad din hinanda ng asawa ko ang sasakyan para isugod ako sa ospital..around 4am ito nangyari pero almost 6am na bago ako maisugod..sa hindi malamang dahilan tuwing sinusubukan nila akong ilabas,sobrang bigat ko daw at hindi talaga nila ko kayang ilabas at ako din mismo..kapag nakahiga ako ay mejo umo ok ang pakiramdam ko pero kapag itatayo na nila ako at ilalabas talagang para akong walang buto na babagsak..apat silang nagtulong tulong na buhatin ako..mama ko,asawa ko,step father ko at yung kapatid kong lalaki..hanggang sa nagliwanag na tsaka lang talaga nila ko nagawang maisakay sa sasakyan..
Sinugod ako ng asawa ko sa ospital..ewan ko pero mejo malakas na ang pakiramdam ko nung time na yun at naiangat ko pa nga ung paa ko sa dashboard sa pag aakalang maisasalba ko pa si baby that time kahit alam kong napakaraming dugo ang nawala sakin...
Pag dating namin ng ospital agad akong tinignan nung naka duty na doctor kasi wala pa ung ob ko that time..tinignan heart beat ni baby pero wala na talaga..tinurukan ulit nila ko ng pampatigil ng pagdurugo..uultra sound sana nila ko pero nagpa palpitate na ko that time at halos wala ng pulso kaya inutos nung ob ko thru phone na dalhin na ko sa or..ilang beses ako nawalan ng malay habang inaakyat..bumabalik lang ako sa ulirat kapag naririnig ko ung doctor at asawa ko na tinatawag ako...nung nasa or na ko pabalik balik ang mga nurse..naka ilang kuha ng dugo at mayat maya sinasabi na wag akong matutulog..hanggang sa dumating na ung doctor ko at nghahanda na ung mga nurse para ilipat ako sa delivery table or operating table tawag ata nila  dun..alam kong dalawang nurse yung kasama ko nun..kaya nagtaka ko kc habang inaayos nila yungmga nakakabit sakin may nakita akong lalaki na mahaba ang buhok at kulay putik o kahoy sya..hindi kc maxadong malinaw dahil nga sa nanghihina ako...itim at napakahaba din ng buhok nia at wala siyang suot na damit at nung tinignan ko yung paa niya paa ng kabayo ang nakita ko pero kulay itim..at yung tenga niya patulis..alam niyo yung tenga nung sa movie na avatar?ganun yung tenga niya..para syang si thomas dun sa movie na narnia except for mahaba nga yung buhok niya at kulay brown yung balat niya..inaabot niya yung kamay niya sakin at niyaya niya ko sumama sa kanya dun sa kwarto sa likod niya..na napaka dilim talaga kahit may ilaw dun sa operating room talagang napaka dilim dun sa kwarto sa likod niya..parang syang korteng papinto taz madilim..ganun yung itsura...aabutin ko sana yung kamay niya pero may sobrang liwanag na ilaw akong nakita at talagang napapikit ako nung time na yun at wala na kong narinig...ang naririnig ko lang is tooottttt..alam niyo yung tunog ng ilaw kapag sobrang tahimik??ganun..hindi ko na naririnig yung machine na nakakabit sa dibdib ko para mamonitor heart beat ko samantalang nasa ulunan ko un..di ko na rin narinig yung mga nurse na nagmamadaling mailipat ako..at kahit yung pang bp nila na authomatic gumagana hindi ko na naririnig...akala ko talaga nung time na yun patay na ko...hindi ko na namalayan na nailipat na nila ko..at nandun na ung ob ko..Sabi niya pa labanan mo..wag kang matutulog..mabilis lang to...hinga ng malalim...hanggang sa niraspa niya nga ako...jusko sobrang sakit talaga..ng manganak ako at maglabor ng 2 days tahimik lang ako nun..siya din yung doctor na nag paanak sakin at nag cs sakin..imagine cs ako taz kakayudin ung kaloob looban niyo..sobrang saket talaga...yun na yung pinakamasakit na naramdaman ko sa buong buhay ko..lahat ng santo natawag ko that time at mama ako ng mama...hanggang sa natapos na at naginhawaan ako nung matapos yun..pero nagtataka doctor ko at kinausap niya ko...sabi niya kung may nakuha daw ba dun sa nga dugong inilabas ko..nung una di ko sya naintindihan..kaya sabi niya sige magpahinga daw muna ako..at agad niang pinautos na kylangan ko ng blood transfusion..2-3 bags pero isa isa lang daw muna ang pagpapakuha kc baka kaya naman na daw ng 2 bags..so kinagabihan dinalaw ako ni doc to check on me bago xa umuwi..mejo ok na ko nun pero nanghihina pa rin..kinausap niya asawa ko at tinanong kung wala daw ba siya nakita dun sa mga dugo na nilabas ko..nagtaka asawa ko at tinanong kung ano yun..sabi ni doc inunan lang daw kasi ang natira sakin..eh 4months na yung tiyan ko kaya malaki na daw yun baby..wala daw ba ko naramdaman na my lumabas sakin or wala daw ba nakita asawa ko dun...sabi niya wala..puro dugo lang..taz pina explain pa ni doc sa kanya kung yung itsura daw ba nung dugo na lumabas sakin eh mabrown..medyo naguguluhan asawa ko that time kaya ako na ang sumagot kahit bawal pa ko magsalita nun..kwinento ko kay doc..sabi niya wala daw bang dugo sa bowl nung dumumi ako..sabi  ko wala po..kasi lumabas yung dugo sakin nung palabas na ko ng pinto ng cr..at imposibleng hindi ko makita kung meron man at hindi rin naman ako nadumi nung nasa cr ako..parang nakatulog pa nga ako dahil nawala sakit ng tiyan ko nun..at nung palabas na ko tsaka lang lumabas ng biglaan ung sobrang daming dugo.taz sinabi ko sa kanya na yung paglabas ng dugo sakin hindi unti unti..as in biglang bulwak talaga na para akong umihi ng dugo o mas grabi pa..para xang dugo na nasa tabo na biglang binuhos..as in ganun karami sa isang bagsakan..at sinabi ko din fresh blood talaga ang lumabas nun hindi yung brown na parang spoting lang...mejo nagtaka si doc nun at parang d halos makapaniwala..pero wala na talagabg magagawa kaya ayun nga sinabi niya she's so sorry sa nangyari..nagulat din daw xa dahil healthy naman daw ako magbuntis although yun nga ka c-cs ko lang and sana nga after two years ko na sinundan pero nasundan agad kasi namin kaya kahit nahirapan ako sa panganganak s first baby ko tinuloy ko pa rin...sinabi pa niya everything happen daw for a reason..
Ibinaon o inilibing ng asawa ko yung remains nung baby namin kahit inunan na lang ang natira...hanggang ngayon palaisipan pa rin samin kung anong nangyari sa baby namin at kung may kinalaman ba yung lumagabog sa bubong namin nung time na yun at kung ano o sino yung nakita ko habang nasa operating room...
At nga pala..binalikan ko yung operating room nung before kami lumabas ng ospital para magpasalamat s mga nurse dun at para makita din namin ng asawa ko kung meron bang pinto dun s gilid ng hinigaan ko at walang pinto dun sa lugar kung san ako nakakita ng madilim na kwarto...pader lang talaga sya...
Nung pag uwi namin binisita ako ng mga kapit bahay namin..at ilan sa kanila ang nagsabi na may nakita daw na malaking ibon dun sa puno ng mangga malapit sa banyo namin..ilang gabi na rin daw nila naririnig na my lumalapag sa mga bubong at meron ding parang lumilipad palayo..minsan na din namin narinig ng asawa ko ang kakaibang huni ng ibon..hindi xa kagaya ng iba na nababasa ko dito na "ik ik ik" yung tunog parang tunog ng inakay na nagtatawag ng nanay ang tunog nun..minsan na din sinilip ng asawa ko yun pero wala xang nakita..
Pero nung nag buntis ulit ako,lumipat muna kami ng asawa ko hanggang s makapanganak ako..pero naulit pa ulit ang pagbisita samin ng kung ano man un nung nagbubuntis ako sa bunso ko...
At naka face to face ko na pala u ng di ko pa alam..
Sa susunod ko na ito ikekwento dahil maxado ng mahaba..sa mga buntis jan,ingat kayo guys..
-bonana

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon