Tumbok

747 10 0
                                        


Hi spookify notice me! Haha i'm an avid reader and i just want also to give my fair share of stories(thanks in advance if ever this is posted😘😘😘)
Warning: mahaba
So let's get on with my story. Have you heard the movie tumbok? Yes i think it's some indie film i don't know di ko pa siya napapanuod, but based on what i hear about the movie is  masama daw yung mga bagay na tumbukan like kapag ang bahay mo ay nasa tumbok or yung kanto sa kanto. So ganito yung bahay namen nasa kantong kanto tapos ang katapat niya is another kanto kumbaga solo yung bahay namen sa corner ng apat na intersecting streets wala naman daw yun sabe ng mga tito ko pero yung lola ko ayaw sa idea ba yun kase nga masama daw. Nuong una wala namang eerie na nangyayare samen dun for three years na kameng nakatira duon(yung mga nagtataka kung pano naging ganun yung setting ng bahay kase bago pa yung subdivision namen nung tumira kame duon kaya lang nagkagulo mga developer kaya di siya fully developed at andameng units na di natapos) after three years nag decide ang mama na iparenovate ang bahay kase bale nabili nanamen yung katabeng unit so expansion ang nagyare after 2 months natapos na pero andameng hindi nasunod sa plano ng tito ko na architect kase nag abroad siya kaya walang mag ooversee ng construction at yung mga kinontrata niya eh naloko pa siya kaya nagkalokoloko ang gawa ng bahay. Nung natapos yung bahay mali yung bilang ng hagdan sabe ng matatanda kailangan twelve lang eh yung hagdan namen thirteen steps tapos yung katapat ng hagdan ay bintana Tumbok nanaman. Kaya every night dun sa hagdan na yun may marinig kang akyat baba pero hindi yun ang worst kase yung mga pinto ng banyo eh salamin as in mirrors tapos katapat niya is yung hagdan sa attic eh sabe ng matatanda bawal yung mirror katapat ng hagdan. Iniiwan na lang naming bukas yung pinto ng banyo para di nakatapat lagi yung salamin sa hagdan pero nung bumalik kame sa bahay after the construction agawan kame sa mga kwarto nauna ako sa kwarto malapit sa cr tapos one night talagang masama ang tiyan ko bumangon ako para mag cr tapos may tao pala so antay ako sa hallway bukas yung pinto ng cr tinawag ko yung tao aa cr na akala ko si kuya tapos di sumasagot madilim kase kaya di ko maaninag binuksan ko yung ilaw sa hallway ng nagulantang ako na wala palang tao sa cr. Tapos mga ilang weeks nagkukwentuhan kame magkakapatid tungkol sa mga experiences namen sa bagong gawang bahay pare parehas kame ng experience sa CR. Tapos yung bunso namen ang nagkwento 10 years old lang siya that time sabe niya nag cr daw siya para maligo papasok sa school mga 5 am so madilim pa ng may bigla daw nahulog na sabon kaya pinulot niya at pag angat daw ng ulo niya may lalaking maitim sing tangkad daw ng kuya namen at kahit anong sigaw niya walang lumalabas na sigaw hanggang sa kinatok na lang siya ni mama at ang tagal niya sa cr di na lang daw niya kinwento kay mama at napakalaking duwag ni mother dear baka atakihin pa sa puso. Pina feng shui pa nga yung bahay namen pero wala namang nangyare pero sabe nung master nagiging portal daw kase yung mirror at yung hagdan ay sumisimbolo ng spiritual gateway dun daw sila umaakyat baba patungo sa portal. "

Amzirhk
Cavite

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon