"Experience"

724 4 0
                                    

"Experience"

Hi silent reader ako dito and i want to share my experience and my mothers story about my lola.... (Sana po mapost ngayong lang to)

ENGKANTO.

Etong story na to ang hindi ko malimutan sa mga kinwento ni mama sakin. So eto na nga kinwento nya samin yung ngyari kay lola noong dalaga pa sya sa prubinsya namin. May isang engkanto daw na may gusto sakanya and asa bukirin sya that time tanghali at nagpapahaggin si lola ng may malaking puno sa tabi nya. Maya maya biglang may isang lalaki daw na lumapit sakanya at sinabi ""halika sumama ka sakin ipapasyal kita"".  which is yung lalaking yun ay ang prinsipe ng mga engkanto... Sumama si lola at pinaghandaan sya sabi ni lola para daw palasyo yung napuntahan nya puro ginto andaming pagkain napakaganda daw puro bulaklak at makulay... Tapos pinakain si lola pero nagtaka si lola kse kakaiba ung pagkain nila yung kanin nila uod at yung iba daw kakaiba pinipilit syang pakainin nung prinsepe pero ayaw ni lola ang dahilan nya na lang ay busog pa sya. Sabi nya na lang ipasyal sya sa lugar nila maya maya bigla na lang nagising si lola dahil ginigising sya ng mga tao doon sa kaninang kinauupuan nya sa tabi ng puno. Nagulat si lola wala sya sa sarili na naguguluhan. Tapos kinwento nya yun pagkauwi nya ansabi nung mga tao. "" mabuti't hindi mo kinain ang kanilang pagkain dahil once na makakain ka hinding hindi ka na nila maibbabalik dito at nakuha ka na nila.. Sila ay mga enkanto na nakitara sa puno na yun at gusto ka nilang kunin maganda tlga ang lugar nila"".. Buti naman at makalipas ang ilang araw naging okay na dw si lola at ngmangyari yun hindi na sya bumalik pa sa puno na yun.

TITA.

Eto naman yung experience ko about sa tita kong matagal ng patay and kahit di ko pa sya nakikita or nakilala manlang i miss her. Kse baby pa lng ako namatay na sya... This october lang ngyari to kaya ishshare ko na din.
Isang gabi around 11pm patulog na kaming lahat sa kwarto ako nila mama natulog  habang nagkkwentuhan pa sila ni tito. Sabi ni mama ""kagabi napanaginipan ko si ate (yung tita kong patay na) para bang kumakatok sya sa gate natin at sumisigaw na gaa! Gaa! Buksan mo yung pinto gaa! Ate mo to""... Tapos anlalim daw nung boses tapos sobrang lakas nung pagkakakatok sa gate namin. Nagising daw si mama that time ng madaling araw kse akala nya may nakatakot na iba sa gate then natulog uli sya kse wala namang tao. Tapos medyo natakot ako sa kwento ni mama kaya natulog na lang ako pero bago pa man ako makapikit may parang nasilip akong babaeng nakatingin sakin sa ibaba ng kama hindi ko makita yung muka kse madalim tapos mata at buhok lang yung kita pero hindi ko pinansin kse sobrang antok na tlga ko kaya nasaisip ko baka namamalikmata lang ako pero kinabukasan bigla akong nagising pag mulat ko ng mata ko may nakita akong babaeng maganda na nakaputi tapos mahaba yung buhok na nakasilip or pinapanood ata yung pagtulog namin ng kapatid ko tapos bigla na lng syang umalis. Binaliwala ko ulit yun kse baka nananaginip lang ako..  Tapos kinabukasan ng gabi nagkwento nanaman uli si mama about kay tita napaniginipan nanaman nya daw uli na kumakatok sya sa bahay namin. Kaya sabi ni tito bibisitahin nya dw si tita sa sementeryo. Medyo napaisip ako hindi kaya si tita yung nakikita ko. Hindi naman sya nananakit at nakatingin lang sya samin palagi. Nagpray ako nun at pinag pray ko si tita. Katabi lang kse namin yung bahay nila kaya siguro nag paparamdam sya.

Hi tita kung asan ka man po alam kong binabantayan mo kami. Kahit hindi po kita nakita alam kong napakabait mo dahil puro goodthings lahat ng kinkwento sayo ni mama. Siguro kung buhay ka ansaya natin lahat pero wala na po. Alam ko naman pong may dahilan lahat kaya siguro sa tamang panahon magkikita din tayo 😊 yun lang po salamat....

Ps: Sorry if mahaba at hindi gaanong nakakatkot at madaming typo. Thank you sa pagbabasa... 😗

Jenevhie Prudente
Calamba, Laguna

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon