Ang magandang binibini sa bakuran

954 15 0
                                        


Magandang gabi mga ka-Spookify. Sana magustuhan nyo ang story na ito. Ito ay naikuwento ng teacher ko, ito po ay nangyari sa tunay na buhay.

Nung nasa Samar sya, napakarami daw ng bunga ng mga puno sa bakuran ng bahay ng nanay nya. (Pero matanda na sya nung umuwi sa ulit Samar). Maraming nanghihingi ng bunga lalo na ng bayabas. May nanghingi na security guard na kapitbahay nila
dahil pupunta na daw ulit ito sa manila para magtrabaho, pasalubong nya daw para sa mga anak nya. Pumayag naman ung nanay nya. Nagtataka na sila dahil ang tagal daw lumabas sa bakuran nung guard, so akala ng teacher ko at nanay nya umalis na (Nasa isip ng teacher ko hindi man lang nagpasalamat).

Kinagabihan hinahanap na ung guard ng mga kamag-anak nya. Tinanong ng teacher ko kung bakit, ang sabi ng kamag-anak hindi pa daw umaalis, nasa bahay pa daw ung gamit. Kinabukasan ng ganun ding oras lumabas ung lalaki sa bakuran nilaa. So sinabi nila kahapon pa sya pumasok at pumunta na rin ung kamag-anak ng guard sa kanila at tumawag na rin asawa bakit hindi pa daw nakakauwi. Nagulat din ung lalaki, at sinabi nya ung nangyari...
Habang nangunguha daw sya ng bayabas, may babae daw na lumapit sa kanya (Hindi ko alam kung anong pangalan). Ang ganda daw nung babae at sinabi na kung gusto daw pumunta nung guard sa kanila.

Ang nasa isip naman ng guard anak un ng nanay ng teacher ko kung baga kapatid ng teacher ko. Kaya sumama sya. Maganda daw ung bahay kahit bungalow lang. At nasa gitna ng kakahuyan, pinapasok sya sa bahay. Humakbang sya ng isang beses sa loob ng bahay pero nahiya daw sya kaya tumayo na lang daw sya sa
pinto at humingi sya ng tubig. Dahil ang tagal na daw ng babae sa loob, umalis na sya, di pa daw un inabot ng isang minuto. Lahat daw sila kinilabutan sa kinuwento nung guard kaya konti nalang ang nanghihingi sa kanila ng prutas.

Sa tingin nyo kung pumasok pa sya sa loob ng bahay, ilang araw o baka taon pa kaya syang nawala? Kung hinintay pa kaya nya ung babae at ininom nya ung tubig, makakabalik pa kaya sya?
Kayo na ang bahalang sumagot.

Jhunix

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon