Hindi ko alam kung matatakot kayo or what. I would like to share my own ability. Hmmm.. Actually, habang tinatype ko to kinakabahan ako kasi someone is looking at me na wag ko daw ishare pero sana may mahanap ako na kapareho ko.So here it goes, way back 2008 mga 12 years old na ko nung nagkaroon ng accident. Nasa van kami at papunta sanang kasal ng tita ko nung mabangga yung sinasakyan naming van sa isang puno. Sabi ni mama madulas daw yung kalsada. May isip na ko nun. Namatay yung tito ko na pangalawang kapatid ng nanay ko kasi sya yung nagdadrive. Sugatan kami nun kaya dinala kami sa hospital. Hindi ko na alam yung nangyari. Fast forward, after 1 year ng incident na yun, nakarecover naman kami sa nangyari pero ang pagtataka ko lang na kapag tumitingin ako sa isang tao, nakakakita ako ng kulay. Hindi ko alam kung ano yun kaya binabalewala ko lang. Halimbawa:
First encounter: Naglulunch kami sa canteen nung mga classmates ko. Nung dumaan yung math teacher namin, kulay red yung nakita ko sa kanya tapos nung tumingin ako sa paligid parang rainbow na. Ayun, umiyak na lang ako kasi hindi ko talaga alam kung anong nangyayari. Ayun, dinala ako ng mga classmate ko sa teacher namin tapos tinanong ako. Kulay blue yung nakita ko sa teacher namin tapos sinabi ko na sa bawat taong nakikita ko, may kulay akong nakikita. Tinawanan nya ako, baka daw gusto ko na magpatingin sa doktor. Kaya simula nun hindi na lang ako nagsasalita kapag titingin ako kahit saan.
Second encounter: So ayun hanggang sa nagcollege ako, hinayaan ko lang yung ganung pangyayari. Nagsesearch ako sa google kung anong ibig sabihin, ang mga nakikita ko lang is meaning ng kulay kapag daw red, something na strong feeling. Kapag blue, payapa or in calm feeling. Kapag green daw greedy etc. hindi naman ako naniniwala nun hanggang sa may isang weird na lalaki akong nakita sa school. Nasa library sya tapos nung tinignan ko sya, transparent sya, hindi I mean nung tinignan ko sya wala akong nakitang kulay. Kaya nilapitan ko sya, sabi nya
""Nakikita mo yung librarian?"" tapos tingnan ko. matanda na sya nun eh
""3 years at mamamatay sya sa aksidente"" tapos nanlaki yung mata ko.
""I know, you can see AURA ng mga tao depende sa mood nila. While me, I can predict death"" tapos binatukan ko sya. Nagpakilala syang si Clyde (di nya tunay na pangalan). Simula nun magkasama na kami lagi.Sa totoo lang hindi namin alam kung saan namin nakuha yung ganitong mga kakayahan. Natry naming pumunta sa albularyo pero lagi na lang kaming nirereject tapos sinasabi mga masasamang loob daw kami. Sa totoo lang nakakatakot talaga. Naging suicidal ako kasi hindi ko matanggap na may nangyayari sa akin lalo na minsan yung family ko sinasabihan akong pumunta na sa mental hospital.
Until now, gusto kong malaman kung may kapareho ako ng kakayahan. Kung meron man sana mameet kita. Gusto ko na rin kasi maging normal T.T or kung may pwede pong marecommend sa amin para gumaling rin kami.
ADNBK
