Nabuhay na ba ako dati??

7.3K 78 5
                                    


Hi spookify,avid reader ako ng page na to at wala ako pinapalampas sa mga post nyo.Libangan ko na ito pag wala akong ginagawa. :) Ang ikkwento ko ay medyo weird para sa kin kng mnsan nagtataka ako kng bakit plaging sumisingit sa balintataw ko na parang naranasan ko na ito,ganyan etc..May 2 Anak na ko ngaun at wala pa akong nasabihan tungkol dito kahit pa sa mister ko.Nag umpisa ito nun nasa college pa lang ako,Sa university na pinapasukan ko may mga ancestral houses kang makikita na malapit lamang sa exit gate ng school.Nun time na yun napukaw ng tingin ko ang mataas at lumang bahay na nadaanan nmin isang araw yun nun sinamahan ko ung kaklase ko na nkaform mlpit dun.Biglang sumagi sa isip ko na ""pumunta na ko dati dito"" ""kasama ko ang mga pinsan ko"" di ko lng matandaan kung kailan. Hanggang npapikit ako at lumitaw sa balintataw ko na Nandun kami sa bahay na iyon at yung mga kasuotan nmin ay nka barot saya kmi at naghahanda kmi sa mesa at parang may okasyon pero hindi ko namumukahaan mga kasama ko.Dumungaw daw ako sa bintana at pinanood ang papadaang prusisyon.At bigla may tumapik sa kin,ang kaklse ko na sinamahan ko dat time at itago ntin sa pngalang Elen,""Napano ka? Hindi ako mkasagot noon dahil na rin cgro na weirdo han din ako sa nangyari sakin.""ah wala.. may naalala lng ako""sabi ko na lang.
Magmula noon di na mawaglit sa isip ko ung ngyaring yun.Hanggang isng gabi hindi ako mkatulog,pilit sumisiksik sa isip ko ang bahay na yun.Bdw, Oo alm ko din na dun din ung hometown nmin bago kmi lumipat sa tinutuluyan nmin that time.Back to the story,Hindi ako mkatulog at pilit pumapasok sa isip ko na nkapunta nko dun,At nasabi ko pa nga sa sarili ko na ""May nobyo ako noon at dinadalaw nya ako at kinakntahan dati.At pag natutulog na ang parents ko babatuhin nya ung bintana ko at dun iaabot nya sa kin ung dala nyang bulaklak. Muli ipinilig ko ang ulo ko para di na muling pumasok un sa isip ko.Minsan nman napanaginipan ko na nasa Spain daw ako nag aaral at kgaya ng lagi pumapasok sa isip ko na di ko nman sinasadya.May mga ksma akong puti at iba iba ang lahi same ambience luma ang tema ng nasa panaginip ko.One time nanaginip ako na tumatakbo daw ako at hinahabol ng dalawang lalaki na nkasuot ng pansundalong hapon.At pumasok daw ako sa isang tunnel at dun nagtago.Sobrng weird,minsan pag nkakakita ako ng isang lugar sa picture man o sa internet bigla ko na lng maalala na parang nanggaling na ko dito,ex ung mga historical place sa europe na lagi sumisiksik sa balintataw ko na nkapunta na ko dun.Mahilig din ako makinig ng old songs At natutuwa ako pag nagkkuwento ang lola ko noon kabataan nya dahil parang randam ko ung kinukwento nya at mama ko na lng ang nagbabawal skin dahil pinapagod ko daw ang lola ko :) One time ininterview ko ung kapitbahay nmin na 91 years old na noon,at hbng nagkkwento sya ay nkapikit ako at lumuluha dahil parang naranasan ko lahat ng yon lalo na nung naikwento nya ung giyera nung panahon ng mga hapon.Medyo naniniwala ako sa reincarnation,may mga testimonies na akong nabasa sa internet. Pasensya na kung medyo mahaba ang kwento ko :) at pagpasensyahan nyo na rin dahil di ako magaling mgkwento ;) And thank you in advance kung maipost ni admin.

Moon river
San Fernando,Pampanga

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon