Hello Spookify! First time ko to, sana mapost.
Graduate nako ng college, 2013 ako nag graduate and here's some of the stories na naranasan ko/namin nung College ako. 3 stories to kaya Warning: medyo mahaba
I studied in a famous State University sa region 4A. Pag binanggit ko ung Province, alam na. Isa lang lang naman mga state u. bawat province e. Hahahaha. Background lang muna sa school. Para maganda iimagine. Yung main campus namin parang gubat na ginawan ng track and field and layo layong building. In short, gubat padin ang peg nya. So eto yung unang kwento out of lot of stories within 1 week na nagstay kami dun.
So eto na nga, kasali akong pep squad, 1st year college ako nito. Dahil sa Satellite campus ako nagsstudy, we need to gather sa main campus during Intrams. So 1 week kami don, buong pep squad. Yung campus namin nakatoka sa Nursing building. Malayo sa ibang buildung tong Nursing Bldg. Puro puno at halaman nakapalibot. Girls, 2nd floor and boys first floor. Sa 3rd floor, puro lab andon: mga remains na inaaral ng mga nursing students. So day 1 at day 2 wala pang kakaiba kasi puro lang din kami practice non. Pgpasok sa headquarters, pagod na. Creepy nung kwarto namin kasi pag nakahiga, nakaharap sa kabilang side ng bintana. Diba sa mga school dami bintana? Tapos ung bintana nya ung bakal. Di namin masara at ayaw nung iba kasi mainit. Kaya pag natutulog, nakatakip muka ko. Back to the story, 3rd night, required kami manood ng Dancesport competition. Mga 12AM na ata natapos, pagbalik namin, picturan muna. Eh hindi pa uso ung mga smartphone non. N90 Nokia ata gamit namin nun. Sabi ni Yats (di real name), "picturan mko dito." Pwesto sya sa maliit ng puno. Diko mawari anong puno un. Basta manipis at kasingtangkad lang namin. Then pagcapture at preview namin, sa may right upper part, which is malapit sa balikat nya, may maliit na creature. Muka syang bata na ewan. Buong katawan na nakaupo, ung upong tuhod mo nasa baba mo? Ganun. Pero ang creepy kasi halos puro ulo ung creature, muka syang nakisali sya sa picture kasi muka nya nakalapit sa muka ni Yats tapos nakasmile ng malapad tapos puti lang mata na nagglow sa dilim. Wtf. Pinakita ko un kay Yats tapos naiyak sya sa takot. Eh di nakiisyuso lahat, bluetooth dito, infrared don. Kinabukasan, nilagnat si Yats. Eh star flyer sya. Galit na galit coach namin nung nalaman at agad pinadelete ung picture. Hinayang na hinayang ako.
Then same day, habang nilalagnat si Yats, kumpulan kami sa room. Yung headquarters namin, classroom sya. Mga 10PM ng gabi non. Nagkukwentuhan nakakatakot kasi viral ung peg ng issue e. Tapos biglang may kumatok. Natahimik kaming lahat kasi ung katok nya may sequence. Tig tatatlo tapos galit na galit. Parang gustong gusto pumasok. Si Cara (not her real name) ung nakapwesto sa pinakadulo malapit sa door, naiiyak na ewan. Ayaw buksan ung pinto. Bilang ako boyish (pero may jowa ako nun sa boys headquarters sya, member din ng pepsquad), ako na nag offer na bubuksan pinto. Tapang ng beshie mo no? Hahaha. Eh biglaan ko binuksan ung pinto para di makatakbo kung may naggagago man. Pagbukas ko, WALANG TAO!! Pucha naman. Nilingon ko ung girls dahan dahan them sumenyas ako gamit ulo, umiling. Dahan dahan ko sinara ung pinto sabay takbo. Kumpulan kami sa kanto ng room. Nakakumot. Yakap unan. Nakatulog na kaming ganon.
Then eto last, creepy to talaga. Last night na namin dun. Friday ang Cheering Competition. So Thursday night. Nasa 4th floor kami lahat, gumagawa ng props. Pagoda mirasol pa peg naming lahat kasi imba ung praktis namin buong araw, kinabukasan na ung competition e. So ayun nga, nagawa kami props. Mga 12AM to 1AM na ata un di pa kami tapos. Kasi may henna pa kami sa hita as props. Pahirapan talaga. Eh naiihi ako. Walang CR sa 4th floor. Kelangan ko bumaba. Its either sa first or 2nd. Inisip isip ko, pass ako sa 2nd floor. May kumakatok dun e. So first floor ako madame ilaw. Kaso ang main problem, DADAAN AKONG 3RD FLOOR. Di ko na nabanggit na tong 3rd floor "daw" ang pinakahaunted kasi mga mga fetus daw dito, ung mga aborted ganon. Umiiyak daw un sila at night. Based sa mga students don. Diko sure kung totoo kasi di ako umapak sa 3rd floor kahit may araw kasi Laboratory nga sya. Yun lang ang hindi binubuksan ang ilaw pag gabi. Shet. Habang naiisip ko ung mga obstacle na haharapin ko, lalo akong naiihi. Ung tipong papatak na anytime. Wtf. Eh di kinulit ko jowa ko samahan ako bumaba. Kaso sya ung naghehenna kaya di pwede magambala. Para kako matapos na agad lahat. Lahat busy jusko. No choice ako. Baba ako mag isa. I have this professor, Mam Terry, sa P.E na nag pa'facilitate samin. Malakis bulas na babae sya. Laging nakapants at neck-length na straight ang hair. Pag apak ko palang pababa ng 3rd floor, kinikilabutan nako. Pagtungtong ko sa pinakafloor sobrang dilim, syempre. Ehbsa sobrang curious ko, lumingon pako sa buong floord, kaliwa, kanan. Then biglang may sumitsit, .. "Pst pst." Paglingon ko, si Mam Terry. Lam kong sya un kasi ung tindig at ung hair kasi. Malayo sya sakin. Mga 3 dipa from hagdan kung san ako natayo at ready ng humakbang pababa. Nakatayo sa kumpulan ng mga monoblock. Kaso sa sobrang dilim, sillouhette lang sya pero napakaitim nya non. Mas maitim pa sya sa dilim at ang creepy pa is nakasteady lang syang nakatayo don. Sagot ko sa kanya, "wait lang mam, iihi ako." Takbo ako pababa. Pagdating ko first floor. Nakasalubong ko si Mam Terry. Nanlaki mata ko. Pero di ko sinabi sa kanya. Eh di umihi nako. Naisip ko na naman. Jusko aakyat na naman ako. *sign of the cross* pero this time kasama ko si Mam Terry. Pagdaan namin sa 3rd floor, nilingon ko ung part kung san nakapwesto ung silhoutte ni "Mam Terry." Wala na dun. Feeling ko talaga tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Ung hakbang ko sa hagdan bes, feeling ko 3 steps at a time. Hahahaha pag akyat ko sa 4th floor. Takang taka sila sa itsura ko at parang ang bilis ko daw. Sabi ko jusko parang oras na ung lumipas ah.
Then the competition day approached. Everything goes smoothly that time. 3rd placer kami. Pauwi na kami nung naikwento ko sa lahat ung experience ko. Diko na nakwento sa iba that night kasi baka matakot ang mga watashi at walang matulog, eh di bangag kami sa compi. Lahat sila nagshare din. Ung silhoutte na un, kung san san pala nagpapakita at kung sino ginagaya. Hayst.
So hanggang dito nalang. Marami pako kwento pero next time nalang. Thank you sa pagbabasa! Sobrang haba sorry po.
NEVERMORE.
NEVERMORE
Cavite (pakisecret nalang po)
