Engkanto

988 13 0
                                    


Sana maiplubish tong story ko. Avid reader kase ako dito.

Wayback 2014, 4th year ako non sa **** here in our home town, Taytay, Rizal. Nagkaron ako ng mga pantal-pantal sa buong katawan ko! Pinakamarami sa bandang likuran ko. Di ko pinansin yun dahil akala ko allergies lang (May allergy kase ako sa crabs or malalansang foods). Pumapasok pa rin ako non sa school kahit makati na yung mga pantal na halos namumula na. Sinasabe ko na lang sa mga classmates ko ""Nangangati ako"" then lolokohin nila ako ng ""Nangangati ka? Kakamutin ko? Saan ba?"" Mga kolokoy yung mga yun eh.😂

After weeks, hindi sya nawawala. Mas lalong dumadami at lumalaki. Then one night, inapoy ako ng lagnat. Sobrang taas. Tapos kating-kati na ko sa mga pantal ko. Uminom na ko ng gamot sa lagnat. Nawala lagnat ko pero ang kati-kati pa din. Pinakain ako ni mama ng maraming asukal. Sabi daw pampaalis ng kati? Pero di naman nawala! Di ako nakatulog non. Halos umaga na ko nakatulog kaya di na ako nakakapasok ng school dahil puyat at kumakalat na yung pantal. My mom says na magsuob daw ako ng pinakuluang dahon. Mga classmates ko pa ang kumuha ng mga dahon like dahon ng kamyas, dahon ng bayabas, at kung ano-anong dahon! Ilang days ko yung ginagawa pero saglit lang mawawala ang kati tas maya-maya kakati na sya hanggang gabi. Hindi na naman ako makakatulog.😭

Two weeks nang meron akong pantal-pantal sa braso, sa likod, sa mukha, sa bewang, at di pinatawad (sa dibdib ko). Kaya hindi ako nagbabra non kase mahapdi. Nagsusugat sya at masakit pag napapawisan. Umiiyak na ko non. Then sabi ni mama ipapatawas na daw nya ako sa kakilala nyang albularya kahit ayaw na nung albularya na mangtawas (Di ko alam kung bakit ayaw na nya).

Nasa albularya na kame, di naman sya tumanggi nung nakita nya ang kalagayan ko (Babae yung tatawas sakin kaya albularya). Pagpasok sa bahay, puro santo at mga kandila. Pinahubad nya yung jacket ko at naglagay na ng langis sa palad nya. Pagpahid ng langis sa likod ko, halos lahat ng balahibo ko sa katawan nagtaasan! Si mama ko nasa pintuan lang sya. Tinanong ako ng albularya ""Kinikilabutan ka?"" sabe ko naman opo. Nagtanong sya uli ""San kang mapupuno nagpunta?"" sabe ko naman, ""Hindi ko po alam eh. Di naman po ako gumagala."" Pinagpatuloy nya lang yung pagpapahid sakin ng langis habang may binubulong na dasal na hindi ko maintindihan. Tumayo sya at kumuha ng palanggana na may tubig at kandila. Sinindihan nya yung kandila at nakatapat sa palanggana ang mga tumutulong patak ng kandila. Nakabuo iyon ng parang form ng half tao at half hayop? Parang tikbalang? At may isa pa, kapre! (Mga admirer ko kakaiba). Inilagay nya sa plastik labo ang mga nabuong image. Nung iaabot na nya yun saken, biglang nabutas at naglaglagan lahat ang mga formed image sa sahig! Nagulat kaming lahat. Dahil hindi naman na yun mainit. Nasa tubig yun at matagal bago ilagay sa plastik. Ang sabe, ayaw daw ako pakawalan ng engkanto. Dahil may gusto daw sakin yung engkanto. Kumuha sya uli ng bagong plastik at inilagay. Pagkaabot saken, sabi nya ""Ilagay mo yan sa ilalim ng unan mo mamaya pag matutulog ka na. At itapon mo paggising mo sa kahit saang lugar na medyo malayo. Pagkatapon mo, wag kang lilingon. Wag mo ng lilingunin ha."" At may binigay syang bracelet sa akin na pangontra daw.

Sinunod ko yung sinabi nya. Kahit kinikilabutan ako at natatakot. Nawala yung mga pantal kong makakati. Natuyo yung mga sugat sa katawan ko. Hanggang ngayon, kitang-kita ko pa din sa bewang ko ang peklat na gawa ng kung ano man. Lapitin na talaga ako ng mga engkanto simula bata pa lang ako. Lagi akong nagkakasakit. Albularyo lang ang nakakapagpagaling saken. Pero etong pinakamalala ang nangyare saken at ayaw ko ng mangyare pa ulet.

Ngayon, medyo nag-iingat na ko. Hindi na ko pumupunta sa mga mapupunong lugar. Minsan naman nakakaramdam ako ng mga kakaiba pero di ko na lang pinapansin.

Chie

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon