Lights Out "This is my first time to share a story in this page so I hope this will be posted. ☺
(I wouldn't remember what happened that early evening if I didn't watch the trailer of Lights Out. That's why I used it as a title. This is a long story so please bear with me. Thank you)
It happened last Oct 2012, semestral break.
May byaheng pa Pinas yung cargo ship na sinasakyan ng dad ko. He's a seaman, international yung byahe. But good thing na may byahe silang Asia, specifically sa Manila and Batangas which is seldom lang talaga nangyayari. Kapag may byaheng Pinas sila dad, yung mom ko bumibisita kasama yung mga asawa din ng mga kasamahan ni dad. Fortunately that year, 2 days after our last class of the first semester, dadaong sila dad sa Manila Port. Residing outside Luzon, mom bought tickets. Isasama nya ako. I was happy and excited. After 2 years, Hello Manila na naman! Syempre excited tong Lola nyo although pabalik balik na naman ako dun.
Oct 20, 2012 5:30am touchdown NAIA. Paglabas namin ng airport, sumakay kaming taxi at dumirecho sa isang hotel somewhere in Malate area near sa office ng agency nila dad. Para walking distance lang since need namin kumuha ng pass para makapasok sa barko nina dad. Pagpasok namin ng hotel room, nag iba yung pakiramdam ko. I can't explain why but then inisip ko nalang na pagoda ako sa byahe (although I know there's something wrong and it's giving me the creeps). So I told mom na mag rest muna and I'm gonna get some sleep and mga 8 nalang kami pupuntang agency. Nag agree naman sya so natulog na agad ako. Nagising ako facing the windows, idk why so I turn around only to find out that I am alone in our room. So I checked my watch and it says 9am. May naririnig akong parang naliligo sa banyo, sa isip ko baka si mom so hindi ako bumangon to check, I turned on the TV. After how many mins, hindi pa din lumalabas ng banyo si mom. Grabe ang tagal, but knowing her hindi naman sya matagal maligo. So kinatok ko na, tinatawag ko sya pero walang sumasagot and nung tinry kong buksan, nakalock. So bumalik nalang ako sa bed to check my phone only to get shocked na may text and missed call from mom. So I opened her message. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko that moment. Kinakabahan na nanlalamig na ewan!
So I called mom and good thing sinagot nya agad. Nandun na nga daw sya sa office ng agency nila dad since napagod sya kakagising sakin, tulog mantika daw ako so umalis nalang sya at naiwan akong mag isa. I asked her kung gumamit syang banyo and oo daw kanina before sya umalis mga 7am daw sya naligo. Sabi ko naka lock nga yung pinto ng banyo. Impossible daw na nakalock since chineck nya daw lahat bago umalis. Alam nyang mejo natatakot na ako kaya sabi nya na mag calm down and check ko ulit kung naka lock parin ba and baka tumutulo lang yung tubig. So I walked slowly to the cr. Wala na akong naririnig maliban sa naka on na TV, so I turned the knob open, bumukas! I was sure na naka lock yun kanina bakit bukas na? Tinulak ko ng dahan2 yung pinto. Naka off naman yung lights. Kinakabahan ako. So I turned the lights on, walang tao. Walang tao pero sobrang basa nung floor. Obviously na may kakaligo lang dun. I remember sa text ni mom, na receive ko yun around 7:45am na nandun na sya sa office. Chineck ko yung shower, sarado naman so impossible na may tumulo, pero rinig ko talaga kanina na may naliligo. Pero inisip ko nalang na imagination ko lang yun kasi kakagising ko lang din nun. Nag iisip akong lusot para ma justify yung nangyari at hindi ako matakot. Nung na relax na ako, kinuha ko na gamit ko and naligo since pabalik na si mom na may dalang food.
After namin kumain, we decided to go somewhere. Tinawagan ko din yung brother-in-law ko to meet us para sabay na kami mag lunch. (Yung bro-in-law ko nagsistay sa manila coz he's on a job hunting, seaman din). Gala lang kami ng gala until napagod ako. I told mom babalik akong hotel. Eh si mommy nakipag meet sa ibang friends nya and I can't jive kasi oldies na nga and honestly pagoda na ako kakalakad and it was 4pm already. Ang brother-in-law ko babalik pa sa tinutuluyan nya to get stuffs since dapat 8pm nasa port na kami lahat para sabay sumakay ng shuttle papuntang barko. So naiwan si mom with her friends and hinatid ako ng brother-in-law ko pabalik ng hotel. Sabi nya mabilis lang daw sya at babalik din dun sa pinag iwanan namin ni mom then pipick-up.in nila ako mamayang gabi. I said okay since bumili naman na ako ng food in case gutumin. So andun na naman ako sa room namin, mag isa. Winaglit ko sa isipan ko yung nangyari earlier that day kasi baka ma praning lang ako kakaisip about dun. So kinuha ko phone ko and decided to play some games, chat sa friends, facebook, etc. And naghahanap din akong palabas sa TV. Nag enjoy naman ako kakanuod, laro, chat and mag surf until hindi ko na namalayan na nakatulog ako.
6:30pm that day..
Nagising ulit ako sa hindi ko malamang dahilan. Madilim na sa labas. Madilim din sa ibang part ng kwarto since naka off lahat ng ilaw except sa TV na naiwanan kong bukas. Umupo ako sa bed, nag stretching at inayos yung buhok kong nagkabuhol-buhol. Kinuha ko yung phone ko to check and may missed call nanaman from mom and number na hindi naka save sa contacts ko. I checked my messages and nagreply sa nga friends ko. I texted mom na kakagising ko lang and that I'm hungry. Nag reply naman sya na andun sya sa isang resto with bro-in-law and magtitake out ng food then pipick.upin nila ako. Tatawag cla if malapit na cla so I replied okay. Nakaupo lang ako sa bed naka tutok sa TV since tinatamad pa akong mag ayos when all of a sudden, may nakita ako sa peripheral vision ko near the cr may silhouette. Naka puti. Mejo madilim sa part na yun. Lumingon ako, wala naman.Nanuod ulit ako ng TV, then nakita ko nanaman sa peripheral vision ko, nag move! Hindi ako makalingon. Ayokong lumingon. Pero kitang kita ko sa peripheral vision ko na nagmomove, palapit! Hindi ko alam anong gagawin ko. Kaya umatras ako sa hanggang mapasandal ako sa headboard nung bed. May lampshade each side. Habang palapit yung nakikita ko, dahan dahan kong inaabot yung switch nung lampshade sa gitna ng dalawang bed and nung nabuksan ko na, tumayo ako't tumalon papuntang pinakacorner nung bed na hinigaan ko and ini.on yung lampshade sa gilid.
Sumandal ako sa wall and tinignan yung kwarto. Wala namang bago. Walang tao. Mejo nanginginig yung kamay ko, nanlalamig at parang lumalaki ulo ko nun. Tinakbo ko yung sa may pinto para e.on yung lahat ng switch sa loob ng kwarto. Walang nag iba. Ayun ako, nag iisa. Tinignan ko yung malapit sa cr, binuksan yung cr. Walang tao. Ako lang. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko that time. Ng biglang nag ring yung phone ko. Si mom, tumatawag sabi maghintay ako sa baba. Sinarado ko yung banyo, kinuha ko yung bag ko. Pinasok yung mga need kong dalhin. Ni hindi ako lumilingon, kung san ako nakaharap, dun lang ako nakatingin. Para akong may stiff neck nun. Nagdala ako ng isang pair ng clothes and toiletries (just in case na d daw kami bumalik sa hotel that night since pwede kaming matulog sa cabin ni dad). Tuloy2 yung lakad ko palabas, nilock ang pinto at direchong lakad pa elevator. Tinry kong e.compose yung sarili ko. As if walang nangyari. Nung naghihintay ako ng elevator, na realize ko na ako lang mag-isa dun nakatayo, naghihintay. Kinabahan nanaman ako. Ayokong sumakay ng elevator ng walang kasabay. Kasi naaalala ko yung nangyari sa'kin and ng classmate ko sa elevator ng school namin nung 2011, 7:45pm (e.sishare ko yung story na yun next time).
After mins ng paghihintay, bumukas yung isang elevator, buti nalang apat sila sa loob kaya sumabay ako pababa. Hinintay ko sila mom sa lobby and then umalis kami. After 2 days na kami nakabalik ng hotel. Kinuha lang yung gamit, tsaka kami bumyahe pa Batangas kung san ang next byahe nina dad. And while nasa byahe kami, sinabi ko kay mom yung nangyari. Naniwala sya. Sabi nya hindi na kami babalik sa hotel na yun.
Si mom naniniwala din sa mga hindi kauri natin. Sa mga bagay na hindi kayang e.explain ng science. I am taking up a medical course. But my personal view about certain things didn't change. I still believe in paranormal stuffs. But mind you, not every story is real. Hindi ako naniniwala kung hindi ako mismo ang nakaramdam. Hindi naman sila nagpapakita ng harap-harapan sakin, and I wish they will never show their faces to me. Okay na ako sa paramdam lang, sanay na ako sa presensya nila pero hindi ko maiwasang matakot minsan. Pero wag lang talaga sila magpapakita, yun lang lagi kong sinasabi kapag mag isa ako sa bahay o sa kahit saan. Hindi na ako nabigla nung mangyari sa akin yun sa hotel na yun, tirik man ang araw at hindi. Wa naman kasi silang pinipiling lugar at araw kung kailan magpaparamdam. Minsan akala mo wala, pero meron pala, nasa tabi mo lang, ngunit hindi mo nararamdaman. You're one lucky baby kung wala ka pang experiences sa ganun.
Thank You so much Spookify kung mapopost po 'to. God speed! Never ever forget to pray before you sleep guys.
P.S try kong e.share yung ibang experiences ko next time. Sana ma post. Hehe. Thankies! "
LoveBug ❤
Cebu
![](https://img.wattpad.com/cover/91283270-288-k513082.jpg)