Archangels

1K 14 1
                                    


Alam ko medyo hindi ito kapani-paniwala. Year 2001, 4th year high school ako nun. Hindi ko na maalala yung exact date. It happen sa school namin. It just any ordinary days na naging supernatural event.

It was around 2pm, nang may narinig kaming sigawan sa kabilang section. Nagsilabasan kami lahat upang tingnan kung ano ang nangyari. Si bestie ang isa sa sumilip sa bintana ng room na yun ng bigla siyang nagsasalita ng kung ano ano. Hindi namin alam exactly sino ang una sinaniban pero isa isa sa mga students ang sinaniban pati yung mga ibang classmate ko nadamay rin dahil pumunta sila sa section na yun. Dinala lahat ng nagwawala sa isang malaking room. Masyado ng magulo yung time na yun, yung mga nasa lower years, pinalabas sa mga room nila at pinastay sa conference room sa second floor. Habang kami ay tinutulungan mga classmates namin. May isa akong classmate na nagrereklamo na naninigas katawan niya, hinawakan ko siya at dinasalan. Pero lagi niyang daing sa akin na sinasakal ko daw siya. Iniinsist ko na wala akong ginagawa. Then exactly 3pm, may malakas na hangin na galing sa labas ng schools, dumaan sa mga classrooms then sa playground, paikot ikot ito hanggang dumating sa gitna tapos biglang nawala. Pagkawala, mas nagwala ang mga sinaniban.

May 3 babae ang sinaniban. Si J1, sinaniban daw ng prinsipe ng mga duwende, Si J2, yung bestfrient ng prinsipe, then si J3, yung alipin na babae na may gusto sa prinsipe. Ang plano ng prinsipe at yung bestfriend niya ay kunin si J1. Pero etong alipin, dahil tutol sa plano, sumanib kay J3 para labanan sila. Hindi ko na exactly maalala ang sequence ng pangyayari kasi hindi lang sila ang sinaniban. Basta damay damay na at lahat kami nagkakandarapa na kung sino ang tutulungan. Tapos may isang classmate namin ang sinaniban ni Angel Michael. Tinulungan nya pakawalan si J3. Nung nakawala si J3 pinagtulungan nila labanan yung sumanib kay J2. Then parang mas nagwala si J2 kasi may anghel din na lumalaban sa bestfriend ng prinsipe, yung angel na yun ay si Gabriel. Nung natalo ang bestfriend ng prinsipe, sumanib si Angel Gabriel at si J1 na ang tinulungan nila, Kay J1, si angel Raphael ang nakipaglaban sa loob ng katawan niya. Nahirapan kami pakalmahin siya. Tapos yung sumanib kay Angel Michael, parang may binunot sya na imaginary sword, may sinasabi siya na hindi namin maintindihan at bigla niyang sinaksak si J1. Malakas yung sigaw nya na talagang nasaktan siya sa pagsaksak pero wala naman kami nakikitang sandata. Ilang beses niya ginawa yun hanggang nawalan ito ng malay. Nang magising, para siyang bata. Sinasabi nya na sya si Angel Raphael. Yung bestie ko naman sinaniban pala ni Angel Judiel. Then yung si J3, pagkaalis ng alipin ay sinaniban ni Angel Uriel.

After ng commotion, para silang mga bata.Yung pakikipag usap nila at kilos, parang mga 5years old. May pari na dumating para kausapin sila. Pati yung pari naconvince na angel nga ang sumanib sa kanila.

Nagkanya kanya na kami ng uwi. Yung bestie ko na si Judiel pa rin ang nasa katawan, nakiusap na pupunta kami ng simbahan at magdasal. Medyo nag alala ako pero inaassure niya na ok lang siya at gifts yun from God. That's where I learned about the 7 spiritual gifts. Gift of tongues yung nareceive niya yun time na sumilip siya sa bintana ng section na yun.

The next day, may mass na hineld sa school namin. May sinama ang pari na isang student from other school. Sinaniban daw siya ni Angel Barachiel. So bale 6 na angels na. May isa pa, si Angel Seltiel, pero hirap sila makahanap na dapat sasaniban niya kasi dapat spiritually prepared yung tao.

Hindi dun natapos yung sanib, sa mga susunod na araw, hanggang umabot sa ilang buwan, patuloy na sinasaniban sila ng Angel. Sumasama din sila sa mga exorcism na ginagawa ni Father at isa sa naexorcise nila ay yung katulong ng kapitbahay namin. May mga babala sila sinasabi sa amin. at lagi nilang pinapapaalala na bumalik loob sa Diyos, patuloy na magdasal at iwasan gumawa ng masama. Masakit na daw loob ng Diyos sa daming masasama sa mundo. Naiiyak ako pag nakikipag usap sila sa akin. Actually, iniiwasan ko si Angel Michael, kasi may ability siyang nakikita saloobin mo at sikreto mo pag tinitigan mo sya sa mata. Si J1, hindi talaga kami close nun. Pero pag si Angel Raphael ang sumasanib sa kanya, lagi siya nakadikit sa akin. Saka ko nalaman na si Angel Raphael yung guardian angel ko. Kung may kinabuti man sa pangyayari, yun yung pagbalik sa pananalig sa Diyos. Madalas na kami nagsisimba at nagkukumpisal.

Hindi rin naging madali sa mga sumasanib yung pangyayari. Katulad sa bestfriend ko na nakakakita ng demonyo na umaaligid sa bahay nila. Si J1, patuloy pa rin ginugulo ng engkanto. Lagi siyang may dalang asin na sinisipsip niya pag nararamdaman niya pinapalibutan siya ng engkanto. Pati pag aaral medyo naapektuhan na rin kasi hindi sila pumipili ng oras ng sanib. Sa paglipas ng buwan, naging issue na yung sanib sa kanila. Na pati bestie ko nagdodoubt na sa iba kasi parang psychological na yung sanib. May pastor din na pumunta sa school para bigyan sila ng babala sa mga huwad na anghel. Pati mga teachers at ibang parents nababahala na rin.

Hanggang sa, nawala na lang sila bigla. Yung huling usap ko sa kanila was after ng twin bombing, September 2001. Andoon daw sila nung nangyari, tinulungan mga kaluluwa na nadamay at naligaw. Sobrang iyak nila sa nangyari. Sa ngayon, parang nakalimutan na nila ang nangyari. Kung tatanungin ko bestfriend ko, iwas sya sagutin o alalahanin yun.

SciGirl
ZC

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon