Boyfriend na Aswang.

1.2K 23 0
                                    


Ahm avid reader po ako ng Spookify and ilang araw ko rin pong pinag-isipan kung mag-sheshare ba ako dito kase marami na rin akong naging experience. Hindi totally nangyari sakin 'to kinwento lang sakin 'to ng asawa ng Kuya ko in-short hipag ko so here it goes...

It was Friday at 11 PM nung nagdecide kame na manood ng Insidious nung nakaraang araw lang siya, sobrang fresh pa sakin nung mga kinwento ng hipag ko.  And bonding na kase ng family namin na manood ng horror movies ng sabay-sabay. Kahit napanood na namin, inuulit pa rin namin kase enjoy talaga manood ng horror diba? So ayun nga nung nanonood kame biglang bumulong hipag ko na katabi ko lang "Parang yung nangyari samin" so ako naman bilang isang dakilang mahilig magtanong, nagtanong ako "Bakit? Ano yun?" Humarap siya sakin tas tumayo hinatak niya ako papunta sa kusina nag-excuse siya na kukuha lang daw kami ng chips so nung pagdating namin sa kusina, nagkwento siya.

Dati raw nung college siya yung panganay daw niyang ate nagkaroon ng boyfriend na aswang. Yes aswang. Kahit ako man nagulat. Hindi mo raw mahahalata na aswang kase sobrang disente raw manamit, nagtatrabaho, kase raw sa trabaho raw ng ate niya sila nagkakilala pero tuwing kakain daw sila kasabay yung boyfriend ng ate niya laging nakatulala as in yung parang hindi normal? Hindi naman sa mukhang PG pero iba raw yung pagkakatulala tapos ang lagi lang daw niyang kinakain yung frozen foods na piniprito pang like hotdogs, ham ganyan. Ayaw kumain ng may bawang like ginisa ganyan. Tapos ang laki rin ng pinagbago ng ate niya. Ilang beses na raw kasing may nangyari sa ate niya at sa boyfriend nitong aswang. Yung ate niya unti-unting nangingitim (katulad nung aswang) sobrang puti kase nung ate niya tapos sobrang nangangayat yung sa pisngi raw talagang bumabaon yung laman so nagdududa na talaga sila dun sa lalake eh may kakilala silang albularyo si Aling Maria raw nung nagtanong sila naconfirmed nga na aswang so nagbilin na kesyo lagyan ng kawayan yung bubong keme keme. Simula raw non tuwing gabi tinatabihan na nilang magkakapatid yung ate niya salitan silang tatlong magkakapatid, 4 silang magkakapatid pero nung nakatoka na si Ate Alex sa ate niya, bigla raw siyang nagising tapos pagtingin daw niya sa bintana nandun yung boyfriend ng ate niya nakamasid talagang binabantayan daw

Meron pa nga raw one night nung nagising siya nagses*x daw ate niya saka boyfriend neto edi sigaw daw siya nun tinawag niya Daddy nila tapos nung kinaumagahan, yung alagang aso ng ate niya patay na. Nakita raw nila na wakwak yung tyan. Tapos sa cabinet nila, hati sila ng ate niya. Sa kaliwa yung sa damit ni Ate Alex (hipag ko) tas sa kanan yung sa ate niya pero pagbukas daw niya nagulat siya kase yung mga damit ng ate niya nakasiksik sa mga dami niya edi tiningnan niya yung sa part ng ate niya, pag-angat daw niya ng damit ng ate niya may iba't-ibang klase ng bote/garapon na may laman na kung ano-anong langis o parang pang-orasyon ganern. Sinabi niya yun sa Mommy nila tas tinapon lahat yun nung Mommy nila.

Pag-uwi naman nung ate nila nagtanong kung sino nangealam ng gamit niya sabi niya "Si Mamhe nagligpit kanina" kase natatakot daw siya pag sinabi niyang siya tapos sobrang nagalit daw ate niya sa Mommy nila yung Mommy naman nila may nilagay na kung ano sa ilalim ng unan ng Ate niya nakalimutan ko na pero yun yata yung kapirasong kahoy ng puno ng Sinukuan? Yung mga buntis, ang alam ko takot dun yung mga aswang kase ganon yung binigay ng tito ko nung buntis si ate Alex saka yung panganay kong Ate edi ayun nga lalong nagalit yung ate ko tapos di na napigilan na ipakonsulta dun kay Aling Maria edi may ginawang orasyon keme keme tapos unti-unti raw nagpapapalag ate niya habang sumisigaw ng kakaiba hanggang sa bumalik sa dati pangangatawan niya tas nawala na. Unti-unti na yatang nalalahian yung ate niya kaya ganon. Tapos naglagay ng ground Daddy nila sa bubong saka yung maliliit na kawayan, takot kase yata mga aswang sa kawayan. Yung boyfriend naman ng ate niya na aswang namatay daw, may ginawa raw si Aling Maria na di niya maintindihan. Tas dahil sa pagkamatay ng boyfriend niyang aswang, binabalikan sila nung kamag-anak yata nung boyfriend niya na aswang din

Sa Part 2 na lang yung karugtong  baka aswangin ako pag di pa ako natulog eh HAHAHA.

Pandak ni Hubby.
Valenzuela City.

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon