YsaVavy pfouwzxs 😊 I miss you Vavies. 😘Mejo seryoso tayo ngayon kasi life and death situation to 😊
Yung bahay namin dati kadikit lang ng bahay ng lola ko. Kasi yung original na bahay namin, nasira nung bagyong Frank nung first year HS ako. Sa bago naming tinutuluyan, nasa iisang kwarto lang kaming magkakapatid, pero tatlo yung kama. Yung kama ko, katabi ng bintana, sa paanan ko naman yung sumunod sakin, tas yung bunso kalevel ng kama ko yung kama nya. Parang ganito |_| gets nyo ba?
Nagising ako 3am, oo alam kong 3am yun kasi nakita ko sa wall clock namin. Tas bigla akong napabangon, as in bigla lang talaga. Wala namang dahilan, hindi naman ako naiihi or what, pero bigla lang talaga akong napabangon. Inulit ko lang e no?
Tas yung biglang bangon ko, inulit ko na naman. Tss. Bigla din akong bumalik sa pagkakahiga. Yung parang tinumba ako. Feeling ko that time nakipagsapakan ako. Biglang nanakit katawan ko na hindi ako makagalaw. Naninigas na ako nun tas napatingin ako sa gawi ng bintana. May nakita akong nakatingin sakin, itim lang sya na figure, di ko makita mukha nya pero alam kong nakatingin sya saken. Napaluha ako sa sobrang takot, tas di ba nga hindi naman ako naiihi nun? Pero naihi ako p*ch*, buti na lang ihi lang. Di pa rin ako makagalaw kaya di ako makabangon para makapagpalit. Di ako nagdadahilan no, di talaga ako makagalaw nun. Napapikit na lang ako. Yung feeling na sandaling pikit lang tas pagmulat ko umaga na.
Umayos naman yung pakiramdam ko nung umaga na, para ngang walang nangyari e. Maliban na lang sa ang panghi ko na talaga pati higaan ko.
Buong araw, usual lang na ginagawa ko, mga gawaing bahay, text, facebook ganern. Tas nung padilim na, biglang sumama pakiramdam ko. Kaya dun na lang muna ako sa bahay ng lola ko nakinuod ng tv.
Habang lumalalim yung gabi, lalong sumasama pakiramdam ko. Nahihirapan na akong huminga tas yung ulo ko nakalupaypay na, nakatungtong na lang sya sa sandigan ng silya. Parang lantang gulay. Sobrang bigat ng ulo ko nun, di ko na makayang ituwid, parang hirap na hirap akong buhatin yung sarili kong ulo. Iyak na ako ng iyak habang nanunuod ng TV. Ramdam kong may nakatingin na naman sakin kaya lalo akong naiyak dahil sa takot.
Sabi ko sa lola ko pumunta kaming albularyo kasi sobrang sama ng pakiramdam ko. Albularyo yung una kong sinabi kasi nga dahil sa nangyari ng madaling araw. Sabi nya bukas na lang daw kasi gabi na. Hinayaan ko na lang, pinapalakas ko loob ko, sinasabi ko sa sarili ko na kaya ko pa, pero hindi na pala talaga.
Sumigaw ako ng sobrang lakas, parang dun ko na inubos natirirang energy ko. "P*T* MAMAMATAY NA AKO DITO!!!" Napatigil silang lahat sa mga ginagawa nila tas yung tita ko takbo agad para tawagin mga kapatid ko kasi nga parang mamamatay na talaga ako. Tumatakbo yung dalawang kapatid ko papunta sakin at tinatanong nila ako kung anong nangyari pero di na ako makasagot. Iyak lang ako ng iyak. Naghanda na kami para umalis, todo alalay yung kapatid tsaka lola ko sakin. May daanan naman sa likod bahay namin papunta sa bahay ng albularyo kaya lang madami talagang entities sa paligid ng bahay namin. At baka matuluyan na ako pag dun kami dumaan kaya umikot pa kami sa kabila. Ramdam kong may nakatingin at nakasunod samin habang naglalakad kami pero hinayaan ko na lang kasi wala naman akong magagawa.
Pagdating namin sa bahay ng manggagamot, na tawagin na lang nating Lola G, sinabi nya agad na may nakasunod samin. Engkanto, may gusto sakin. Gusto daw akong kunin. Ngumisi yung manggagamot tas sabi nya "Nung bata ka pa, may humalik sayong engkanto" which is true, engkanto ang first kiss ko. Nakatambay kasi ako nun sa likod bahay namin bandang tanghali. Bigla akong nakaramdam na parang may iba akong kasama e mag isa lang naman ako nun kaya nag ingay ako tas panay Sabi ng "G*g* ka! G*g* ka! Umalis ka dito" at bigla akong tumahimik kasi parang may humalik sakin at namaga labi ko. Pinatingnan din namin yun sa manggagamot pero ibang manggamot yun kaysa kay lola G. Sabi nga nya hinalikan daw ako ng engkanto para tumahimik ako.
May binigay na pangontra si Lola G sakin. Sabi nya kasi hindi daw ako titigilan nung engkanto, bata pa lang daw ako nakabantay na yun saken, hinihintay magdalaga ako para makuha nya na ako. Nung isinuot ko na sa bewang ko, mejo umayos yung pakiramdam ko. Wag ko daw hubarin yun para di sya makalapit sakin at di nya ako tuluyang makuha.
Nung pauwi na kami, sa kabila ulit kami dumaan, sa highway na. Di na dun sa una naming dinaanan kasi marami daw engkantong nakatambay dun. Baka matipuhan daw ulit ako. Ramdam kong nakasunod at nakatingin pa rin sya samin pero nasa malayo na sya, di sya makalapit e.
Pag uwi namin sa bahay, di na nakagala mga kapatid ko para bantayan ako, lumipat ako ng higaan katabi yung bunso namin. Dun kami sa kama sa paanan ng kama ko natulog. Tas yung kapatid kong sumunod sakin nagsunog ng basura sa labas kahit gabi na para lumayo daw yung engkanto na dun pala mismo nakatira sa puno sa harap ng bintana ng kwarto ko.
Hindi pala naisara ng kapatid ko yung pinto ng kwarto namin tas yung kurtina di nya rin naibaba. Nagising ako kasi naramdaman kong may nakatingin sakin, pagmulat ko sumakto agad yung mata ko sa bintana sa labas ng kwarto namin. Nandun sya. Nakatingin. Ginising ko agad si bunso at sinabing andun na naman yung engkanto kaya lumabas sya agad at inikot yung bahay namin habang kinakausap nya yung engkanto na layuan na ako. Pagbalik nya wala na rin yung engkanto.
Paggising ko parang walang nangyari, napakabuti ng pakiramdam ko. Akala ko panaginip lang lahat maliban na lang nung nakita kong may pangontra nga ako na nakatali sa bewang ko.
Hindi ko na sya nakikita pero tuwing nananaginip ako ng SPG, umiiwas agad ako sa panaginip ko, minsan sila Marian Rivera napapanaginipan ko, Ellen Adarna etc. Tsaka boyfriend ko napapanaginipan ko pero umiiwas talaga ako pag SPG na kasi alam ko hindi sila yun, yung engkanto lang yun na gusto akong makuha. Pati panaginip ko pinasok nya na pero nananaginip lang ako ng ganun pag di ko suot yung pangontra ko. Bisexual po kasi ako, pero mas attracted ako sa babae, kaya di sya gumagamit ng lalake sa panaginip ko maliban na lang sa mismong boyfriend ko. Tuwing pumupunta boyfriend ko sa bahay namin, lagi na lang sumasama pakiramdam nya, ang tas ng lagnat lagi. Nagseselos yata yung engkanto kaya pinapauwi ko na lang boyfriend ko tas pag alis nya biglang bubuti pakiramdam nya.
Isang beses pauwi na ako galing OJT, 3am na nun kasi sa RestoBar ako nag OJT nun kaya madaling araw yung out namin. Kasabay ko nag out yung waiter dun tas madadaanan ko yung bayan nila bago yung amin. Sumakay kami sa jeep, apat lang kami. Ako, sya, yung driver tsaka konduktor nya na nakaupo sa upuan malapit sa likod ng driver. Bumaba na yung kasama ko sa town nila kaya tatlo na lang kami yung sakay nun. Tas panay tingin sakin yung konduktor tas may tinitingnan din sya malapit sa pinto ng jeep. Paglingon ko, nakita ko sya. Nakaupo dun sa dulo. Nakatingin sakin. Nakabantay. Kasabay ko pala syang sumakay. Uyy Rhyme! 😅✌️️ Nakauwi ako ng safe. Naglalakad mag isa kasi papasok pa bahay namin. Pero di ako natakot, mejo lang. Hehe kasi may kasama naman ako.
At habang tinatype ko to, alam ko anjan lang sya. Nakatingin. Nakabantay pa rin. Uy nagrhyme ulit. 😅✌️️
PS.Naligo po ako agad at nagpalit paggising ko at nilabhan ko din pinaghigaan ko, kaya di pa ako ganap na dugyot. 😅
PPS. Di po ako dancer sa RestoBar na yun. 😅✌️️
PPPS. No Name po yung title kasi di ko po sya binigyan ng pangalan at baka isipin nya na special sya para sakin at baka isipin nyang may forever kaming dalawa. 😅
YsaVavy
