I'm Yours

764 7 0
                                    


Hello guys! I'm an avid reader on this page and like most of you, Inuumaga na kakabasa. I decided to share one of my terrifying experience sa school namin. Hindi ko alam kung matatakot kayo pero basta sakin, Isa 'to sa hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay ko. Call me Key by the way. ☺️

So here's my story. This was happened when I was a freshman Nursing student in our province. July 2010 hindi ko na maalala yung date basta sabado yun, tanghaling tapat at katatapos ng ROTC namin so kaming mga magkakaibigan, Tumambay muna sa 2nd floor ng Nursing building para mag aircon. It was past 12 pm that time and kami lang na lima ang nakatambay sa room. Yung ibang students ay umuwi na at yung mga ROTC officers ay nasa barracks na nila and it was a bit far from the building where we are resting. So sobrang init na init kami, Kanya kanyang punas ng pawis then polbo polbo na. Nilabas ko yung pressed powder ko para mag retouch then yung isang friend ko na lalaki na medyo beki kumilos, Nag prisintang siya na daw mag apply sa mukha ko ng pressed powder. Sabi niya mas didikit daw yung powder kung gagamitan ng basang sponge so inutusan niya ako basain yung sponge ko sa CR sa first floor. Sumunod naman ako.

So lumabas ako sa room dala yung sponge pababa sa cr. Tinatamad pa ako dahil yung isang hagdanan sa dulo pa yun yung malapit sa cr, 5 rooms pa dadaanan. While yung hagdan na isa sa side ng room namin malayo naman sa cr. Kaya dun ako sa dulo dumaan.

Paglabas na paglabas ko ng room, Nagtayuan yung buhok ko sa batok. May malamig na hangin akong nararamdaman sa likod, Yung pakiramdam natin kapag may kasunod tayo at nasa likod lang natin sila. Sa peripheral vision ko may lalaki sa likod ko. Medyo nilingon ko kaya nakita kong may tao talaga sa likod ko. Pero hindi ko magawang tignan siya totally, Basta blurred yung mukha niya. Ewan pero sobrang kinikilabutan ako nun to think na wala akong nakitang umakyat or lumabas sa room para maging kasabay ko maglakad pero since tanghaling tapat binabalewala ko na lang kahit kinikilabutan na ako nun. So ginawa ko para hindi ako matakot, Kinakanta ko yung I'm Yours ni Jason Mraz. Pero kin'gina, Habang kinakanta ko siya, Nag huhum siya pasabay sa pagkanta ko! Ganito siya:

NV
Me: Well you done done me and You bet I felt it-
Him: Hmmm Hmmmm..
Me: I try to be chill but you're so hot that I melted--
Him: Hmmm Hmmm Hmmmmm...
Me: I felt right to the crack, And now I'm tryin' to get back!- (Napataas na boses ko kasi mabilis na lakad ko and sobrang takot na takot na ako nun)
Ghost: Hmmmmmmmmmm... Hmmm... HMMMM!!! (As in pagalit na ung hmmm niya na pasigaw)

So nilingon ko agad yung likuran ko bes pero ako lang walang tao! So tumakbo na ako pababa sa hagdanan. Ang style ng hagdanan is yung straight then pakanan then straight so talagang tumatakbo na ako pababa may naririnig akong yabag na natakbo sa likod ko as in yung presence niya ramdam na ramdam ko yung lapit niya sa likod ko tapos yung malamig na hangin na gaya pag natakbo tayo at nakita ko sa gilid ng mata ko yung manggas at braso niya kaya super takot na ako nun, Halos liparin ko na yung hagdanan nun. Then since nauna ako nakababa tinignan ko yung stair, May half barong and black slacks with black shoes na bumababa patakbo at nawala sa gitna sa last set ng hagdanan! As in walang ulo pero sa liwanag ba naman ng katanghaliang tapat, Talagang kitang kita ko siya. So nanlaki talaga ulo ko non, pumasok ako sa CR sobrang takot ko sabay basa ng sponge tapos natatakot ako lumabas kase baka andon pero nilakasan ko loob ko na lang dahil bukod sa tanghali diko dala phone ko. So paglabas ng CR, hindi ko na nilingon yung hagdan takbo ako paakyat sa isang hagdan malapit sa room na pinagtambayan.

So pagdating ko sa room hinihingal na kwinento ko agad but my friends thought that I was joking only tinatawanan pa nila ako until they have experienced the same thing nung pauwi na kami. Umakyat yung dalawa kong friend naghanap ng eraser at chalk. May nag hu hum uli, nag whi-whistle and napadyak sa loob ng room pero dalawa lang naman sila dun. Ending takbuhan na palabas ng building.

Ps. Ayon sa sabi-sabi, May tumalon daw sa building non at nagpakamatay na estudyante so probably, Siya yon.

K. Nightingale
Isabela

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon