Elementary palang ginagawa na namin 'to. 2005-2006 yung year to be axact grabe 3 kami. Gusto ko lang malaman kung merong nakakalam sa inyo ng larong 3 elements of paper. Medyo creepy sya para samin kasi everytime na ginagawa namin yun hindi namin maipaliwanag kung bakit pumapasok yung papel sa loob.
So here we go para makarelate ka, must try and believe.
Kailangan lang ng tatlong malinis na papel, tatlong maliit na piraso ng papel na may nakasulat ng pangalan ng tatlong lalaki sa buhay mo o gusto mo. Since elementary kami nun pangalan ng mga crushes namin ang sinusulat namin. So eto na, hindi ko madescribe ng maayos yung pagkaka tupi ng papel pero usually intermmediate pad ang gamit namin.
Bali yung pangalawa at pangatlong tatsulok ng papel ang magiging una at dulo ng pagkakatupi.
Step1: Itupi yung papel hanggang dulo. Makapal at mahaba kalalabasan nya since tinupi sya. (half inch yung pinakang size ng bawat tupi) Nakavertical na yung mga line ng papers. Note: tatlong piraso dapat yan!
Step2: Iready yung pangalang nakasulat sa papel. (Yung crush mong tatlo) Tupiin hanggang sa maging maliit. I prefer rectangle.
Step3: Yung tinupi mong mahabang papel, bawat isa lagyan mo ng papel na tinupi mo in rectangle. Note: Sa pangalawang tupi sa labas ilagay. WAG SA LOOB, YUN YUNG MAGIGING THRILL.
Step4: Iform mo yung kamay mo na parang kapag nagdadasal. Sa bawat daliri mo isingit mo yung tatlong papel isa isa hanggang sa may hinliliit.
So eto na. Parang magoorasyon ka lang haha. Kailangan ng focus! Habang nakasingit yung papel sa mga daliri mo pumikit ka with strong focus. Yung parang nakaluhod sa simbahan at nagdadasal. (wag na lumuhod ha, OA eh! Ilagay mo nalang yung kamay sa noo habang nakatungo)
Step5: So eto na yung gagawin. While you're in Focus eto banggitin mo, 3 elements of paper tatlong sunod sunod. Then isipin mo yung isa sa mga pangalang sinulat mo na gusto mong pumasok sa loob ng papel. Just think of him/her. Usually yung mga moments nyo, yung mga ginagawa nya.
Yung mga naka copslock nalang to be exact yung babanggitin at iisipin. (babanggitin lang sya sa isip)
3 ELEMENTS OF PAPER(3x) PUMASOK KA(3x)
(next yung name and moments nyo nung sinulat mo sa papel na ineexpect mong papasok mamaya pagbuklat mo sa mga papel) (3x din babanggitin yung name)
Gawin mo lang sya in 1 to 2 minutes. Pwede mo syang ulit ulitin banggitin. Pwede ring magkabaliktad yung babanggitin mo basta FOCUS. Isipin mo lang.
After nun. Isa isa mong buklatin yung papel. May papasok jan na papel sa loob na hindi mo naman dun nilagay, then tingnan mo kung yung pumasok kung sya ba yung binabanggit mo kanina.
Naeexcite at kinikilabutan kami kapag ginagawa namin yan, at the same time kinikilig kase yung crush namin yung mga nakasulat lalo na pag pumasok. Haha kahit nung high school ginagawa pa rin namin yan. Try nyo din guys then share nyo yung feeling! Hindi namin alam kung pano pumapasok yun siguro sa energy at focus yon? Magtataka ka talaga kase hawak hawak mo yung papel at nakaipit sa daliri mo kaya imposibleng magalaw yun. Nagawa ko ulit yan kahit ngayong college na ko and its still working! Pinapaexperience ko din sa mga kapatid ko then manghang mangha sila. Hahaha. Ang exciting! :)
Former Tilapia
Laguna
