Inoperahan ako nung Sept 3, 2016. Nalate yung doctor ko ng 2hrs, so habang wala siya puyat ako alam kong super pagod at sakit mafefeel ko after operation, nakahiga lang ako nakatingin sa ceiling saka sa dextrose ko. Nagpaalam nurse na aalis na daw sya. Iba papalit sakanya dahil tapos na shift nya, so habang wala siya nakahiga lang ako, half asleep na tapos bigla nadinig ko may naglalakad sa likod ko, sabi ko 'kuya?' (Akala ko yung nurse) tapos wala. So inisip ko guniguni ko lang.Pag tingin ko sa dextrose ko, kitang kita ko na may tumapik na kamay. Napabangon ako, nadidinig ko may tumatakbo at ginagalaw mga operating equiptment ayaw ko lingunin pero nakikita ko sa peripheral view na may batang nilalaro yun. Ang bilis ng heartbeat ko tapos hinahabol ko hininga ko. Di ako makagalaw nakasagad aircon tapos nanlalamig talaga ako. Tumunog ecg monitor na nakasalpak saakin. Pumasok yung nurse na galing sa kabila, naabutan nya ako tulala. Sabi niya "Maa'm okay lang kayo?" Ang una ko sagot "Wag mo ako iiwan"
Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin nung nurse dineretso ko siya, "May multo ba dito?" Natahimik siya. Tinanong niya kung active paranormal sense ko. Sabi ko hindi na dahil ngayon lang uli ako nakaradamdam. Kinuwento niya, sa tapat kong O.R. may bata na inoperahan noon pero namatay habang inooperahan. Mahilig daw to maglaro. Minsan pag may mag-isa nakaduty daw sa gabi naglalaro siya hinahayaan nila. Naalala ko bata nga nakita ko. Tapos sabi nung nurse baka gusto makipaglaro saakin. Buti nalang di ko raw inentertain baka sundan ako.
Alexaiono
Cagayan