Tips

1.5K 42 0
                                    


Hi guys! Gusto ko lag magshare ng knowledge about sa mga aswang. Natutunan ko sya dahil sa tita at mama ko na laking Negros at natutunan nila sa kanilang nanay. No need to elaborate,  basta laking probinsya sila pero nandito kami ngayon sa Cavite. So bakit ko shineshare to? Alam ko kasi na minsan di natin maiiwasan makaencounter ng mga bagay na hindi maipaliwanag. Focus to lahat sa aswang.

Ano ba ang aswang? Iclear po muna natin, magkaiba ang aswang, tiktik, sigbin at manananggal. Ang tiktik at sigbin ay parehong alaga ng aswang. Ang mananggal ay yung kalahati ang katawan at ang aswang naman ay yung mahilig sa buntis or baby. Maraming beses na po akong nakaencounter ng aswang though bata pa ako nun. Pero dahil nga may konting alam kami kung ano ang panlaban, edi ayern. Napapaalis namin sila. So eto na,

1. Asin. Kapag may naglalakad na parang pusa o aso na SOBRANG bigat na akala mo eh tao na ang naglalakad, magsaboy ka ng asin sa bubong nyo. Aalis yan for sure.

2. Buntot pagi. Alam nyo ba yun? Yung buntot ng pagi na pinatuyo. Effective yun, kapag may hindi kaaya aya sa paligid mo, especially kung may baby sa bahay nyo, ihampas mo ng ihampas yung buntot pagi sa bahay nyo. Sa pader o sa sahig, basta ihampas mo. Takot sila dun kasi kapag yun ay pumalo sa kanila at nasugatan sila, matagal yun maghilom.

3. Walis tingting. Yes mga bes, walis tingting. Kung waleys ka talagang choice, maglagay ng walis tingting sa labas ng pinto nyo. Nakakabawas ng power sa kanila yun mga bes.

4. Kapag nakaencounter ka talaga harap harapan ng aswang, sugatan mo sa likod. Bakit sa likod? Kasi hindi yun abot ng dila nila, kapag nadilaan kasi nila ang sugat nila, gumagaling agad. Kapag sa likod, hindi abot. Try mo sa pwet bes, PADILAAN MO HAHAHAHAHA.

5. Apakan mo. Gusto mo maconfirm na aswang ang isang kahinahinalang tao? Sundan mo ng apak yung bawat tatapakan nya. Kung saan sya umapak, dun ka din. Try mo bes, kapag lumingon at nagalit sayo, paktay kang bata ka.

6. Itak. Beastmode ka na kasi may aswang sa paligid ng bahay nyo at may baby kang poprotektahan? HAMUNIN MO! De realtalk, kuha ka ng itak at maghasa ka sa labas ng bahay mo. Oo, hasain mo at hamunin mo ng bongga. Takot sya bes, try mo.

7. Posporo. Pag feeling mo may nakatingin sa iyo at hindi ito kaaya aya, bago ka lumabas, maghagis ka ng nakasindi na posporo sa labas ng bintana. Hagis ng apoy sa bintana para pansamantala syang lumayo.

8. Sabayan mo. Kapag naglalakad ka mag isa at madilim, tapos may kasabay ka na tingin mo ay hindi tao, maglakad ka sa gilid nya. Wag mo sya uunahan at wag ka magpapahuli. Basta bes, WAG.

Yan muna mga bes, tinatamad na ako mag isip eh. Alalahanin ko uli tapos kapag maganda feedbacks, post ako uli. Salamat!

Turquoise

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon