Mere Coincidence or Real Psychic Power?

1.3K 13 4
                                        


Hi, guys. Hindi yata kayo matatakot dito sa kwento ko pero sana mapost hehe. Need ko rin kasi ng advice or something na para maenhance ko to or mas maintindihan ko itong mga nangyayari sa akin. Isa pa, wala kasi akong mapag-share-an kasi wala namang naniniwala lalo pa't lumaki ako sa pamilyang sobrang relihiyoso. Pero ito na nga... Pasensya na kung mahaba at kung hindi kayo matakot...

Bata pa lang kasi ako, nakakapanaginip na ako ng mga bagay na mangyayari sa future - especially kapag may mamamatay, yun talaga hindi nagmimintis sa mga panaginip ko. Napapanaginipan ko pa nga na may nagkakagusto or magkakagusto sa akin na kakilala ko e, I SWEAR! Lalo na noong high school ako (hahaha) tapos magcoconfess sila weeks after kong managinip. Anyway... Tuwing may mamamatay na malapit sa akin or kamag-anak, napapanaginipan ko muna na may pinupuntahan akong burol or mga kakilala kong namatay na. Tapos naghahanda sila kasi daw may ""pauwi"" na sa kanila pero hindi ito precise - meaning alam kong may mamamatay pero hindi ko natutukoy kung sino at paano; basta ang nararamdaman ko, may malapit sa akin na mamamatay.

Unang una ko itong naexperience noong elementary pa lang ako. Best friend kasi ni mama yung pinsan ng daddy ko so tuwing Sunday, lagi silang nagchichikahan sa bahay, kape-kape ganoin. Lagi rin syang nagdadala sa amin ng saging tapos kapag nauuna sya sa bahay namin (Kasi Sunday, nagsisimba kami. Ang naiiwan lang sa bahay yung daddy ko) magtatago sya sa likod ng pinto tapos gugulatin nya kami ganun, basta ganun kami kaclose. Until ilang Sunday na yung nakalipas, hindi sya dumadalaw sa amin. Nung minsan, nanaginip ako na may mamamatay daw - nasa burol ako eh tapos basta yung feeling na natural yung nararamdaman mo na parang di ka nananaginip . Alam kong kamag-anak namin yung namatay.

Isang araw, nabalitaan namin na nadiagnose sya na may cancer daw. Nung una, di ko naisip na tungkol sa kanya yung panaginip ko. So ayun, naregain nya yung lakas nya tapos dumadalaw-dalaw ulit sya sa amin pero madalang na lang & ramdam mo na pinipilit lang nyang maging masigla. After nun, nakapanaginip na naman ako na may inattend-an na naman akong burol, same feeling pa rin gaya ng naramdaman ko sa una kong panaginip. Pero di ko pa rin nalaman kung sino yung nakaburol. Hanggang dumating yung Sunday, wala si tita, hindi sya dumalaw. Kinabukasan, tumawag sa amin yung anak nya at ibinalita na patay na daw sya. Dumalaw kami sa burol nya & nagulat ako kasi kako sa sarili ko, parang nakita ko na yung setting na yun, parang nakapunta na ako doon. Akala ko dejavu lang pero bigla kong naalala yung panaginip ko at nagtugma yung lugar - as in yung buong setting ng funeraria.

Pag-uwi namin, ikwinento ko sa mama ko yun na napanaginipan ko chuchu. Pero parang hindi sya naniwala sa akin. After malibing ni tita, napanaginipan ko sya. Sa panaginip ko, yun pa rin, yung usual na masayang Sunday pero kaming dalawa lang. Pinaupo ko pa sya at sabi ko tatawagin ko si mama. Ang sabi nya sa akin ""Hindi na, at sandali lang naman ako."" Inabutan daw nya ako ng saging tapos sabi nya na magpapakabait daw ako at pasensya na daw at di na sya makakabalik sa amin tuwing Sunday. Nagtataka daw ako pero basta, masaya sya sa panaginip ko then nagising na ako. Hindi ko na sinabi kay mama kasi kako sa sarili ko, baka namimiss ko lang sya.

Isa rin sa mga memorable na ""panaginip experience"" ko e yung sa isa pang BFF ng mama ko (High school na po ako nun). Siya naman, weekdays ng hapon kumakatok na sya sa tindahan namin tapos magkakape-kape sila ni mama. Isang araw, nanaginip na naman ako ng may mamamatay. Kwinento ko na yun kay mama. Pinagalitan pa nya ako tapos nagcast out sya, sabi nya ""In Jesus' name"" tapos sabi nya ikagat ko daw sa kahoy or kagatin ko daw dila ko kasi masama daw yun. Ginawa ko naman pero wala yatang effect. After ilang weeks, December 24 na yun e, late na nagpunta yung BFF ni mama sa amin. Ako naman naglalaro ako sa labas. Nung umuwi na yung BFF nya, napansin ko, medyo matamlay sya. Tinanong ko si mama kung bakit parang matamlay yung BFF nya, normal naman daw ang BP nya at blood sugar levels (meron kasi kaming automatic na pangcheck ng ganun at bonding rin kasi nila yun haha).

Nakwento rin ni mama na randomly nag-open sa kanya yung BFF nya na nahihirapan na daw sya. Sabi ko, ""saan naman?"" Ang sabi ni mama hindi daw nya maintindihan pero siguro daw baka sa mga pasaway nyang anak. Then kinabukasan, pinuntahan kami nung anak nya, sabi nahulog daw sa hagdan yung BFF ni mama. Sinugod daw nila sa ospital at walang malay kasi namuo yung dugo sa utak nya (Pano ba naman kasi, yung hagdan kasi nila nasa labas ng bahay tapos bakal & matarik tapos babagsakan mo talaga semento). Kinagabihan, nanaginip na naman ako ng may mamamatay, at naalala ko yung panaginip ko last time pero ewan ko ba, tanga yata ako kasi hindi ko naiisip kung kanino maaaring konektado yung panaginip ko.

Then ayun, after ilang days, namatay yung BFF ni mama. After ng libing, napanaginipan ko rin sya - yung normal kape-kapehan days nila ni mama pero this time medyo aware na ako sa panaginip ko na patay na sya kaya nung kumatok sya sa pinto namin (sa panaginip ko), takot na takot ako (HAHA). Kinausap ko pa sya habang binabato ko ng unan, kako, ""Patay na po kayo, wag nyo po akong takutin please."" Pero sabi nya magbibilin lang daw sya para sa mga anak nya kasi biglaan daw yung alis nya. Tapos nagpasalamat na rin sya sa amin ni mama then sabi nya uuwi na raw sya tas bigla na lang syang nawala.

Noong namatay naman ang mama at daddy ko, hindi ko sila napanaginipan - lalo na yung mama ko, as in wala. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Noon rin na mamamatay yung pastora namin (Na close namin kasi bff rin ni mama (This year lang yun actually). Nanaginip rin ako pero di ko alam bakit ang precise ng panaginip ko that time. Note na hindi ko alam na may sakit or nanghihina na yung pastora namin ah, kasi nung nagtrabaho na ako hindi na ako nakakapagsimba. Sa panaginip ko, naghahanda raw yung mama ko ng bongga (Patay na si mama nung time na mapanaginipan ko ito). Sabi ko pa raw anong meron. Sabi naman ni mama parating na daw kasi yung pastora namin. Then after ilang days, tumawag yung kachurch ko sabi naghihingalo na raw yung pastora namin. Tapos to make the story short, namatay na sya and napanaginipan ko rin sya after ng libing.

Napanaginipan ko pa nga na may close friend akong mamamatay e pero hindi ko nalaman kung sino. So sinabi ko na lang sa kanila na mag-ingat kasi may napanaginipan ako. Akala nila joke joke lang mga panaginip ko pero after ilang days nagPM sa akin yung isa kong friend, sabi nya muntik na daw syang masagasaan. Tumatawid daw kasi sya tapos may humarurot na sasakyan mula sa mga sasakyan sa left lane so umiwas sya. Pero pag-iwas daw nya nahagip naman sya nung nasa right lane. So far naman buhay pa sya. Buti tumama lang sa braso nya yung side mirror ng sasakyang nasa right lane at isang solid na pasa lang inabot nya. Ewan ko kung naniwala sya sa akin, pero nilayuan nya kaming friends nya.

Ngayon naman, nananaginip na naman ako na may mamamatay, as in padalas ng padalas. Nitong mga nakaraang araw, halos gabi gabi na yata yung panaginip ko na may mamamatay and ayun, nagmessage yung isa kong tita na yung tito kong may taning na yung buhay, hindi na tumatanggap ng pagkain o tubig at madalas na lang syang tulog. Siguro para sa kanya yung mga panaginip ko. Napanaginipan ko na rin kasi na may mamamatay bago sya madiagnose sa sakit nya e.

Up until now, inoobserbahan ko pa rin itong ""kakayahan"" ko kasi kahit ako hindi makapaniwala na ganito nangyayari sa akin. Naiisip ko na baka coincidence lang. Wala pa rin kasi akong nakakausap ng matino tungkol sa experience kong ito e.

P.S. Sana po talaga mapost ito hehe. May ilan pa akong creepy stories, mas creepy kesa dito. Next time na ulit ako magkkwento pag napost to haha.

More power sa Spookify ;)

Erin

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon