"An imaginary demon or evil spirit supposed to descend upon sleeping persons" sounds familiar?Hi guys! Share ko lang tong story ng pinsan ko. Sana po ma-post. Hehe thankyou in advance!!!
I don't remember kung what year nangyare to pero mga bata pa kame nun. Siguro mga 10 or 11 kame. May pinsan ako nakatira sila Quezon city near balic-balic. Samar yung street nung apartment na tinitiran nila. Marami ng kababalaghan nangyare dun sa mismong apartment na na rent nila pero eto mismo yung tumatak sa isip ko. Miski ako nakakaramdam din dun. Yung tipong papasok ka pa lang sa bahay nila ang bigat bigat na ng pakiramdam mo. So eto na nga.
Natutulog yung pinsan ko na babae, di ko nalang babanggitin name nya. Dalawang kwarto yun and both rooms may nagpaparamdam. Dun sya natutulog sa may double deck. Hapon naman yun at sya lang ang mag isa sa bahay nila that time. Maya maya daw biglang lumubog yung kama na parang may umupo daw sa tabi nya, nararamdaman daw nya na parang may nanghihipo sa kanya sa legs pataas. Di daw sya makagalaw nun at nanginginig na sa takot. Nag pray nalang daw sya at walang lumalabas na boses sakanya. Maya maya naman daw parang may bumubulong sakanya na hindi nya maintindihan. Parang latin daw. Pag dilat nya may naaninag daw syang parang demonyo na nakasilip sa pintuan ng kwarto nila. Ilang beses na pinabless yung bahay nun pero hindi pa rin nawawala yung mga spirits dun.
Isang umaga naman, nagising yung ate ko. Madalas kase kame dun matulog magkakapatid. Pagdilat daw nya hindi nya maigalaw yung katawan nya parang na stroke ganun. nakita na lang nya may demonyo daw sa harap ng mukha nya, sumusuka daw ng pako at bumabagsak sa mukha nya. Medyo mahahaba daw yung pako na yun. Pumikit daw sya at nagdasal. Pagdilat nya andun pa rin daw at iba na yung sinusuka, bubog naman. Buti nalang ginising sya ng tita namen.
Hindi ko alam kung bat madalas sa pamilya ko ang naiincubus. Siguro lang hindi sila masyadong nagdadasal. Puro kase sila kalokohan. Hahaha!!! Nga pala, umalis na sila dun sa samar, dito na sila angono nakatira. Sa awa ng Diyos wala naman ng masasamang espiritu don. 😊
ALIEN.
Rizal.
