Bibiloy

1K 15 0
                                        


Wayback 1999, 5 years old ako noon, iba pa lugar namin noon dito sa Batasan Hills, lubak lubak na daan kakaunti ang mga bahay, wala halos ilaw na poste, matataas ang mga damo. Maniwala kayo sa hindi natatandaan ko pa talaga un dahil malakas pa memory ko hehe anyway back to my story yun nga ganun ko madedescribe gaano nakakatakot sa lugar namin noong unang lipat namen dito, gawa pa sa mga kawayan mga bahay dito ganun din samen lumipat wala pa ako mga kaibigan nun tapos hindi rin kami pinapalabas ng parents namin. After 1 year na pagtira may mga naging kaibigan na magulang ko at syempre ako meron din pero isa lang.

One time pumunta kami sa bahay ng kaibigan ni mama malaki yung bahay nila, malawak bakod at may mga puno at halaman, tapos may mga aso, dahil sa sobrang lawak ng bahay nila pwede kana maglaro ng basketball sa sala nila, wala pa halos mga gamit. Nakita ko nag uusap mama ko pati si ate nimia ung kaibigan nya pareho sila ng asawa nya mga teacher, at anim ang anak nila. Tanda ko noon umiiyak silang mag asawa "wala na siya" yun talga ung salitang naaalala ko. Ako naman dahil bata pako nagtataka ako anu ibig sabihin noon. And then mga ilang oras lang after nila magkwentuhan umuwi na kami ni mama. Habang naglalakad sa daan sinabi nya na "namatay ang anak nya, si bibiloy narape at tinapon sa damuhan ang bangkay". Ewan ko ah bata pa ako pero sinasabi na ng nanay ko un at dahil hindi naman ako sobrang inosente 6 years old nako at naiintindihan ko na and that time napayakap ako sa mama ko at natatakot kaya sinabi nya, "kaya ikaw wag ka na lalabas or sasama kung kani-kanino kung may magbibigay sayo ng pagkain wag mo tatanggapin" kaya mula noon hindi ako lumalabas, kami ng mga kapatid ko. Natakot kami lahat at balita yun sa boong lugar namen. After ilang araw kasama namin si papa bumisita sa bahay nila ate nimia para makiramay, takot ako lumapit kita ko yung kasing tangkad ko ba coffin. Tapos sabi ng papa ko "gusto mo makita?" Ako naman oo ako pero shems that time takot ako. Ayun binuhat ako ni papa nakita ko sya bata rin gaya ko pula na maroon ang kulay ng dress, maiksi ang bohok parang pang dora yung bangs gaya saken uso kasi noon ganun. Then ayun wala naman ngyaring creepy that time and medyo blur na sa memories ko anu pa ung mga next na ngyari.

After 4 years 2004 na grade 4 ako noon ng malaman ko na lilipat na pabicol sila ate nimia kumabaga dun na sila titira for good. Binenta nila yung bahay samen. Sa totoo lang maganda din naman sa kanila kasi may puno ng langka at manga so anytime pwede kami pumitas. Hindi pa kami tumitira dun agad dahil ipapagawa pa un kumbaga tambayan pa namin yun at palaruan. Medyo creepy pa din kasi itsura ng bahay. Tanging step brother ko lang natutulog dun ung matanda na nasa college. Then one time natulog ako dun kasi isa isa kami matutulog dun un ang style kasi tinuturuan kami ng kuya namen sa mga homework edi sasamahan namen sya, isa lang ilaw namen ni kuya tanging gasera lang, at may radio kami pra mawasak ang sobrang katahimikan. Ung aso nila ate nimia iniwan na nila kaya kami na nag alaga, habang natutulog ako noon naririnig ko ungol ng aso natakot ako, yakap ko si kuya dahil natatakot ako, sabi ko pa sa kanya hatid nya ko sa bahay dahil dun na lang ako nattakot ako. Ayaw nya matulog na lang daw ako bukas wala na yun.

Lumipas na ang isang taon ng matapos maayos ang bahay, malaki na pinagbago dahil yung dating tagpi tagping flywoods at bubong na puro kalawang ay napalitan na lahat ng bago. Malawak talaga yung pwesto tatlo pa naging kwarto, malawak pa din ang sala, malawak ang bakuran, buong paligid ng bahay may space kaya kahit magtakbuhan kami mula harap, at pagilid papuntang likod ay pwede. May duyan pa. Nagdecide sila mama na tuluyan na kami tumira doon dahil mas malaki at maganda pa gawa ng maraming puno at halaman.

Tanda ko noon 2005 uso takutan sa lugar namen, nauso ang kulto pero hindi ko muna ikkwento yun. Back to bibiloy, ilang beses din ako nilaro nun, one time nagpapatugtog ako ng radio nililipat ang station eh ako lang mag isa sa bahay, nagwawalis ako sa kusina nun. O kaya naman bubukas yung gripo sa cr sa sobrang takot ko kahit bumaha sa bahay hinahayaan ko na lang lalabas ako. Bahala na mapagalitan ni mama. Sobrang dami namen karanasan. Yung mga kapatid ko laging nawawalan ng mga laruan, minsan nag aaway na kami dahil akala namen kinuha ng isa yun pala nasa kasuluk sulukan ng bahay. Ewan ko bakit mapupunta dun eh may storage kami ng mga laruan at pinaka ayaw ni mama ngkakalat kami ng mga laruan kaya binabalik namin yun. Basta nagtuloy tuloy lang yun. Minsan may mga gamit na nawawala tpos after ilang days lilitaw ng di mo inaasahan maski kasambahay namen noon nagtataka san napupunta ung ganto ganyan.

Nasanay na din kami sa ganun minsan nagbibiruan kami magkalapatid ayan si bibiloy naglalaro dito sa bahay. Actually di na kami takot dahil nasanay na kami tsaka di naman sya ganun nakakatakot dahil pra saken bata sya ako lumaki na.

lumipas ang maraming taon nagkaroon ng reblocking dito samen nag iba na din itsura ng bahay namen, sabi may policy na parepareho na sukat ng bahay. Ayun naging parang townhouse parepareho sukat. Yung mga puno at halaman namen nawala 😞 dun nagsimula lahat.

Ilang taon pa lumipas, everytime na magt bisita samen ssbhn may bata sa hagdan, 3 floors kasi bahay namen. One time pa ung bf ng kapatid ko unang salta nya sa bahay nasa third floor sila sa terrace nang sinabi nya na ung bata katabi nya pero di nya pinapansin pero deep inside natatakot sya tinanong pa nya kung may mas bata pa sa bunso namen n mga 5 yrs old. Malaki na bunso namen that time.

May isang pangyayari pa na un. Bisita ng kuya ko ay napasabi pa na "ay bata wag ka dyan sa hagdan baka mahulog ka" wala pa kasi yung hawakan ng hagdan. Ayun sabi smen ng kuya namen nakita nya si bibiloy. Hindi na kami takot kasi nasanay na kami.

Lagi lang nakikita na tumatakbo sa 2nd floor naglalaro. Buti ako d ko nakikita.

Sorry medyo mahaba pero i hope pagtiyagaan nyo. One time uso kasi samen magnanakaw. Nsa kwarto si mama ramdam nya na may bumabato sa kanya madaling araw na kaya nagising sya tapos pagbaba nya may dalawang lalaki na nasa harap ng bahay. Nakita ni mama na bukas pala gate, ayun laking pasasalamat ni mama ke bibiloy dahil alam nya na sya naggising sa kanya that time dahil tulog pa kami non. Kaya aun sya na guardian angel namen.

Pinaka last encounter ko sa knya or paramdam nya ay graduation ko last year 2015 may handaan sa bahay sp gabi na ako nakauwi kasama ko kuya at mama ko pati gf ko. Ayun kain pagkatapos tulog na kami.

Lumipas ilang araw nagkkwntuhan kmi ng gf ko "alam mo babe may multo sa bahay" hahaha tawa tawa pako kasi akala nya nagbibiro ako hahaha. Tapos sabi nya oo nga eh ung bata ba?

Gulat ako! As in napanganga ako "nakita mo din"? Sabi ko "oo nung graduation mo, akala ko bata lang na kasama ng mga bisita nyo, tapos yun nakayuko sya naglalaro sa sahig" ako naman kinilabutan kasi tagal dn d sya nagpakita. D ko din nasabi sa knya sino yun as in wala sya idea. Pina describe ko "dress na parang luma, ewan d ko kasi masyado pinansin akala ko bisita tlga, then ayun pang dora ung buhok may bangs" sabi nya tho alam ko na ganun itsura nya kinilabutan pa dn ako hahaha pero syempre sabi ko na lang " oo babe tlgang minsan nagpapakita sya sa mga tao na bago salta sa bahay, pero mabait yun" dagdag ko pa " ung damit nya na un, soot nya nung makita ko sya sa kabaong bata pako noon" ayun hahaha ayaw nya bumalik sa bahay pero mga ilang buwan dn bumalik sya sabi nya ok n daw d na nagpapakita.

Until now ok naman never na nagparamdam. Mabait sya kasi binabantayan nya kami dto sa bahay. Isa n lang kinakatakutan ko yun ay ang mawala un love ko chos.

Salamat po sa mga nagbasa. Ayoko kc super nakakatakot baka maihi kau jan.

mtcal

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon