Hi ka-spookify! Silent reader po ako ng page na to at first time ko pong mag-share ng experience ko dito. Hindi sya gaanong nakakatakot unlike sa ibang stories na nababasa ko dito pero sana ma-post ito. Sorry kung medyo mahaba. Thank you in advance admins! 😄Nangyari to taong 2014, second year highschool kami. Tatlo kaming magkakaibigan: ako, si Em-em, at si Ar-ar (hindi nila tunay na pangalan). Maaga kaming dinismiss sa pang-umaga naming klase dahil nagkataon sa araw na iyon na merong National Achievement Test (NAT) ang higher year sa aming school kaya busy ang mga teachers. Edi tumambay lang muna kami saglit sa school kahit walang ginagawa. Maya maya, naisip ni Ar-ar na ituloy nalang yung plano namin na maligo sa dagat. Sumang-ayon naman kaming dalawa ni Em-em tutal maaga pa naman at ang pagkakaalam namin eh wala ng klase sa hapon. Plano pa namin yun noong last weekends, hindi lang natuloy. Lakas namin magyayaan, hindi naman marunong lumangoy 😂 So nagkayayaan na kaming tatlo sa bahay nila Em-em kasi malapit sa kanila yung liliguan naming dagat. At isa pa, sya lang yung may pinakamalapit na bahay sa aming tatlo. Mga 10 mins lang kung lalakarin mula sa school kaya lagi kaming tumatambay doon tuwing tanghali kasi dun din kami kumakain ng lunch or tuwing walang klase. Nakadating kami sa bahay nila, so syempre pinahiram nya muna kami ni Ar-ar ng damit pambahay kasi naka-uniform pa kami that time. At dahil biglaan nga, hindi kami nakabaon ng damit ultimo underwear pamalit 😂 Makulimlim yung panahon noong araw na yon kaya pagtapos namin maglunch, biglang umambon. Mahina lang naman, iilang patak lang. Dahil malakas ang trip namin, go pa din kami. Ready na ang baon naming snacks, so umalis na kami sa bahay nila. Sa likod lang naman ng bahay nila ang daan papunta sa dagat pero bago makadating ng dagat, may parang pilapil kaming dadaanan (yung maliit na daan tulad sa palayan) papunta sa ilog. May dalawang ilog pa kasi kaming tatawirin bago makadating mismo sa dagat. Nung malapit na kami sa pilapil, nakita kami ng isang matandang lalaki (around 40's). Nakaupo sya sa labas ng bahay nila tapos bigla kaming tinanong kung saan ang punta namin. Syempre ang sagot naman namin eh maliligo sa dagat. Parang nainis si Manong dahil na din siguro sa makulimlim ang panahon tapos maliligo pa kami doon. Basta ang sinabi nya eh "Bahala kayo dyan! Pag kayo nalunod, hindi na namin yan problema." (not the exact word but something like that) Nagulat kami kasi hindi naman namin sya kilala tsaka hindi din sya ka close ni Em-em kahit kapitbahay nya lang ito. Kaya sabi nalang ni Em-em na wag nalang daw pansinin. Edi kami dedma nalang, tapos tumuloy na. Natawid naman namin yung dalawang ilog ng maayos kasi hindi naman sya ganun kalalim, siguro mga hanggang bewang lang ang tubig. Tsaka isa pa, may mga tao din naman kaming nadadaanan na pauwi na dun sa barangay nila Em-em kaya kampante kami. Nakapag-pahinga pa kami sa pangalawang ilog tapos naligo na din tutal basa naman na kami dahil sa pagtawid. Ang saya namin nun at lalong sumaya nung nakarating na kami sa dagat. Grabe ang ganda ng view. Ang lawak tsaka ang linis ng paligid at walang katao tao, yung tipong kami lang talaga. Tumila na nun ang ambon pero makulimlim pa din. Mahigit isang oras din kaming tumambay at naligo dun. Out of nowhere, napunta kami sa usapang kamatayan. Ganun talaga siguro kami, kung anu-anong topic ang pinag uusapan. Mahilig kami sa ganun lalo na't ang topic ay about mysteries at kay God. Pero hindi namin inaasahan na muntik na kami sa bitay ng kamatayan. Dahil matagal na kaming nakatambay at may ibang tao na din ang naliligo dun, nangyaya na si Em-em na umuwi. Ako naman sabi ko last na babad nalang sa tubig. Edi punta naman kaming tatlo para magbanlaw. Kami ni Ar-ar pumunta dun sa medyo malalim, yung hanggang bewang lang naman. Dun na nangyari yung hindi namin inaasahan. Bigla nalang kasi kaming nadala ng tubig ni Ar-ar sa malalim. Hindi naman maalon that time, tamang wave lang ng tubig. Edi natakot na kami ni Ar-ar kasi halos umpos na kami ng tubig. Sa isip isip ko: "Paano kung malunod talaga kami?". Pinilit naming lumangoy pero hindi kami makaalis sa kinatatayuan namin. Tinawag namin si Em-em para tulungan kami, pero dahil maliit sya at medyo mataba eh hindi nya kami nahila. Pare-pareho na tuloy kaming nasa malalim. Eto namang si Ar-ar, dahil payat eh sumasampa na sa balikat ko kaya naman lalo akong lumulubog. Sigaw na kami ng sigaw ng "Saklolo!" pero hindi kami naririnig ng ibang naliligo kasi medyo malayo kami sa kanila. So ang ginawa ni Em-em, kinuha nya si Ar-ar sa tabi ko para makalangoy ako. Tsaka naman ako nagpumiglas sa pagkakahawak ni Ar-ar at tsaka naglalangoy palayo. Kahit hindi ako marunong pinilit ko pa din lumangoy, halos mag-freestyle na ako. Nakarating ako sa mababaw, sobrang pagod na pagod. Nakainom na din ako ng tubig alat pero hinayaan ko nalang. Paglingon ko kalila Em-em nakalutang na sila. Takot na takot ako nun kaya nagtatakbo ako at humingi ng tulong dun sa ibang naliligo. Nakita nila ako at agad silang tumulong. Isang lalaki lang ang sumagip kalila Em-em at Ar-ar. Pray lang ako ng pray sa isip ko kay Lord. Noong nadala na sa dalampasigan sila Em-em, wala na talaga silang malay. Gusto ko ng umiyak noon pero hindi ko magawa. Walang luha ang lumalabas sa mata ko, siguro dahil na din sa sobrang takot. Unang nirevive si Em-em, sunod si Ar-ar. Ginamitan sila ng CPR. Hindi agad nagising si Em-em, kahit anong pump ang gawin wala. Lumabas na ang tubig tsaka pira-pirasong kanin sa bibig nya pero wala pa din. Kaya si Ar-ar muna ang pinump. Para akong nabawasan ng tinik sa dibdib nung nagising si Ar-ar. Inalalayan ko sya sa pag-upo. Nakatulala pa sya nun. Iniwan ko muna sya para lapitan ulit si Em-em na kasalukuyang pinapump. Maya maya, nagising na din. Sobrang thankful ko nun kay Lord kasi imposibleng magising pa sila pero dahil sa tulong Niya, nagising sila. Nung umuwi ako sa bahay namin, tulala lang ako. Nagkaroon ng konting trauma. Walang may alam sa bahay kung anong nagyari sa amin, nalaman lang nila noong may pumuntang teacher sa bahay at sinabi sa kanila ang nangyari. Pagkatapos nung nangyari, nalaman din namin na meron daw talagang nangunguha sa dagat na iyon. Marami na palang nalunod dun. Napagtanto din namin na pare-pareho lang kaming may kasalanan. Si Ar-ar na syang nag-isip na ituloy ang plano, si Em-em na nagsabing balewalain lang yung sinabi ng matanda, at ako na nagpumilit na magbabad muna noong si Em-em ay nangyayaya nang umuwi. At isa pa, malakas ang power of tongue. Kaya mag-ingat sa bawat sasabihin dahil may possiblity na mangyari ito, tulad ng sinabi sa amin ng matanda na syang naging totoo nga. Sinabi din ng mama ni Em-em sa kanya na alam nyang mangyayari sa amin yun. Noong araw daw na iyon nasa Church ang mama nya sa kabilang bayan nang bigla nalang daw itong nagka-vision about sa pagkalunod namin (vision ang gift ng mama nya). Nag-fasting daw mama nya at todo-todong nag-pray. Active kasi sa Church ang mama nya kaya nasa Church that time. Kung hindi daw ginawa ng mama nya yun, siguro hindi kami makakaligtas. Mas malakas pa din talaga ang power ng prayer. Kaya kung nasa panganib, pray lang kay Lord.
P.S: Babae po kaming tatlo.
Mokusatsu
1999
![](https://img.wattpad.com/cover/91283270-288-k513082.jpg)