Good evening po! Share ko lang po creepy experience ko dito sa apartment namin here in Baguio. Lumipat kami dito nung July 30, 2015 dahil na rin sa pag-aaral. May isang taon na pero ngayon ko lang to naranasan. Hindi ako nakakakita pero nakakaramdam ako. Medyo creepy kasi yung place ng apartment namin tapos pag gabi, walang street light na katapat tapos mahamog pa minsan. So eto na nga before ko maexperience, naikwento sa akin ng kakilala ko nung nagsleep over sila dito sa apartment. May third eye sya at 2 gabi na daw nagparamdam sa kanya. Nung dito sya natulog sa may sala at naalimpungatan sya mga 2:30 AM daw, may nakita syang bata na tumakbo papuntang C.R. hindi nya alam kung lalake or babae dahil nakapatay na ang ilaw. Imposible dahil walang bata dito sa amin. Yung isa naman habang patulog daw sya, may naririnig syang yapak papunta sa kanya. Yung parang may nagmamarch. Hindi na nya pinansin siguro dala na rin ng takot pero sabi nya sanay naman na daw sya. Last night lang to nangyari. Nakaugalian ko nang magbasa dito before matulog tapos nakapatay pa ang ilaw. Inantok ako after ko magbasa mga 11 PM yun pero saktong paglapag ko ng phone sa kama, biglang nawala antok ko. Pinilit kong matulog pero hindi ko alam kung tulog ako o gising, kung nanaginip ako o iniisip ko lang yung mga creepy stuff sa utak ko. Feel ko may nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong oras na yun. Malamig ang panahon dito since maulan pero ang init ng nararamdaman ko kahit hindi ako nakakumot. May times na hindi rin ako makahinga ng maayos na parang may nakadagan sa akin. Kaya nagpray ako hanggang sa nakaramdam na ako ng antok. Natry ko na rin ma-sleep paralysis dito sa kwarto ko. Hindi lang ako pati kuya ko. May nakita daw syang bata na may hawak na lobong pula. Pray lang po talaga ang weapon. Sorry po kung medyo magulo pagkwento ko. First time ko kasi magshare dito.
Jairra
Baguio City
