This is my true experience.. by the way, I am a silent reader at baguhan... itatago niyo nalang ang name ko bilang si Lyca. Taga Iloilo City po ako... Eto ang na experience ko year 2008... weekend nun bumisita ako sa bahay ng bff ko. naabutan ko sila bff at tita niya na nagbabalot ng salted peanuts (naglalako kasi sila sa probinsya) at ang nanay ni bff nananahi ng mga damit ng mga nagpapatahi sa kanya. mananahi kasi si tita. so ako kahit bagong dating tumulong sa kanila dahil nahihiya ako na naabutan ko si bff na busy pala.habang nagbabalot kami ng mani, nag uusap kami ng bff ko at tumatawa pati tita niya with her 3 years old son nang biglang tumigil sa kakapanahi si tita sa sewing machine dumungaw sa bintana dahil ang matandang babae dumaan sa bahay ng bff ko. tinatawag ang nanay ng bff ko so lumabas muna ng gate si tita (ang nanay ni bff) then dumungaw sa pinto ang tita ng bff ko na may anak at biglang nagpanic at tinago ang anak niya sa kabilang room which is room ng bff ko binigyan niya ng salted nuts anak niya para huwag umiyak nagtaka ako noong time na yun tapos bigla ako sinabihan ng bff ko na tingnan ko daw ang lana (langis na may herbs, seeds at kung anu ano pang nasa loob ng bote) na andun daw sa likod ko. pag bumula at umuusok na puti. bigla ako nagulat at di makagalaw sa upuan meron din kami sa bahay nun e yung lana. Sabi ni lola ko before, pagbumula, umuusok at umapaw siya sa bote, ibig sabihin may aswang sa paligid. after mag usap ng nanay ng bff ko dun sa matandang babae, tapos lumabas din ng room ang tita ni bff at anak niya, inexplain sa akin na aswang daw ang matandang babae na yun. nanindig balahibo ko dahil mga 4:30 pm yun. so after nun, mag decide akong umuwi na at sinamahan ako ng bff ko palabas ng bahay nila sakay ng trike.(PS: alam ko ang iba di naniniwala sa aswang. Pero pag kayo naka experience niyan siguradong maninindig balahibo niyo or matakot kayo. the best solution is to pray at dapat magtapangtapangan pag naka enkwentro kayo ng aswang.)
Lyca
Iloilo City
