Wag kang Duwag

845 10 0
                                        


Hi po mga readers, gusto ko lang ishare yung mga kwento ko. Mga karanasan ko mula bata pa ko hanggang ngayon na may asawa't anak na ako. Tawagin nyo nalang akong ""twinkle"" sounds-like ng nickname ko yan.

Duwende 2000

Nangyare to umaga siguro mga 7am-8am na yun. Magkakatabi kami ng mga kapatid ko nun, ako palang gising kasi wala naman pasok. Mga 13 yrs old palang ata ako nun... Nakahiga pa din ako kahit gising nako namumuni-muni.. Nang mapatingin ako sa sinag ng araw sa ding-ding ng bahay namen,nakita ko may dalawang anino ng duwende naglalaro sila. Yung itsura ng anino para yung mga elf ni santa claus ganun. Maliit lng sila mga 3inch lng siguro di ko sure basta nakita ko yung isa nagtatumbling pa yung isa nagsasayaw. Inisip ko baka may naglalaro lang sa likod ng bahay namin na patambling tambling kaso ang aga naman ata.. Naiisip ko din baka namamalik mata lang ako baka joke este panaginip pala kaya kinurot ko muna muka ko tas sampal kaso masakit, kaya naisip ko totoo ngang duwende yun nakikita ko. Sinubukan kong gisingin kapatid ko pero nakatingin padin ako sa kanila baka kasi malingat lang ako wala na pala. Sabi ko sa kapatid ko ""Ric gising tingnan mo oh bilis"" !! . Kaso bago pa nya makita yung mga anino na tinuturo ko bigla silang nagstop sa ginagawa nila parang nagpose yung isa nakasabit yung paa tapos nakabaliktad yung isa naman umupo lang. Bago ko pa maturo sa kapatid ko ayun nawala na yung mga anino.

Pugot na Ulo- 2002

Ito naman nangyare madaling araw mga 5:30am na pero madilim padin.. Kelangan ko gisingin yung kapatid ko sa bahay ng lola ko dun kasi sya natulog. Mejo malayo ng konti bahay ng lola ko sa looban kasii sila nakatira kami sa labasan lang. Nung nagising ku na kapatid ko sabe maghihilamos lang daw sya sabi ko sumunod nalang sya so nauna na ko, pabalik na ko sa bahay mga 2 bahay nalang layo ko sa bahay namin ng may nakita kong masasalubong ko. Syempre madilim inaninag ko kung sinu kaso laking gulat ko nung makita kong pari na nakaitim tapos walang ulo!! Natakot talaga ko kaya nagisip ako kung didiretso ba ko sa bahay o babalik kila lola. Nilakasan ko loob ko hindi nya naman siguro ako maaabutan eh kaya takbo!!!!! Lakas ng katok ko nagalit pa nanay ko kasi ang ingay ko daw!!!

Mga Aswang-2006

Nangyare to buntis nanay ko madalas makarinig ng kalagpag sa bubong iniisip namin pusa lang na naglalandi.. Isang gabi may naiwang sinampay sa labas sabi ng tatay ko pinawin daw gagamitin nya daw yun bukas eh natatakot na nga kami ng mga kapatid ko para kasing may nagrarambol na mga pusa sa bubong   natatakot ako baka aswang un. Parang ang bigat kasi kumpara sa karaniwang pusa yung ingay sa bubong.. Since panganay ako at takot din mga lalaki kong kapatid ako ang inutusan ng tatay ko sabi ko ayoko baka may aswang sabi naman nya wag kang duwag! Walang aswang. Di sya naniniwala eh kaya pag labas ko kinuha ko yung sampay tapos nakita ko sa may bubong 3 malalakinv pusa sa tapos may 1 pusa  at 1 aso nakatayo sa labas lahat sila napatingin saken laking gulat ko kasi ang lalaki nila.sumigaw ako ng tay may aswang paglingon ko nawala na silang lahat.

Madami pa ko karanasan kaso antok na ko eh. Share ko lang

FlowerZombie
Q.C.

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon