Daang hari

1.2K 16 0
                                        


Sir/Maam salamat kung mapopost to 🙂

Let's begin. May nabasa ako na about sa lugar na daang hari sa may alabang dito sa page ngayong araw. Aaminin ko bawat daan ko jan ang bigat sa pakiramdam. Lalo na pag gabi or madaling araw byahe mo. Yung tipong parang walang kasiguraduhan kung makakabiyahe ka ng ligtas. Takaw raw talaga ng aksidente jan, di na ko magtataka kung maraming kababalaghan na nangyayari sa lugar na yan. Pag nadaan ako jan na nakasakay ako sa UV Express, syempre mas gusto ko sa tabi ng bintana para makapag sight seeing. Wala akong 3rd eye pero nararamdaman ko sila.

Basta pag lumampas ka na sa may Mcdo, dyan na yung mabigat na pakiramdam, yung parang may nakatingin sayo. Kasi puro malalaking damo na lang makikita mo. At para sa kaalaman nyo wala masyadong U.V Express ang nadaan jan pag mga madaling araw na, kasi ang mga driver ng van nakaexperience na yung mga sumasakay sa kanila minsan mga kaluluwa na naaksidente jan. Like magkakaibigan o yung mga narape at nasalvage sa daang hari. Kaya ang tip ko lang bago kayo dumaan jan pray muna for the safe trip. Yun lang 🙂

Blue

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon