Here is one of my unforgettable experience while teaching in LB around 2008.Na hire akong English Teacher sa isang English Language Center malapit sa UPLB. Korean ang mga studyante. Alam ko na madami na talagang kababalaghang bumabalot sa campus pero hindi ko iyon pinansin, kelangan ko ng trabaho wika ko sa sarili ko.
Isang tanghali, pagkatapos namin maglunch ng mga co-teachers ko, napagpasyahan nila na bumili ng candies (panghimagas ba). Ako naman dahil hilig ko pa magbrowse sa net, hindi na ako sumama.
Mayroon akong tropa, si Sheena (not her real name). Isa siyang lesbian, pero I respect her the way she is. Tandang tanda ko suot niya noong araw na iyon: Tshirt, maong na blue, at tsinelas na mukhang binili sa Liliw, Laguna.
8 kaming teachers dun, yung 7 sama-samang lumabas para nga bumili, kasama si Sheena. Ako eh nagpaiwan to browse the net.
So ito na yung experience that up until now nakakapagpatindig ng balahibo ko..
Bigla akong naihi, so I went to the toilet. Yung toilet door gawa sa plastic, then yung lower part may grills kung saan makikita mo yung binti at paa nang tao na malapit sa pinto or nag-aantay sayo.
Nung matatapos na ko kitang kita ko sa grills na nakatayo sa harap ng pinto si Sheena, given the description yung blue maong pants and yung tsinelas niya. (Take note sa 8 teachers, kasama ako, 2 lang lalake, ako at yung isa na lagi nakasapatos,, the rest are girls, naka doll shoes or naka sandals na pang girls, si Sheena, given na lesbian sya, naka sandals sya na pang boy)
Hindi ako nagtaka kasi sabi ko sa sarili ko baka nakabili na sila at nakabalik na. After kong umihi, binuksan ko ang pinto kasi naisip ko siya naman papasok, pero wala siya sa harap ng pinto. Ang mga studyante naman eh wala sa classroom at nagsipagbalik sa dorm nila. Literally ako lang ang nasa classroom that time.
Maya-maya nadinig kong nagsisipagbalikan na ang mga co-teachers ko, at nandun si Sheena!
Tinanong ko agad siya kung nagpunta ba siya sa harap ng banyo pero itinanggi niya iyon, sinabi niya na andun siya sa tindahan kasama yung mga co-teachers namin. Sinabi pa ng mga katrabaho namin na hindi umalis si Sheena sa tabi nila, mula nang makarating sila ng tindahan, at sabay - sabay silang bumalik ng classroom namin.
Doon na tumindig ang balahibo ko at binalutan ng takot, agad sinabi ng isa kong katrabaho, na doppelganger ang nakita ko, at buti na lang hindi pumasok ng pinto, baka may nangyari nang hindi maganda sa akin.
Mula noon hindi na ako nagpapaiwan mag-isa sa room, at awa ng Diyos hindi na nagpakitang muli ang doppelganger.
After a few years isa na kong public school teacher samantalang si Sheena naman ay hindi na nagturo at isa nang Call Center Agent.
-Kamaru_23
San Pablo City, Laguna
![](https://img.wattpad.com/cover/91283270-288-k513082.jpg)