Devil's Tongue

1.5K 23 1
                                        


Hi Spookify admins! Just want to share something with you and your followers.

Matagal tagal na din ako nagfafollow ng page niyo and one time nabasa ko itong post na sinasabi niya na "Lahat ng tinitingnan niya may nangyayaring masama." Well, mine is different. Dahil may mga masasama akong sinasabi na nagkakatotoo.

They say words are powerful. Kaya mag ingat kayo sa mga bibitawan niyong salita. This is where my story starts. I came from a family gifted with third eye. Yung lola ko sa mother's side is manggagamot. While yung lolo ng father ko ay may agimat daw at kaya din manggamot. Sana nakakatulong din yung gift ko katulad sa kanila kaso medyo may pagkasama. Eto kasi yung sakin, tuwing nakakaramdam ako ng galit at nakapagsabi ako ng masama, nagkakatotoo. Or sometimes kahit out of the blue statements lang nagkakatotoo. Kahit boyfriend ko at friends alam ito. Perhaps, yun ang reason na konti lang ang taong nasa paligid ko. Let me share some of it:

Nung college ako, may dalawa akong close friends na babae. May time na inaasar nila ako na iiwan nila ko, at dahil pikunin ako, sinabi ko dun sa isang friend ko na "Sana mabangga kayo ng six wheeler truck!" That night nang makauwi ako, she texted me, yung sinasakyan niya daw na tricycle nabangga ng six wheeler truck. Buti na nga lang daw hindi malakas yung bangga kaya naman ligtas siya at nagkaroon lang ng mga pasa.

Second situation, same friend. Nagpaalam siya sakin na uuwi daw siya ng probinsya. Sabi ko "Wag na, feeling ko may mangyayaring masama sayo eh." It was not a joke. Bigla lang lumabas sa bibig ko. Nung nasa probinsya nga siya yung bangkang sinasakyan nila, tumaob. Buti na lang lahat sila ng family niya marunong lumangoy kaya lahat nakaligtas.

Third situation, what happened to my dad. Hiwalay sila ng Mom ko. This happened last December 2014. Ayaw ko kasi sumama sa company outing nun, kaya nagpalusot ako na namatay yung daddy ko dahil sa cardiac arrest. Take note, di siya patay nito. Yes, I was bad. But ewan ko eh, yun ung lumabas sa bibig ko. March 2015, namatay nga yung daddy ko. And guess what? Namatay siya because of cardiac arrest.

So kayo, ingat ingat kayo sa mga salitang binibitawan niyo. Our minds and words can be deadly.

At sa mga hindi maniniwala, nagmamanman po ko sa comments if sakaling mapublish. Ingat ah. Joke!

(c) DevilWhisperer

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon