Nangyari to this year lang, actually like early June. Nadeploy ako sa isang branch ng company namin to train the newbies on floor (Di ko na lang babanggitin yung name ng company kasi in need kami ng employees ngayon haha). Basta yung building namin, somewhere in San Juan. Medyo old na yung building pero di naman obvious that time kasi under renovation. So first few weeks of adjustment ko sa new environment saka sa mga newly hired employees, wala naman masyadong nafifeel kasi maiingay yung naunang batch of trainees ko. May mga naririnig na ako sa kanilang creepy stories na kesyo may nagpaparamdam raw sa pantry, sa lobby saka sa elevator. Ako, bilang hindi naman naniniwala sa mga ganung creatures, kahit gabi na nagcCR ako mag isa, o di kaya nauwi rin mag isa.Tapos one night, hindi nagana yung isang elevator, so no choice kundi gamitin yung medyo bulok na elevator at walang CCTV sa loob. From 10th floor, bababa na ako sa ground para mag exit, tapos normal lang naman yung ride sa elevator pero huminto sya sa 2nd floor. Yung usap usapan ng mga trainees ko na kusang humihinto sa floor na yun yung elevator, bigla nagflashback sakin. Isa yung floor na yun na nirerenovate at basically, sobrang magulo yung floor na yun, makalat, at walang tao. Iniisip ko na lang na baka system glitch kaya bago pa magbukas yung elevator sa 2nd floor pinipindot ko na yung close kasi iniisip ko na madilim yun pag nagbukas.
At hindi nga ako nagkamali, pagbukas na pagbukas nya, parang may humampas na mainit na hangin sa mukha ko kaya napailag ako. Palihim akong sumilip sa floor pero sobrang dilim at yung ilaw lang talaga sa elevator yung liwanag. Tapos parang on cue, biglang may nalaglag mula sa ibabaw. Nagsisisigaw na ako kasi hindi ko makita kung ano yung nalaglag kasi madilim nga sa 2nd floor. Panay na rin yung pindot ko sa close pero di talaga sya nagsara. Nanghina na yung tuhod ko sa sobrang takot kaya napaupo na ako tapos ilang seconds after, nagsara na yung elevator tapos tumunog sya ""FULL."" Napamura na ako sa sarili ko, paano magiging full eh mag isa lang ako. At syempre pag full ang elevator magbubukas ulit sya. Naiyak na ako, di ko na malaman yung gagawain ko nun.
Kaya nung nagbukas sya di na ako dumilat tapos nakaupo nalang ako, tinago ko yung mukha ko. Tapos tapos tapos.. iba talaga feel ko na parang may nakatingin sakin tas hindi pa rin nagsasara yung elevator. Ewan ko pero katulad sa mga cliche na horror movies, sinilip ko kung anong meron. Babae.. Babae!!! Ewan ko basta alam ko babae sya. Di ko maipaliwanag yung feeling na parang dinudurog ka ng tingin nya. Di ko madescribe kung anong klase yung suot nya sa sobrang takot ko, pero ang hindi ko malilimutan eh yung itsura ng ulo nya. May mga mangilan ngilan syang buhok sa gilid at yung gitnang parte ng ulo nya eh panot na. Hindi na ako nakasigaw at nakagalaw nun at hanggang siguro sa nawalan nalang ako ng malay. Sabi sakin ng mga trainees ko na pagbukas nila ng elevator eh nandoon ako natutulog. Pagkatapos ng nakakatakot na pangyayari na yun, isang linggo muna akong di pumasok at dinala ako sa isang psychiatrist. Binalik na ako sa main branch pero after few months nilipat ulit ako sa San Juan kasi may mga bagong trainees doon. Nawala na rin sa isip ko yung naunang nangyari kaya pumayag ako.
2nd encounter ko naman eh sa pantry. Dahil sa katakawan ko, kahit di naman break eh pumunta akong pantry para kumain. Wala akong kasama kasi yung mga trainees ko, on floor. Nakaantay lang ako sa microwave kasi ininit ko yung pagkain ko. Tapos paglingon ko may nakaupo na sa uupuan ko. Pagagalitan ko sana kasi di pa naman breaktime pero, dahan dahan lumingon sya sakin at isang pamilyar na dagger look na naman ang bumungad sakin. Nanlamig na naman yung buong katawan ko pati yung pagkain ko eh di ko na naramdaman. Parang napako sa isang lugar yung paa ko. Di rin sya gumagalaw pero yung presence nya ang bigat sa pakiramdam. Gusto ko ng sumigaw nun pero ewan ko, pag nasa gantong sitwasyon ka na, di ka na makakapag isip ng maayos. Yung babae ulit na may panot sa ulo, this time may hawak sya. Di ko malaman kung ano. Parang lubid na nangingitim na, yung mukha nya parang may mga lupa tapos yung buhok nya parang unti unti lalong nababawasan. Nang kumilos na sya doon nalang ako nabalik sa diwa ko kaya tumakbo na ako palabas. Naiwan yung pagkain ko sa pantry. Di ko na binalikan. Nakasalubong ko yung guard nung pabalik ako kaya napasigaw ako tapos naiyak na rin. Bakit ba nangyayari sa akin to? Kinwento ko sa guard yung nangyari tapos sabi nya meron daw certain na tao na sinusundan yung spirit na yun.
""Bakit naman po palaging ako? Di ko naman sya matutulungan saka natatakot lang ako sa kanya.""
Ilang araw din ang lumipas, pilit ko nalang kinalimutan yung spirit na pinangalanan ko nalang na Marikit para lang matawa nalang din ako. Sabi rin ng guard parati lang ako magsuot ng something red, kaya lagi akong may scarf na red, o di kaya jacket na red. Tapos ayun wala naman na akong nafifeel.
At dumating yung araw na wala na akong masuot na anything red kasi halos nawala na rin sa isip ko yung nangyari. Mag isa ako sa station ko nagpupunas ng mga gamit gamit at alikabok, may sumisitsit sakin. Unang attempt inignore ko lang baka kasi trip lang. Second attempt sabi ko ""Gusto mo ata madagdagan ng workload?"" Tapos habang nagkakalikot ako sa PC ko, nahagip sa peripheral vision ko yung medyo dark thing sa wall ng station ko. Nilingon ko pero wala naman. Tapos.. PUSANGGALA!!!! May nakasilip dun sa walltop ng station ko at parang pinapanuod ako. Nalaglag ako sa inuupuan ko. At mas lalo pang nagpanindig ng balahibo ko eh nung ikinilos nya yung kamay nya at parang gagapang pababa ng wall. Nawalan nalang din ako ng malay nun at nag inform na ako sa boss ko na di na ako babalik ng San Juan branch ever.
Tapos unti unti na rin nagreresign yung mga employees dun. Maging yung mga offices eh nababawasan na rin. Sabi ko nga sana ipablessi nila yung building. Grabe hindi ko talaga malilimutan yun. Everytime na may madadaan ako sa madilim na part, kahit sa bahay pa, parang automatic na naninigas yung mga muscles ko sa binti at di na makakilos. Nagkaroon din ako ng psychiatric trauma at mala malang hallucinations dahil sa mga experiences ko.
si ate mong conyo
