meron akong pamangkin, sya ang unang apo sa family namin kaya nung time na yun walang ibang bata sa bahay kundi sya lang. nagsimula ito nung isang gabi nanonood kami ng kapatid ko ng tv. nanonood kami kasama namin yung anak nya, pamangkin ko. maya maya may napansin kami ng kapatid ko sa isang sulok. nakita namin nagsasalita yung pamangkin ko na parang meron syang kinakausap. sinasabi nya, ""makulit ka, ayaw ko na makipaglaro sayo."" so nagkatinginan kami ng sister ko, nandidilat mga mata namin dahil pareho kaming natakot. kinilabutan kami pareho pero since gabi na at horror ang pinapanood namin, inignore na lang namin yung nangyari. inisip na lang namin na ganun talaga siguro mga bata na ganung edad.
then sunod sunod na namin napapansin ang mga kakaibang kinikilos nya. minsan parang may kaharap sya na parang inaabutan nya ng laruan. minsan parang may kalaro sya ng habulan, minsan parang may kausap sya or kaaway. hanggang isang araw kinausap ko na sya tungkol dun. tinanong ko sya, ""sino ba yung kausap mo palagi?"" sumagot sya. ""si alex"". nagtanong ulit ako,""alex? e nasaan sya?"" kinilabutan ako sa sumunod nyang sinabi. sabi nya, ""patay na si alex e... tinulak sya sa bangbang. (yung kanal na malaki at malalim)"" naalala ko malapit din pala kami sa bangbang. di na ako nagtanong pa uli at baka kung ano pa sabihin nyang nakakatakot. pero palagi nya yun nasasabi pag kinukwento nya si alex. paulit ulit nya sinasabi na ""patay na yun si alex e, kawawa sya, tinulak sya sa bangbang."" so naisip namin na parang hindi nya yun gawa gawa kasi paulit ulit nya kinukwento with matching sad face.
isang gabi, kasama ko yung pamangkin ko na nanonood ng tv sa baba. dalawa lang kami nun tapos yung mga magulang nya nasa itaas na sa kwarto nila sa may second floor. sa edad nyang yun, sanay na sanay na sya umakyat mag isa ng mataas naming hagdan. sinabihan ko sya ""o umakyat ka na at matulog ka na. andun na mama at papa mo sa taas."" sumunod naman yung pamangkin ko, bitbit pa nga nya yung favorite stuffed toy nya.
maya maya nagulat na lang ako, biglang nagsisisigaw yung pamangkin ko sa taas. akala ko baka nahulog o nadapa. napatakbo ako para sundan sya sa taas. laking gulat ko nang makita ko sya, nakatingala sya, dilat na dilat ang mga mata, pawis na pawis, at iyak ng iyak habang nagsisisigaw ng napakalakas. basang basa na ng luha nya yung damit nya dahil iyak talaga sya ng iyak. tapos sinundan ko ng tingin kung saan sya nakatingala. yun pala nakatingin sya sa malaking picture namin sa may hagdan. tinignan ko yung picture pero wala talaga akong makitang kakaiba, malaking picture lang sya ng mga puno at falls na naka frame. pero dun talaga sya nakatingin habang nagsisisigaw sya at nag iiiyak. yung muka ng pamangkin ko dilat na dilat yung mga mata at nagsisisigaw talaga sa takot. takot na takot talaga yung muka nya. tuloy lumabas ng kwarto yung kapatid ko at niyakap sya. tinatanong namin kung ano nangyari, pero hindi sya makapagsalita, hindi talaga tumitigil ng iyak at sigaw kaya natakot na kaming dalawa. ipinasok na lang ng kapatid ko yung pamangkin sa room nila.
mula nang nangyari yun hindi na namin sya uli nakitang nagsasalita mag isa. hindi na namin sya uli nakita na parang meron syang kalaro. kapag tinatanong na namin kung nasaan na si alex, ang palagi na lang nya sinasabi, ""wala na sya...""stargazer
cavite
