Retreat House
Grade school days ito, mga 2009 or 2010 yun. Overnight retreat namin.
Dun na tayo agad sa matutulog na kami, Edi lights out na. Nag door-to-door na yung madre at teachers na kasama namin. tatlo kami bawat rooms. Di ko ka close masyado room mates ko non kaya natulog na lang kami agad. Pero di ako makatulog kasi sobrang lamig non. Sa Tagaytay ito nangyari btw. Yung kwarto namin nasa 3rd floor. Parang tanga lang, kasi isa lang unan namin, tas ga-twalya pa yung kumot. Sa pader lang ako nakatingin non, nang may marinig akong parang kumakatok sa bintana, Tig- dalawang katok. Sa tantya ko non, galing sa dulo ng building yung katok, Tapos parang papalapit sa kwarto namin. Syempre ga-twalya nga yung kumot ko, so hindi ko alam kung pano ko magtatalukbong sa takot. Ayan na malapit na sa kwarto namin, papalapit talaga e, tas biglang hala, yung katok dun sa bintana namin dumami. Hindi ko muna tinignan, nung makalampas na sa bintana namin, saka ako dumungaw, pero di ko binuksan yung bintana, pero may nakatok pa din. Wala ako nakita, kahit anino o whatever.
Kinabukasan kinwento ko sa mga kaibigan ko, di daw nila yun narinig. Sa madaling salita, ako lang yung nakarinig. Sad.
Bulong
Eto naman nangyari sa bahay namin. Mag isa lang ako non, madalas naman ako di makatulog agad sa gabi, maingay kapitbahay namin e. Pero wierd lang non kasi parang ang sobrang tahimik ng paligid. So ayun na nga, nakaharap na naman ako sa pader, nang may marinig akong tawa, halakhak ganon. Nakakairita kasi parang nasa labas lang ng kwarto ko. Di ako lumilingon, minumura ko lang sya sa isip ko. Maya-maya. wala na yung tumatawa. Pagtapos non, may naririnig naman ako bumulong 'HOY' daw. Hala di na to kapitbahay sabi ko. Narinig ko na sya, sa tapat ng tenga ko, kaliwang tenga. Dun sya nabulong 'HOOOOOOOY'. Di ko nililingon, Hindi ako katulad nung iba na parang di makagalaw, tingin ko kung lilingunin ko yun tatambad sya sa mukha e. Minumura ko na lang sya sa isip ko. Tas yun, nawala naman. Saka na ko nakatulog.
Yugyog
Sa bahay din to nangyari. Nanonood ako sa youtube ng mga about sa exorcism. Nung medyo madami na ko napanood parang naramdaman ko na nahilo ako. Nakaupo ako sa sofa non e. Tapos, maya-maya, parang niyuyugyog na yung sofa na kinauupan ko. Sobrang lakas. Sa takot ko tumayo ako, pinipilit ko ma steady pagtayo ko, kasi natutumba tumba ako, sa hilo ko ata. Napalingon ako sa drum ng tubig sa may banyo namin, parang umuuga din. Dun ko lang na realize, na lumilindol pala.
Ok I'm out. peace.
Kulisap
Quezon City
