ang kadoble ni mama

595 8 0
                                        


This year lang nangyari to, naupa kami dito sa apartment sa Taguig, 1st Sunday ng August, mga 11pm na di pa rin ako natutulog, nagffb parin, mga kapatid ko lang sa bahay kasama ko kasi nasa ibang bansa si mama, kumbaga ako yung nagbabantay sakanila kasi ako yung matanda. 12am na ng mapagpasyahan kong matulog, maya maya naalimpungatan ako, pagtingin ko nakaupo si mama sa sofa, medyo nagulat lang ako, nasanay kasi kami sa pasurprise na uwi lagi ni mama for every 4months kc sa hongkong lang naman sya nagwowork. May susi din kasi sya dto sa bhay para surprise talaga pag umuwi sya. Kaya tinanung ko, 'oh ma, kagulat ka naman, parang sa probinsya ka lang galing ah, pauwi uwi nalang, may chocolate? hehe', tapos tumingin lang sya sakin at pumunta sa cr, sa isip ko baka pagod pa sa byahe pero nagtaka ko kasi wala naman akong nakitang dala nya. Hinayaan ko nalang at nagfb ako ulit, may nagmessage sakin sa messenger, pagtingin ko si mama yung ngmessage, tinatanong nya ko bat gising pa ko, kakarating lang daw nya sa work kasi graveyard shift sya. Kinabahan na ko, tumingin ako sa cr ,nakasara lang ang pinto pero bukas ang ilaw, para makasigurado, vinideo call ko si mama, at yun nga, nasa work nga sya, meaning nasa ibang bansa talaga sya. Habang kausap ko si mama sa cp, Napasigaw ako nung biglang bumukas yung gripo sa cr, tinanung nya ko bakit, sabi ko andun sya sa cr, umuwi sya, sino yung nandun?! halatang natakot din si mama, sabi nya magpray ako, at ginawa ko nga, sa takot ko ginising ko mga kapatid ko para samahan akong tignan sino nandun sa cr, di ko nalang muna sinabi sa kanila kasi baka magtakbuhan kami palabas, yung kapatid ko pinagbukas ko pero nung binuksan n nya, wala namang tao pero bukas ang ilaw at nkapatay ang gripo. Pagkatapos nun natulog na kame pero hindi ko na pinatay yung ilaw, at kinabukasan kinwento ko sa mga kapatid ko at natakot din sila, simula nun maaga na ko lagi natutulog. At sabi ko kay mama pag uuwi sya magsabi sya kasi nakakatrauma talaga.

ane of taguig

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon