KULAM

1.2K 21 0
                                    


Ang mga babanggitin kong pangalan sa kwento ay mga screen name lamang po.

Nangyare eto this 2016 lang. Ako ay maagang nagkaroon ng asawa at anak. Kami talaga ng asawa't anak ko ay nakatira sa bahay ng asawa ko (Hindi ko na po babanggitin yung lugar para po sa siguridad ko haha sorry po) pero noong May 2016 kami ay umuwi naman sa amin (Magkaiba kasi kami ng city pero medyo malapit lang naman. Siguro mga 1-2 hours na byahe ganon) para pabinyagan ang anak ko.

Fast forward....

Kailan lang ay umuwi kami ulit sa bahay ng pamilya ng asawa ko. Dalawang pamilya kasi ang nakatira sa bahay nila. Isa yung pamilya nila at yung isa naman yung pamilya ng kapatid ng nanay nya. At meron pa pala, yung dalawang tita ng asawa ko na walang pamilya (Kapatid din ng nanay nya). Pero nung umuwi kami sa kanila ang nadatnan namin ay yung tita nya (Pangalawa sa bunso na kapatid ng nanay nya na teacher, may pamilya sya at hindi sa bahay na yun nakatira) na nag iba dahil hindi maintindihan kung ano ang sakit nya. Maganda ang tita ng asawa ko. Maputi, mahaba ang buhok, katamtaman ang katawan, matalino at mabait pa. Pinatingin sya sa doctor, kung ano anong test ang ginawa pero okay naman lahat. Walang mali. Ang nakapagtataka kasi sobrang nag iba ang itsura nya. Ang payat ng mukha nya pero yung tyan nya sobrang bloated na parang puputok sa laki. Yung legs nya hanggang paa sobrang laki na at hindi na sya makapaglakad o makatayo ng matagal.

Isang gabi inaya ako nung isang tita ng asawa ko, tawagin na lang natin syang si tita gina. Inaya ako ni tita gina na magrosary daw para sa isang pang tita ng asawa ko (yung may sakit), tawagin natin syang si tita mary. Nasa taas kami noon kasama mga kapatid at magulang ng asawa ko nung tinawag na ko ni tita gina. Pero hindi ako nakababa agad dahil pinapadede ko pa anak ko, hindi ko maiwan (buhay breastfeeding haha). Ayun na nga tas bumaba na ako, nasa bandang gitna na sila ng pagdadasal. Pagbaba ko ang tao lang ay si tita gina, tita mary, tito jhong (asawa ni tita mary) at yung manggagamot (Hindi ko masabing albularyo kasi di ko alam kung ganon sya talaga). Tas ayun na nga umupo ako sa tabi ni tita gina tas katabi nya si tita mary na sobrang hinang hina na parang lantang gulay tas katabi naman nya yung manggagamot. Si tito jhong naman nakaupo sa maliit na bangko sa tapat ni tita mary at hinihilot yung mga binti nya. Nagdadasal na nga kami nun tas nakita ko habang hinihilot ni tito jhong si tita mary ay may kinukuha sya na hindi ko alam na lumalabas sa binti ni tita mary. Tinitignan ni tito jhong maigi kung ano yun at pinakita nya sa manggagamot. Sabi nung manggagamot "Oo, buhangin yan". Di ko alam iisipin ko nung time na yun kasi hindi talaga ko naniniwala sa kulam kulam eh. Tinitigan ko kung ano nga yung lumalabas. Shockssss! Buhangin nga mga friend! Edi nawindang ako sobra. Pero hindi ako natakot kasi hindi ako matatakutin. So ayun, tapos na kami magdasal, umakyat na ulit ako kaya ang naiwan na lang ay si tita gina, tita mary, tito jhong at yung manggagamot. Maya maya siguro mga isang oras nakalipas dumating yung anak ng babae ni tita mary, si janine. Pati yung ate ng asawa ko.

*Kwento to ng ate ng asawa ko*

Katabi nya si tita mary nang bigla syang sumigaw ng malakas tas bigla syang umupo ng deretso. Nagulat kami lahat kasi hindi nga sya nakakaupo ng maayos dahil sa kalagayan nya. Kaya nagulat yung ate ng asawa ko bigla syang tumakbo sa taas. Nagulat kami lahat kasi narinig din naman yung sigaw nya. Alam mong hindi sya kasi sobrang lakas at ang tinis ng boses, hindi naman ganon ang boses nya. Ayun na nga, nung lahat kami nasa taas, na ang tao na lang sa baba nun si tita gina, tita mary, tito jhong, janine,  jerome (Yung isang anak nila tita mary na lalaki) at yung manggagamot. Dahil nga narinig namin yung sigaw ni tita mary sumilip sa hagdan yung asawa ko kasama nung dalawa nyang kapatid na lalaki. Sisilip din sana ako dahil gusto ko nga makakita ng ganon dahil nga diba hindi talaga ko naniniwala sa kulam. Pero hindi ako pinayagan ng asawa ko kaya umaasa ako sa naririnig ko.

Naririnig ko na kinakausap sya ng albularyo kung sino sya. Ang sabi ng asawa ko sabi daw ng albularyo tatlo ang nangkukulam sa tita nya. Isang babae tas yung isa mag asawa daw. Pero nung kinausap ng albularyo yung tatlo, nakausap nya ng maayos yung isang babae at agad etong umalis kaya ang natira na lang ay yung mag asawa. Natahimik si tita mary bigla. Lahat ng tanong sa kanya ang sagot nya lang lagi "ewan" "di ko alam". Alam mong hindi sya yun dahil iba ang boses. Kinakausap pa din ng manggagamot si tita mary hanggang sa yung babae na lang ang natira. Sobrang nagagalit na si tito jhong dahil sobrang hirap na hirap na si tita mary sa sitwasyon nya. Kaya ang ginawa ni tito jhong kumuha ng bala ng baril, inipit sa pagitan ng daliri sa paa ni tita mary. Nagulat kami bigla syang sumigaw ng malakas at matinis at halos tumayo sa kinauupuan "Walang hiya ka jhong! Letse ka!!!" Sabi naman ni tito jhong "Takot ka pala sa bala eh!" Pasigaw nya din na sinabi. Sabay sabi pa nya "Ano bang ginawa namin sayo? Bat mo ginagawa yan sa asawa ko?!?!" Pero hindi sya sumasagot. At nanahimik ulit si tita mary. Kinausap ulit sya ng maayos ng manggagamot.

Doon namin nalaman ang lahat lahat. Yung babae na natira na kumukulam kay tita mary ay isa dun sa mag asawa. Sya ay isang kabet lamang. Nakatira sya sa antique kaya daw sya marunong mangkulam dahil sa magulang nya. Kaya din daw nya ginawa yun dahil nayayabangan sya kay tito jhong. Kaya si tita mary ang kinulam nya dahil para ito daw ang hindi makapaghanap buhay sa kanila (Dahil si tita mary ay teacher at si tito jhong nagttricycle paminsan minsan) para daw mawala na ang yabang ni tito jhong. Habang kinakausap sya ng manggagamot ay vinivideo yun ni janine. Pero patago yun at kahit pa hindi nakatago hindi nya pa din kita yun dahil nakapikit sya habang kinakausap sya. Kaya nagulat kami nang biglang sumigaw si tita mary "Janine umalis ka dyan! Wag mo kong kunan, umalis ka dyan!" kaya tumakbo sa amin paakyat si janine at takot na takot.

Kwento ng asawa ko after daw kausapin si tita mary ay lumabas na daw sa katawan nya si jenny (yung nangkulam sa kanya) tas tinalian na daw ng manggagamot yung dalawang paa ni tita mary para daw hindi na makapasok sa kanya. Pero biglang nagsalita ni tita mary habang nanghihina sya at parang paiyak na "pinipilit nyang pumasok". Hanggang sa nakapasok ulit si jenny sa katawan nya. Kaya nainis na yung manggagamot, kinuha nya yung hugis baril na gawa sa kahoy na makapal parang sa stem ng puno gawa ganon. Tas pilit nya ng pinapaalis. Tinanong si jenny kung ano ginawa nya kay tita mary. Sabi nya binaon nya daw sa dagat. Kaya sabi ng manggagamot kaya pala daw may buhangin at tubig na lumalabas sa binti ni tita mary dahil sa dagat sya binaon. Kinausap ulit nila ng maayos si jenny. Nakipag usap ng maayos si tito jhong at humingi ng patawad sa kung ano ang nagawa nya at humingi din naman ng patawad si jenny. Sabi pa nga daw di nya alam kung anong gagawin nya para mapatawad sya. Sinabi na lang nila na itigil na pagpapahirap kay tita mary okay na daw yun. Kaya ayun nakausap naman sya ng maayos at itinigil nya na nga.

Hanggang sa dinala ulit nila sa hospital si tita mary at may nakitang tubig na madame sa baga or sa tyan ata, sorry not sure ako. Pinainom lang sya ng gamot na pangpaihi daw para malabas lahat ng tubig at unti unti na din lumiit ang tyan nya at binti. Ngayon nakalabas na sya ng hospital. Mahigit isang buwan na din syang okay. Bumalik na din sa dati yung mukha at katawan nya.

P.S. Ang ginamit daw na pangkulam sa kanya ay yung jacket ni tita mary na sinungkit nila sa sampayan. Kasi dating nakatira si jenny sa tapat ng bahay nila. Kaya daw pala nawawala yung jacket ni tita mary matagal na dahil pala nakuha na.

RASE

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon