Hospital

666 7 1
                                        


Siguro alam niyo na. Sa title palang kung tungkol saan ang istorya ko. I am an avid reader here and a writer. (Sorry kung taglish) Hindi ako popular or famous writer. Wala lang. Hobby ko lang ang magsulat ng mga stories. Kadalasan, horror ang trip ko. I like horrors alot. It gives me thrills and chills. Actually im planning to write a story on wattpad. Kakagawa ko lang ng account ko basta update na lang don. Back to the story tayo. Oo gusto ko ang mga horror pero ayokong sakin mismo mangyayari to. Sino ba naman ang hindi matatakot diba? Kung ikaw na mismo makakaranas. Sa dami ng true to life stories na nababasa ko, siguro half percent na kong naniniwala sa mga "Ghosts" or "spirits" ika nga nila. So isheshare ko lang tong not so scary experience pero i just want to share it. Itago niyo na lang ako sa pangalang Mikael. 16 years old palang. I have this kind of disease called "Scoliosis". Or sakit sa lower back ng katawan. May crack sa lower bone ko, na kung saan kapag tuluyang bumigay. Ayun deads ako. At ito ang dahilan kung bat ako naconfine sa ospital. Hindi naman ako sakitin, masigla, makulit at palabiro ganyan ang tingin sa akin. So eto nga, ako din yung tipo ng tao na to see is to believe diba? Pero lahat ng yon nagbago when i met this guy named Marco, not his real name. Kase ganito yon. December 18, 2016. Nung natrigger ulit ang scolio ko. As in sobrang sakit na ewan kaya dinala ako sa ospital. Hindi ko na babanggitin for obvious reasons. Nagstay ako dito for 1 day para mafinalize yung result at yung xray ko. Then i met this guy. He is only 14 years old. Actually siya lang ang kasama ko sa room. Binibisita siya ng nanay niya pero minsan lang. Naging close kame nung nagstay ako. Naging close rin ang mga nanay namen. Nagkwentuhan kame, tinanong ko kung bat siya na confine. Sabi niya Dengue daw. Halos tumagal din ang paguusap namen kaya naging close talaga kame. Maggabi na nung dumating yung mama niya. Si mama naman bumili ng pagkain that time. Then he asked me this weird question, "Naniniwala ka ba sa multo?" sabi niya. "Anak. Ano na naman yan. Wag mo nga siya tanungin ng ganyan." Sabat ng mama niya na nakangiti. Then I smiled. "Hindi. Pero i like horror alot." Sabi ko. (Fast Forward) I think its 9pm nung tinuturukan na ko ng gamot. Allergic kase ako sa oral medications. Kaya injection ang katapat ko. At yun, pagtapos nun natulog na kame. And dito na nag start ang mga weird experiences ko sa ospital na to. I mean who wants to stay on hospitals? It is very creepy and scary. so eto nga. Nagising ako around 2:50am ata yun kase may orasan naman sa room. Nag cr muna ako. Pagtapos nun, matutulog na sana ako ng nagising din si Marco. Pawis na pawis, ginising ko mama niya non at nagising din mama ko. Wala siyang ibang sinabi kundi okay lang daw siya. Pero kitang kita ko sa mga mata niya ang takot pero di ko na lang yun pinansin at natulog ulet. Kinabukasan nakuha ko na yung result ko at nagpaalam na kay Marco. Kase nagstay lang talaga ako dun for the result. At para mabantayan ako ng doctor. Pwede naman yun. Akala ko okay na ko, pero neto lang December 21, 2016. Naconfine ulet ako. Nahimatay. Nagising akong namumutla, nanghihina. At nahihilo. Chineck ako ng doctor at sinabing may Fatigue ako at kailangan magstay ulet for another xray and result. Akala ko din makakamove on na ko dun sa nangyari. Pero hindi pa pala. Around 3am sabay kaming nagising ni Marco (finast forward ko na) I mean exactly 3am at sabay talaga kame as in pagkadilat ko. Nakaupo na din siya. Pero ang kaibahan, pawis na pawis na naman siya. Naka 16 degrees ang aircondition sa kwarto. Imposibleng pagpawisan siya ng ganun ganun lang. Wala parehas ang mama namin nun kase may work ang mama niya at si mama ko naman ay nasa bahay para bantayan yunh pamangkin ko. Di na ko nagdalawang isip na magtanong, "Ano meron? Napano ka? Bat pawis na pawis ka?" Paulit ulit na tinanong ko. At nakakapagtaka ang sagot niya. "Past. Nandito pa rin siya." Sabi niya. Maya maya ay nanlaki ang mga mata niya at tinuro yung sulok sa may dulong bakanteng bed. At nasaksihan namin. Nakita ko mismo. Isang batang babae ang nakaupo, umiiyak. Naririnig namin ang iyak niya. Nakakaawa na nakakatakot. Kase first time namen maka encounter neto. Pero meron pang isang pinagtataka ko, anong kinalaman nung bata sa nangyayari kay Marco? Sa sobrang takot namin ay napatalukbong kame parehas. Nagdasal. Pagkaraan ng ilang segundo, nawala na yung iyak at nawala na rin yung babae. I asked him. Ang sabi niya, yung bata daw nagpapakita sa panaginip niya. Umiiyak din. Parang humihingi ng tulong, yun ang pagkakakwento niya. Sakto namang pumasok ang isang doctor para bigyan kame ng gamot at nagtaka siya parang nakakita daw kame ng multo. I mean nakakita talaga kame doc duh. Habang binibigyan siya ng gamot, nagtanong na ko. "Doc? May namatay ba dito sa room na to? Batang babae?" Tanong ko. Napatingin saken yung doctor at nagiba ang expression ng mukha. Naging seryoso. "Oo. Si bea. Isa sa pinaka masayahin at pinaka makulit na pasyente ko." Sabi niya. Napaiyak si doc. Nagtaka kame kung bakit. "Kase doc nakita namin siya kanina. Umiiyak, nagpapakita din siya kay Marco sa panaginip niya. Umiiiyak din." Sabi ko. "Yun na nga. Madalas ko din siyang nakikita dito, at hindi ako natatakot. Naaawa nga ako sa batang yun." Sabi niya. Tinanong namin kung ano yung sakit at yung dahilan ng pagkamatay nung bata. Umiiyak pa din si doc. "Si bea ay may cancer stage 5. Ginawa na namin ang lahat. Pero wala talaga. Ang tapang niyang bata, masayahin, makulit, masigla kahit may sakit na. At sinabi niya samen na tanggap niya na na mamamatay na siya. Nakakagulat para sa isang bata ang magsabi ng ganun. Pero galit ako sa magulang niya." Mas lalong naging seryoso ang doctor. "Bakit doc?" Tanong ko. "Dahil wala sila! Wala man lang nagbantay, at nagalaga kay Bea. Para ngang tinakwil sya eh! Halos kameng mga doctor at ibang nurse ang nagaambagan sa gamot at pagkain niya. Buti may bag siya dito na may lamang damit. Kame nagpapakain, nagpapaligo! At saka lang dumating magulang niya nung wala na siya." Humagulgol si doc. Pati kame naiyak na rin. Grabe pala ang nangyari sa bata. Mga walang modo yung magulang. Nakakainis! "Di ko makakalimutan yung sinabi niya saming mga doctor nung oras bago siya mawala. "Pakisabi kina mommy at daddy mahal na mahal ko sila. Di po ako galit sa kanila, naiintindihan ko naman po kung bakit ayaw nila ko bisitahin kasi mamamatay na po ako. Hahaha. I love you doc. Salamat po sa lahat." Yun ang sabi ni bea sa akin. Nakatatak pa din sa isip ko." Sabi niya. Pinunasan niya ang mata niya at tinapos ang pagbibigay ng gamot. Tinanong namin kung gano katagal na yung kay bea. "It happened 5months ago pero parang kahapon lang sa sakit ng nangyari." Sabi niya. "Dont worry doc. Bukas po ako bahala." Sabi ni marco. Kinabukasan, sinabi namin sa mama namin ang nangyari. Tumawag ang mama ni marco sa isang pari para ipagdasak ang kwarto at ang bata. Naging masaya si doc, matapos nun. Habang nasa labas ang mga nanay namin para kunin yung result at bayaran ang fee. Sabay na kase kameng lalabas nun, pumasok si doc at nagpasalamat. Niyakap kame ni doc. At nagsimula na kaming magligpit. Maya maya. May tinuro si Marco, at imbis na matakot kame, natuwa kame sa nakita naming tatlo. Si Bea. Nakatayo sa may dulong bed. Kung saan siya nakapuwesto. Nakangiti siya samin at kumakaway. Kumaway din kame. At umuwi na. Di ko makakalimutan ang experience kong yun. Hindi siya creepy but inspiring. Kaya sa mga magulang jan. Alagaan niyo ang mga anak niyo. Sorry kung napahaba. Di ko makakalimutan tong experience kong to. Haggang dito na lang.

Dr. Clown
Laloma Qc

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon