Japan Surplus"

1.2K 13 1
                                        


Nagsimula yung lahat nung may manghihilot na dumating sa bahay namin and parang ang sama nung tingin niya sa malaking cabinet na nasa sala namin. Hanggang sa sinabi niya "Kanino galing yan?" Tanong niya sa lola ko. "Sa anak kong panganay." Hanggang sa nagsalita siya sa ibang language pero nung trinanslate eh sabi daw niya "May tao yan eh". Lahat kami kinabahan na ewan, ako naman nasa isip ko "Totoo kaya? Eh lagi kong background yan pag nagse-selfie ako"

Then sumunod na araw tinanong ng lola ko yung tita ko kung saan binili yun. And sagot ng tita ko is SA JAPAN SURPLUS. Dumating na sa punto na pinag uusapan nila na ibenta or ipamigay na. "Wag sayang naman" sabi ng lola ko at dun nagstart magkwento si mama. "Di ko lang sinasabi sa inyo na kaninang madaling araw binuksan iyan ni torie (Kapatid ko, di niya tunay na pangalan) tapos sinara niya agad tsaka umiyak."

Last night naman may nakita akong sako malapit sa cabinet and nacurious ako kayo sinubukan kong silipin yung laman. And nagulat nalang ako ng may bumulong na "Wag". Ang hangin nung time na yun and sobrang tumaas balahibo ko kasi that time ako nalang ang gising.

Kaya naman tuwing gabi di ko maiwasan tumitig sa cabinet na yun. Sorry kung magulo pero sana naintindihan niyo.

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon