Sino dito yung tipong mabilis mainis kapag nabangga ka ng isang tao sa kalsada at sa inis mo, mapapamura ka? O kaya sino dito yung nakasanayan na lang na lumabas ang mga mura sa bibig?Kwento ito ng tita ko. Yung Tita kong yun, sobrang malambing, maganda at mabait. Pero sa kabila ng magaganda nyang ugali, ay super madali syang mainis. Maikli ang pasensya nya na tipong kaunting badtrip, magmumura. Galing sya sa probinsya at kinuha sya ni Mama na magtrabaho dito sa maynila bilang isang waitress sa isang Motel na may restaurant. Sa restaurant sya naassign.
Isang araw, habang nakaduty yung tita ko sa trabaho nya. Inutusan sya ng amo nya na loadan yung cellphone na ginagamit ng company nila. So lumabas sya para magpaload. Paglabas nya ng restaurant. Meron daw syang nabanggang babaeng mataba na maputi na nakatayo sa gilid ng restaurant. Sa inis nya, napamura sya kasi ang nabangga sa kanya is yung dibdib nya. Talagang napasama tingin nya dun sa babae at yung babae parang nangaasar daw na ngumiti. Nung pabalik na sya galing sa tindahan. Since tanghali nun, Wala pang masyadong costumer kaya umupo muna sya, maya maya napatingin sa kanya yung kasama nya kasi parang namutla daw tita ko. At dun daw hindi na sya makatayo. Kinausap sya ng kasama nya at tinanong kung ano daw nangyari. Sabi ng tita ko. Hindi daw sya makahinga na parang sinasakal daw sya. Ang bigat bigat daw leeg at likod nya. Nang biglang may dumaang matanda na nakita ang Tita ko. Agad daw pumasok yung matanda at sinabing ipasok daw tita ko sa loob mismo. Kasi open yung restaurant. Kita sa labas. Sabi ng matanda. May nakapasan daw sa tita ko na babaeng mataba na kitang kita daw na galit na galit sa tita ko.
Nung time na medyo kalma pa daw tita ko, nakausap daw sya nung kasama nya. Sabi ang huli lang daw nangyari sa kanya ay nabangga nya yung matabang babae na maputi sa labas. Tinuro pa ng tita ko pero wala naman daw tao dun maliban sa guard. After 1hr, nasa loob na tita ko nang bigla syang bumagsak. at tumirik mata. Sinapian sya. Takenote 4 na tao sumapi sa kanya. 2 lalake, isang bata at isang babae. Galing akong school nun at dumeretcho sa mama ko kaya nakita ko lahat ng pangyayari. Yung tita ko, naglalaway sya at nanlilisik talaga yung mata. 8 lalake na may hawak sa kanya. Pero naibabato nya. Akala ko sa movie lang ako makakakita ng ganun, pero sa maniwala kayo at hindi. Grabeng sapi yung nangyari. Nagiiba iba yung boses nya. Lalakeng malaki boses, babaeng galit, batang tawa ng tawa at lalakeng mahinahon pero hindi mo maintindihan sinasabi. Si Mama, matapang yun. Nagpatawag ng albularyo at may pinapainom sa Tita ko. Si Mama ang nagpainom sa kanya, minumura ni mama. Pero habang minumura nya lalong nagiging palaban yung Tita ko. this time, nandudura na tita ko ng black at green. Sobrang kadiri na at nakakatakot. Ako naman, pinakuha ng palito ng posporo at asin. Isaboy daw yung asin tapos yung mga palito ng posporo nilagay sa mga gilid ng daliri nya sa paa at kamay. Nung time na nagiba na naman boses ng tita ko. Lumapit yung albularyo na babae tapos parang binend nya yung paa ng tita ko. Nakausap nya yung isang lalakeng sumapi at rinig na rinig namin ang sinabi nya.
Albularyo: Sino ka at nasaan sya? (Tita ko)
""Napagutusan lang kami na kunin at paglaruan kaluluwa nya, kasi minura nya kanina ang reyna namin""A: Umalis ka na dito! Ibalik mo sya!
""Ingatan nyo sya, hind titigil ang reyna namin hanggat hindi nakukuha kaluluwa nya""
Then biglang nahimatay si Tita.
4 na araw na pabalik balik yung mga sumapi sa kanya.Nung naging mahinahon si Tita. Agad syang nagkwento. Nakarating daw sya sa kaharian nung reyna na yun. Reyna ng mga engkanto. At madami pa nangyari.
at yun yung kukwento ko sa susunod.
Ngayon, sa mga nagbabasa neto. Sana maisip nyo to.. Hindi lahat ng tao sa paligid nyo tao talaga, minsan nagbabalat kayo lang. Kaya magingat kayo sa sino mang makakabangga nyo. WAG BASTA BASTA MAGMUMURA.Ps. Kung ang multo. Takot sa matapang at nagmumura. Ang engkanto, mas matapang sila pag minumura mo sila.
Niyniy
Muntinlupa
![](https://img.wattpad.com/cover/91283270-288-k513082.jpg)