Barang

1.1K 21 0
                                    


Idk kung maipopost to pero here it goes. It happened around 2001. Taga san juan kami and yung lolo ko former brgy captain so marami syang connections. One day umalis yung kasambahay ng lolo ko so isa sa mga connections nya nagrecommend ng pwedeng ipalit. Dumating yung bago, morena, chubby at mahaba na kulot yung buhok na parang taga bundok talaga. Nung mga unang buwan cool yung kasambahay nila na yun kasi nakiki jamming, nag iinom pag may birthday or any occasions. Nakikisabay sa mga matatanda na samin okay naman sya, normal na tao. Yung kwarto nya sa silong ng bahay nila lolo dun sa dulong kwarto.

After a year maybe unti unting nagkakaroon na siguro ng problema sa sahod yung kasambahay kasi nasasalat na ata lolo ko nun. Dahil may sakit sya at tanggal na sya sa pagiging barangay official. Nagagalit yung kasambahay nila dahil late or di ata kumpleto yung sahod tapos madaming ginagawa din. Months passed by bigla nalang lumala yung sakit ng lolo ko. Nagkaroon sya ng mga bukol bukol then after a week sa higaan lang sya at di makatayo, lagi na syang nahihilo. Nagigising ng madaling araw at nangangaray sa sakit na dinadaing nya. Paunti unti sumusuka na ng tubig lolo ko at may dugo ito.

Natakot ang mga tita ko kaya ipina check-up sya. Sabi ng doctor wala naman daw problema sa baga lolo ko kaya imposibleng dugo ang isuka. After a month lalong nadedelay na ng sahod yung kasambahay so di na nila afford at pinaalis na nila. Lumipas ang mga araw pati lola ko natutulala nalang bigla. Pareho na silang sumusuka ng tubig at may ibat ibang nakikita. Si lola sumusuka daw ng bulate at ipis. Si lolo ngipin at mga pako na may mga kasamang dugo daw.

Naisip na namin na hindi pangkaraniwan ang mga ito kaya lumapit kami sa pari. Binendisyunan ang bahay nila lolo at nagsagawa ng pabasa at dasal. Hindi pa rin nawala ang mga pagsuka nila. Padahan dahan nagkakabukol na rin si lola at naglalagas ang mga buhok nila at nadidiliman na sila sa bahay. Napaka dumi daw at mabaho daw yung bahay na parang may nabubulok. Dahil di naman namin ito nakikita o naaamoy, nagpatawag na kami ng albularyo. Pagdating ng albularyo agad na sinabi na nababarang daw sila lolo, sobrang lakas daw ng mambabarang na to at kahit sya di nya ito kaya mag isa. Nagpaalam ang albularyo at babalik daw sa susunod na linggo. Kailangan nya daw ng isa sa mga kamag anak namin na nakakaramdam, yung hindi pa bukas ang third eye.

Bumalik yung albularyo at agad na pinatawag yung pinsan ko na nakakaramdam. Inayos ang sala, itinabi ang mga upuan. Bago sila mag umpisa nagdasal muna sila, mga 3 hrs din yun. Patay lahat ng ilaw. Mga 8 ng gabi yun nag umpisa, kandila lang ang kapit nila. Nagpaikot ng insenso habang nagdadasal. Pagkatapos gumuhit ng star na gamit sa uling yung albularyo, pinaluhod pinsan ko at pinatungan ng dalawang maliit na pinya ang magkabilang palad. Nilagyan ng coins na parang illuminati yung magkabilang mata, copper color tapos piniringan ng itim na tela. Habang ginagawa to, dinadasalan sya at dahan dahan sinisindihan ang kandila na nakatirik sa bawat kanto ng star. Nung nasindahan na lahat, nagkapit kapit sila ng kamay at nagdasal ulit sa ibang lengguahe yung albularyo. After magdasal tinanggal ang piring ng pinsan ko at nagreact agad sya na mabaho daw. Pagkadilat ng mata nya nakita nya yung talagang itchura ng bahay at itchura nila lolo. Napaka dumi daw, puro sapot at basura, ang dami daw insekto at yung itchura nila lolo at lola nagsusugat ang mga balat at nagnanaknak ang mga sugat. Nakita din ng pinsan ko ang mga suka na may dugo at bulate at uod na kasama nila pati mga pako at bubog na laman ng suka.

Itinanong ng albularyo kung kaya ba ng pinsan kong sundan ang amoy na mabaho. Nung sinundan nila, nanggagaling ito sa silong ng bahay sa dulong kwarto na walang tao. Pagbukas nila ng pinto nakakita ang pinsan ko ng mga putol putol na bahagi ng katawan ng pusa. Marami sila, mga 10 daw at mga buhok na hindi alam kung kanino galing at marami din.

Agad na nagdasal ang albularyo at tinanong ang mga lolo at lola ko kung sinong nakatira sa kwarto na yun. Sinabi nila na yung dating kasambahay daw. Tinanong din kung nagkaproblema ba sila at sinabi ni lolo ang lahat. Tinanong din ang pangalan ng kasambahay. Nung sinabi ng lolo ko yung pangalan, nagbilin ang albularyo na wag na wag na daw mababanggit ng kahit sino ang pangalan na yun. Kung maaari daw ay humingi nalang ng tawad dun sa kasambahay at bayaran ang mga naging kulang pa sa sahod. Pagkatapos nun naglagay ng puting kandila yung albularyo sa may pintuan ng kwarto at nagdasal. Humingi ng paumanhin yung albularyo at humiling na wag naman daw sana syang idamay o saktan. After 3 days nabayaran nila yung kasambahay. Ipinadala nila yung pera at pagkatapos nun gumaling na sila pagkalipas ng dalawang araw. Hanggang ngayon buhay pa rin siguro yung kasambahay at namamasukan pa rin.

iwitness

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon