"Hi Spookify readers! I hope na ma ipost at magustuhan nyo tong story. Nangyari lang to this year. So eto.
It was September non. Di ko alam exact date. Umaga non and lahat ng tao busy sa pag prapractice. Walang tao sa ibang building ng school. Itong school na to ay isang catholic school. (ULSHS). Ako naman sobrang busy din sa pag gawa. Simula pag pasok ko pa lang props na agad ginawa ko. So nagpahinga ako before the break. Pumasok ako sa isang room at nakita ko walang tao. Naisipan kong matulog muna saglit pero hindi ko magawa. May kung ano anong pumapasok sa isip ko. May nararamdaman akong kakaiba sa building na iyon. Kaya hindi nalang ako natulog. So gumawa nalang ulit ako ng props.
Kinabukasan, nagra-rush na ang mga tao. Dahil sa susunod na araw ay foundation na. Umabot kami ng gabi sa school para tapusin yung mga props. Then inutusan ako ng teacher ko upang i check yung building namin. Pinasindi nya yung mga ilaw. 4 na room ang nasa building na iyon. Ngunit nagtataka ako kung bakit yung isang classroom naka bukas ang mga electric fan sa loob. Kaya pumasok ako at pinatay ko pero pag labas ko nagpapatay sindi yung ilaw. May naaaninag akong palapit ng palapit na bata pero di ko nalang to pinansin.
Kinabukasan tinanong ako nung mga kaibigan ko. Sino daw yung kasama kong pumasok sa classroom. Sabi ko mag isa ko lang. Pero ang sabi sakin ng mga kaibigan ko may kasunod daw akong Mag asawa at isang bata. So yun kinabahan nako lalo. Inopen ko ito sa iba kong kaklase. Ang sabi nila pati din sila nakkakaramdam.
The day after the foundation, back to regular class nanaman. Science subject namin at yung teacher namin buntis. Naka upo lang sya habang nagtuturo. Ng nagulat sya na biglang may nag type ng password sa laptop nya at bigla itong nag open tapos nag shut down ulit. Kinabahan kaming lahat. And yung isa kong kaklase biglang nahimatay.
Nagtanong ako sa mga higher students kung may ganun din silang nararamdaman dati. Ang sabi nila oo naman daw kasi matagal na daw may nagpaparamdam dun. Kaya hinayaan nalang namin. "
Boxbox
Santiago
