Hi! Silent Reader ako at First time ko lang magshare ng story dito. Actually hindi to kagaya ng ibang nababasa natin na super nakakatakot, na may ghost or what. Isa lamang syang panaginip at gusto ko lang humingi ng advice kung ano ba ang ibig sabihin ng ganitong panaginip.
So eto sisimulan ko na, 8 kaming magkakapatid, pero yung isa kong ate nasa lola ko at yung isa naman ay nasa abroad so 6 nalang kami pero 8 kami sa bahay isama niyo na si papa at mama. Simula nung natira kami sa bago naming tinitirhan (rental) lagi nalang akong binabangungot, kahit si papa ganun din kaso kasi matatakutin sya. Lagi kong napapanaginipan ay yung nalulunod ako sa tubig, may humahabol sakin na may hawak na kutsilyo, minsan naman nasasaksak na ako bigla nalang akong nagigising at hingal na hingal na sobrang kabado. Pero eto talaga yung pinakatumatak sakin, hindi sya kagaya ng ibang bangungot na gigising ka ng pawis na pawis at ang bilis ng tibok ng puso. Sa panaginip kong yun nasa isa akong sasakyan kasama ang ate kong galing sa abroad, sinundo namin sya (pero actually hanggang ngayon nasa abroad pa din si ate) saglit lang yung ganung scenario at naiba na pero nasa sasakyan pa din ako. Paiba iba yung scenario sa panaginip kaya di ko na sya ganong tanda, ang naalala ko lang eh yung nasa loob na ako ng isang kwarto, pero parang storage room na madumi. Ang daming tao, puro lalaki. Hindi ko alam kung may balak ba silang rape-in ako o hindi, pero ang pinakasure ko ay yung gusto nila akong patayin, hindi ko alam kung bakit, di ko din sila kilala pero naalala ko yung mukha nila. Wala akong takas sa kanila kasi nga ang dami nila. Hanggang sa tinotorture na (daw) nila ako, kung anu anong ginagawa pero di nila ako sinasaksak, tinatadyakan lang. Ang weird nga eh, kasi dadalhin nila ako sa may mataas na part at itutulak ilang beses nilang ginagawa sakin yun ng paulit ulit, may mga dugo na din sa sarili ko pero di ako namamatay. Hanggang sa napagod na siguro sila, tumigil sila at akala nila patay na ako. Eto naman ako pumikit at nagpigil ng hininga para akalain nilang patay na ako at makatakas na ako sa kwartong yun, ilang oras akong ganun, pakiramdam ko totoong nangyayare kasi sa ramdam ko na pigil yung paghinga ko, ang hirap kaya ng ganun! Hanggang sa may dumating na babae, tinatanong niya sa kasama niya kung patay na ba ako o hindi. Tumingin sya sakin na nagtataka (siguro nakita niya na bigla akong gumalaw) tinatadyakan niya ako, naghihinala na buhay pa ako. Hanggang sa lalapit na sana sya sa mukha ko, dun na natigil yung panaginip ko bigla akong nagising pero gaya nga ng sinabi ko di ako pinagpawisan. Ang nangyare lang eh paggising ko nahihirapan akong huminga which is nagpigil pala ako ng hininga habang tulog, tas yung kumot naka-cover talaga sakin mula ulo hanggang paa, yung feeling na akala mo nasa hospital ka at dineklara kang patay kasi nakabalot sakin yung kumot. Parang ganun sya. So ayun parang makatotohanan yung panaginip kasi kahit sa totoong buhay ay nagpigil din ako ng hininga, nagpasalamat talaga ako kasi nagising pa ako. Yun na nga di sya creepy pero gusto ko lang talaga malaman kung anong ibig sabihin ng ganung panaginip. Sorry kung mahaba hahaha.
P.S Next time magsesend ako ng mga creepy moments ko din. Gusto ko lang talaga ng advice ninyo kung alam niyo ibig sabihin niyan.
Panda
Caloocan
