Ako nga pala si Bojz, isa ako sa mga masugid na nagbabasa dito. First time kong magshare ng kwento dito pero hind ito nakakatakot kundi nakakamangha lamang. Pero sana maipost. 😊Bata pa lang ako, alam kong minana ng papa ko mula sa namayapa kong lolo na isang albularyo ang mga kaalaman sa mga oracion. Pero hindi nakapanggagamot ang papa ko. Mahilig ang papa ko na mangoleksyon ng mga anting anting at kakaibang bagay na makikita nya at isa na nga dito ang ""MUTYA.""
Grade 3 ako noon nang sinama kaming magkakapatid ng mama ko sa pinagtatrabahuan nilang hacienda sa Sta. Maria, Bulacan. Bakasyon naman kasi kaya pwede kami dun at mabait naman mga amo nila. Gabi noon, naghahanda na kami para kumain, inutusan ako ng papa ko na bumili ng family size na coke. May napansin ako sa wallet ng papa ko na may nakaipit na mga buto ng sili at papaya na nakalagay sa maliit na plastic. Hindi ko muna pinakialaman yun dahil inuutusan pa ako na bumili sa tindahan.
Pagkatapos namin kumain, naalala ko yong nakita ko kaya kinuha ko 'to.
Tinanong ko ang papa ko tungkol dun sa mga buto na nakita ko sa wallet nya at ang sabi nya ay mutya daw yon. Sa una hindi ko naman talaga alam kung ano yong mutya na yan nang ipaliwanag na ng papa ko...Ang mutya daw buhay na bato na humahalo sa mga buto ng prutas. Pero may iba din daw na uri ng mutya gaya ng sa aswang atbp. Ang mutya sa prutas ay paboritong kainin ng mga ""LILINTE"" parang pusa daw itong itim na mahaba ang katawan at may pangil. Kapag daw malakas ang ulan at may kulog at kidlat andun sila para maghanap ng mga mutyang makakain at sumasama sila sa kidlat. Nagtanong ulit ako kung paano malalaman kung mutya na nakahalo sa buto ng prutas ang mutya? Tumayo ang papa ko at kumuha ng platito at kalamansi. Nilagay ng papa ko yung isang piraso ng mutya na hugis buto ng sili at pinatakan ng kalamansi. Nakakamangha talaga na gumagalaw ng marahan yong buto paalis dun sa katas ng kalamansi. Ganun lang daw ang paraan para malaman kung mutya yung hawak mo. Ayaw daw kasi ng mutya sa maasim. Pero sinabi din ng papa ko, bawal daw itabi yun ng mga wala kang dasalin o oracion kasi baka habulin ka ng lilinte at mamatay ka. Sabi pa din ng papa ko yun daw natatamaan ng kidlat eh posibleng nakakain ng mutya na hindi nila alam.
Sa ngayon nasa pangangalaga pa ng papa ko yong mga mutya n'ya at sigurado ako na madami na yon.
Sternritter
![](https://img.wattpad.com/cover/91283270-288-k513082.jpg)