"November 10, 2014 pangatlong araw na ng burol na lola ko. Sakto sembreak namin yun kaya kasama ako ng mga tita at pinsan ko sa pagpupuyat.That day din November 10, ayan din yung araw ng pag eenroll ko. 6am nag-ayos na ako ng sarili ko para lumuwas ng Manila (kahit wala pa talaga akong tulog).
Bago pa man namatay yung lola ko, nagpapasama na yung bestfriend ko sa Divisoria para bumili ng pang giveaway nya sa debut nya. Odi naisip ko since sa Intramuros yung school ko at malapit lang din sa divisoria nagdecide ako na pumunta na din kami ng divisoria after ko mag enroll.
10am natapos ako mag enroll then 12pm dumating yung bestfriend ko. Natapos kami magdivisoria mga past 5pm na. Then i decided na pumunta muna sa Dangwa para makabili ng bulaklak para kay lola.
Mga past 8pm na at saka kami umuwi sa Bulacan. Nagjeep lang kami kasi pagod na pagod na din kami kung tatayo pa kami sa lrt. Then nung nasa Monumento na kami sabi ko dun sa bestfriend ko daan muna kami sa bahay namin bago pumunta sa burol ni lola (kasi nagkatagos yung short ko).
10pm nakarating na kami sa Bulacan at dumiretso muna sa amin. Agad agad kami pumanik ng bestfriend ko sa kwarto. Yung kwarto namin may cr sa loob kaya iniwan ko muna sya sa bed tapos ako naman naligo. Napakabilis ko maligo non kasi iba na talaga nararamdaman ko. Odi nagbihis na ako tas yung bestfriend ko naman busing busy sa pag aayos ng mga giveaways nya. Then mga maya maya lang may bigla bigla na lang ako naamoy na sampaguita (YUNG BINILI KO PONG BULAKLAK SA DANGWA AY PURO ROSE). Di ko sinabi sa kaibigan ko yun kasi alam ko na matatakot at mag uunahan lang kami sa pagbaba ng hagdan.
Habang busing busy nga sya sa pag aayos agad agad ko sinabi sa kanya na umuwi na kami sa bahay ng lola ko (malapit lang bahay ng bestfriend ko at bahay ng lola ko na pinagbuburulan). Nagmamadali na akong bumaba sya naman nagmamaganda pa sa pagbaba. At nung nakalabas na kami sa gate namin at chaka ko na lang agad sinabi sa kanya na nakaamoy ako ng sampaguita kaya minamadi ko na sya. Inamoy din naman namin yung binili naming bulaklak di naman amoy sampaguita.
Pagkadating ng pagkadating namin sa burol ng lola ko. Kinuwento ko agad sa mga tita at ate ko, at ang sabi nila baka nga daw hinahanap na daw ako ng lola ko, 6am hanggang 11pm ba naman wala pa ako e.
Ayun lang, namiss ko lang lola ko. 2yrs na syang patay sa November at di pa din ako makapaniwala na wala na sya, i love you la :("
Lola's girl
Bulacan
![](https://img.wattpad.com/cover/91283270-288-k513082.jpg)