THE ONE THAT GOT AWAY

746 16 0
                                        


Hi. I am  a silent reader sa page niyo ever since. Bago pa humiwalay itong page niyo sa USTF  hehe so ito na nga.. Sana magustuhan niyo.
Admin please pakipost. Hahahahaha abusada.
Wag din laiitin nako. Kung manlalait lang po kayo, kayo na po magsend. Yung maganda yung pang famas ang script. THANKS!
So eto na nga,
Isu.surprise ko sana yung boyfriend ko. Mauuna ako pumunta sa bahay nila. Pero ka malas malasan. Nakalock yung gate. Medyo nakakahiya kasi nakikita na ko ng mga kapit bahay nila at tinitignan ako. Nadadaanan kasi ng mga tao yung harap ng gate nila.
“Sino hinihintay mo?” tanong ng isang babae na huminto sa harapan ko. Morena sya at maliit. Cute din sya sa totoo lang. ang ganda niya  ngumiti. Kumikinang yung mata niya. Napaka friendly ng aura.
“boyfriend ko po ate” sagot ko naman.
Tumabi na sya non saken. Nakangiti parin.
“Ate talaga? 23 lang ako. Wag ka naghihintay mag isa ditto. Delikado.hinihintay mo si ******?”
Bunsong kapatid yun ng boyfriend ko. “Hindi sya, si *****”
“Ah. Si kuya???. Akalain mo yun? May girlfriend na sya!”
Natatawa ako sa pagkakasabi niya. Hindi pangit yung boyfriend ko pero natawa talaga ko.
“oo sya. Grabe ka. Kilala mo sila?” tanong ko.
“oo naman. Lagi ako dito dati. I don’t know if they still know me.” Malungkot niyang tugon. “Iingatan mo si kuya ko ha. Mahal na mahal ko yun. “ this time there were tears.
“uy bakit ka umiiyak?” aabutan ko sana sya ng panyo ko.
“Wala. Namimiss ko lang yon. Close kame noon. Kaya lang ngayon hindi na.”
ewan ko pero gusto ko umiyak. Pakiramdam ko hindi lang sila magkaibigan. There is a deeper connection.
“uy sya. Baka last na pagkikita nadin natin ito. Aalis na ko. Ingat ka. Wag mo na uulitin yung naghihitay ng wala sila. Delikado.bye. *****”
Nagulat ako. Unang beses kong nakita yung babae pero kilala niya ko. Hindi din naman ako madalas na nakakapunta sa bahay ng boyfriend ko. Kasi laging busy.
Sinundan ko sya ng tingin. At dun ko nakita yung boyfriend ko, kasama pamilya niya. Galing pala sila ng fastfood at dun na naghapunan.
“Uy! Anong ginagawa mo dito??? Hindi ka nagsasabing pupunta ka?” medyo galit sya. Nagulat ako.
“bakit ka ba nagagalit eh gusto lang naman kita surpresahin.”
“wag mo na uulitin to ha.” Galit parin
Naiiyak ako. Inalo ako ng mama niya.
“hija, pagpasensyahan mo na. nagaalala lang ang anak ko. Natatakot lang sya.”
“Di naman po ako mag isa tita. May kaibigan po sya na kumausap saken”
Nagulat at nagkatinginan silang lahat.
Yung galit ng boyfriend napalitan ng pagtataka.
“sinong kaibigan? Wala akong kaibigan dito masyado.”
“Meron. Hindi ko lang natanong yung pangalan. Sinamahan niya ko maghintay sayo. Maliit. Cute. 23 na daw sya pero mukhang college student palang. Hindi ko nga lang nakuha yung pangalan.”
“Mga ganito kataas?” Sabay muestra sa balikat niya. “ M-Morena?” His anger turned into curiosity.
“Oo ganyan.”
“S- si Alex yun.” Naiiyak na siya.
“sigurado ka ba sa nakita mo hija? Tanong ni papa niya.
“Opo. Hindi ko lang po nakita. Kinausap pa po ako. Ang ganda nga po ng ngiti ehh. At kilala niya po kayo”
“Hija kasi. Si Alex, matagal ng wala yun. Wala na sya.” Sagot ni mama ni boyfie.
“Lumipat po?” – nyeta ang slow ko.
“Patay na, ate”. Sagot saken ng bunso.
Kinabahan ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
“Hindi po pwede. Seryoso ako. Pinagiingat niya ko dahil sabi niya delikado dito pag ako lang mag isa.”
sasabihin niya talaga yun kasi .. dito sya napatay eh.”
Natakot na ko.
“May mga nakaaway ako dyan sa labas. Nakasapak ako. Pero mas napikon sila kasi ni hindi nila ako nagantihan. Taon na lumipas nun, pero binalikan pa ko nung mga nakaaway ko. Nag punta sya dito samen. Ugali niya yun eh.  Nasa ibang bansa pa ko non. Mga magulang ko ang lagi niyang dinadalaw kahit wala ako. Nag hihintay sya dyan sa labas, nung sya yung balikan ng mga nakaaway ko. Pagdating nila mama, naisugod pa nila sa ospital. Pero wala na din. Wala na. “
“Bakit di mo saken kinuwento?” – ang insensitive ko sa part na to.
“Tingin mo paano ko ikkwento yun?” Naiyak nalang sya. Hindi hagulgol pero ramdam kong malungkot.
Hindi naging sila nung Alex. Maybe dumagdag yon sa pain na nararamdaman niya. May halo nang panghihinayang. She will always be the one that got away ng boyfriend ko. Oo iba sa feeling pero, hayaan na naten. Once in our life we have loved a person that much, pero kung hindi sila para saten, kailangan naten mag move on. And that’s what he did. Naawa ako. Hindi ako nagalit or what. Yung takot ko napalitan ng panghihinayang para sa kanila.
Alam ko na mahal ako ng boyfriend ko. It’s just that gaya nga ng sinabi ni pare F. Scott Fitzgerald — 'There are all kinds of love in this world but never the same love twice.'
Alex, kung nasaan ka man, don’t worry. Alam ko na hindi ka malilimutan ni *****. You will always have a special place in his heart.
Salamat sa pagsama saken maghintay ha. At gaya ng sinabi mo PLEASE LAST NA YON HAHAHAHAHAHA.

NoScreenName
ZAMBALES

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon